Wilma Maghapon na naman akong wala sa sarili habang tinuturuan si Rain. Hindi ako makapag-concentrate sa pagtuturo sa kaniya. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga naganap sa aming dalawa ni David kanina sa loob ng kotse niya. At buong maghapon ding nag-iinit ang pakiramdam ko. Shit. Masama na yata ito. Ano bang ginagawa sa akin ng lalaking 'yon? Hindi ko akalaing sa edad naming ito ay magagawa pa rin namin ang mga bagay na 'yon at gano'n pa rin siya ka-active sa s*x! Napapaisip lang ako noong hindi pa kami nagkakatagpo. Hindi kaya patuloy pa rin siya sa paggamit ng kung sino-sinong mga babae hanggang ngayon? Lintek talaga siya! Huwag siyang baboy! Kung gagamitin niya ako, siguraduhin niyang hindi na siya gagamit pa ng iba! Wait. I suddenly stopped. Why am I thinking like this?