Wilma "How the hell did he know this house?!" tanong ni Devin habang naglalakad na kami papasok ng bahay. Hindi ko naman malaman ang isasagot ko sa kanya. "Nagkita na kayo, 'di ba? Or sabihin na nating nagkikita na talaga kayo," saad naman ni Derrek habang taimtim na nakatitig sa akin akin. Parehong madilim ang kanilang mga anyo at nakikita ko ang matinding galit sa kanilang mga mata. "Derrek, Devin, hindi pa rin tama ang ginawa niyo kanina--" "And what do you want us to do after all his s**t?!" sigaw kaagad ni Devin. "He's still your father! No matter what he did, he's still your father and you came from him! Paano niyo maaatim na ipalapa o saktan ang sarili niyong ama?! Hindi ko kayo pinalaking ganyan! Respetuhin niyo pa rin siya kahit ano pa ang nangyari!" Hindi ko na rin napigil