Wilma Pagdaong namin sa tabing dagat ay kaagad na akong bumaba ng yacht niya. Mabilis akong naglakad patungo sa kotse ko. "Wilma!" David called from behind me but I ignored him. Naririto pa rin ang mga tao niya at naghihintay sa kanya. May dala naman silang kotse para sa amo nila. Nang makalapit ako sa kotse ko ay kaagad kong binuksan ang pinto sa driver's seat at pumasok sa loob. "Wilma!" Mabilis ko ring isinara ang pinto at binuhay ang makina nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na naririyan na siya sa malapit. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang bigla siyang magkakatok sa bintana ng kotse ko. Hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan ko nang pinaharurot paalis sa lugar ang kotse ko. Ayoko na siyang tingnan pa dahil hindi na dapat. Hanggang dito na lang ang lahat sa aming