Wilma "Ah, date? Gusto mo ng date?" nakangiti kong balik-tanong sa kanya habang tinatanggap ko ang pumpon ng mga bulaklak niyang dala. Mas lalo din namang nagpakatamis-tamis ang pagkakangiti niya sa akin na may kasamang pagtaas-baba ng mga kilay niya. "Date your face! Get the f**k out of my car!" Kaagad kong inihampas sa mukha niya ang mga bulaklak niya kasunod ang paghila ko sa braso niya palabas ng kotse ko. "Get out, right now!" "A-Ouch! Wait! Damn it." Mabuti na lang at nailabas ko rin siya pero mas lalo pang nagpanting ang tainga ko sa pagmumura niya. "Ang kapal din naman ng mukha mo! Anong akala mo sa akin, madadala mo lang sa pabula-bulaklak mo at pa-date-date mong nalalaman? Hoy! Sinabi ko na sa iyo, hindi na ito ang dating Wilma na maloloko mo nang gano'n-gano'n lang! Kung na