Wilma The elevator opened again. Bumungad naman sa amin ang tatlo sa mga tao niya na tila nag-aabang sa amin. May ilang shoppers ang nasa likuran nila at nahaharangan nila ngunit nakatutok ang mga paningin nila sa amin. Mabilis naming inayos ang aming mga sarili. Muli akong inakay ni David palabas ng elevator. Umalalay din sa amin ang mga tao niya hanggang sa makalabas kami sa basement. "David, hindi ako sasama sa iyo," I immediately told him when I noticed we were heading towards his car. "Wasak ang kotse mo." "A-Ano?" Napanganga naman akong bigla sa sinabi niya. "Anong wasak?" Kaagad kong tinanaw ang kinaroroonan ng kotse ko. Hindi ko naman ito gaanong makita dahil sa nahaharangan pa ito ng iba pang mga sasakyan ngunit natatanaw ko ang ilang mga taong nakaumpok sa lugar niyon. "