Wilma Sa halip na dumiretso ako sa room ko ay umikot lang ako. Muli akong lumabas ng gusali at sa kabilang pathway ako dumaan patungo sa kinaroroonan nila David at ng mga barkada niya. Hindi ako mapakali, may nararamdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Kumakabog ito ngayon nang napakalakas. Tinanaw ko ang lugar na siyang tinungo kanina ni David kung saan naroroon ang mga barkada niya at hanggang ngayon nga ay nagkakatuwaan pa rin sila doon. Mas lumapit pa ako sa kanila habang pakubli-kubli ako sa mga puno at mga gazebo nipa hut na nadaraanan ko. Naintriga ako sa mga pinagkakatuwaan nila ngayon. Nakita kong nag-aabutan sila ng mga susi na sa tingin ko ay sa mga sasakyan nila, dahil ganoon ang susi ng kotse ni David. "Whoaa! Your keys! I won!" "Oy, ako din! Akin 'yang sa iyo!" "Sinas