CHAPTER 3: Familiar

1889 Words
David... Pakiramdam ko ay nag-echo bigla ang pangalan niyang 'yon sa isipan ko habang hindi naghihiwalay sa pagkakatitig ang aming mga mata. Tuluyan na siyang nakalabas ng elevator ngunit sa mismong harapan ko siya huminto at napakalapit na namin sa isa't isa. Halos isang dangkal na lamang ang pagitan naming dalawa at mas napatingala pa ako ngayon dahil sa tangkad niya. Nalalanghap ko na rin ang humahalimuyak niyang pabagong panlalaki at nanonoot iyon sa tungki ng ilong ko. "Wilma," he repeated my name. Ibig sabihin, naaalala pa rin niya ako kahit halos tatlong dekada na ang lumipas buhat noong lokohin niya ako at iwan na lang na parang basura. May pagbigat ng dibdib akong nararamdaman sa mga sandaling 'to... sakit at poot na bigla na lamang nabuhay sa loob ko. After twenty nine years, sobrang laki na nang ipinagbago niya ngayon. Gayunpaman, alam kong nasa edad na siya ngayon ng forty eight dahil isang taon lang naman ang pagitan naming dalawa, pero parang hindi naman siya tumatanda. Pero napakatikas niya ngayon kumpara noong kabataan pa lang namin. Mas lalo pang nadepina ang bawat hulma ng mukha niya. But if you don't look at him closely, you won't notice the wrinkles peeking out from every corner of his eyes. Madaya ang pagiging maputi niya at makinis. Mukha pa rin siyang nasa edad lang ng bente. "Dad? Hey, Wilma. Nandito ka na pala." Nagulat naman ako nang bigla na lamang lumitaw si Darren mula sa likuran niya at mukhang kalalabas lang niya ng elevator. What the? Ang bilis namang umakyat at baba ng elevator. Gano'n na ba kami katagal na magkaharap ng ama niya? Kaagad akong napahakbang paatras at mabilis na bumaling kay Darren. Kaagad ko siyang nginitian at tinanguan. "J-Just arrived a few moments ago. Pasensiya na, late na ba ako?" Iniwasan ko nang lumingon sa ama niyang ramdam ko mula sa sulok ng mga mata ko ang mariing pagtitig sa akin. "Hmm, nope." Kaagad bumaba ang paningin ni Darren sa suot niyang relo. "You still have three minutes left. Hinabol ko lang itong si Dad pero papasok na rin ako sa opisina. You can go upstairs. Just ring the doorbell in my unit. Rain will see you through the peephole." "Oh, sure. Sige." Muli ko siyang tinanguan at lalampasan ko na sana sila. "Uhm, wait." Ngunit muli pa niya akong pinigilan kaya't napahinto naman ako sa tangka kong paglampas sa kanila ng kanyang ama. "Ahm, what is it?" Unti-unting lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko sa maaari pa niyang sabihin. "Ahm, I just want you to meet my father, David Delavega. You must be familiar with him." Maka-ilang ulit akong kumurap at ngumiti sa kanya bago napilitang lingunin muli si David, na hanggang ngayon ay taimtim pa ring nakatitig sa akin. I'm sure he doesn't know anything about me and his father, so maybe what he refers to as familiar is because his father is a well-known and number one rich businessman in our country, or let's say their whole family. Delavega's. "Oh, yeah. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang tulad niya. Hello, Mister Delavega." Binigyan ko ng ubod-tamis na ngiti si David kasabay nang paglahad ko ng kanan kong kamay sa harapan niya. Siya naman ay mukha pa ring natutulala sa akin hanggang ngayon. Pansin ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbaling ni Darren sa ama niya. At nang hindi kaagad nagbigay ng reaction si David sa ginawa kong pagpapakilala sa kanya ay ramdam ko na ang pagtataka sa hitsura ng anak niya. "Dad, is there a problem?" Kaagad na siyang siniko ni Darren sa braso. Pa-simple lang 'yon ngunit napansin ko pa rin. "Oh, y-yeah. I'm sorry." Tila doon lang natauhan si David. Napahilot siyang bigla sa noo niya at tila hindi na malaman ngayon kung saan na siya titingin. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng pisngi niya kahit may mga moustache nang nagsisibulan sa palibot niyon hanggang sa baba niya at pagitan ng ilong at mga labi niyang namumula. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumuo ng mga pawis niya sa noo. "Mukhang wala ka pang breakfast, Dad. Kumain kaya muna tayo." Dinaan sa biro ni Darren ang sa tingin ko ay napapansin na niya rin sa ama niya. "My hand is waiting for you, Mister Delavega," aniko naman sa kanya habang nananatiling nakalahad pa rin ang kamay ko sa harapan niya. "Ikinagagalak kitang makilala. I am Wilma Llona, Darren's girlfriend's new teacher." I still kept my beautiful smile on my lips while staring at him. Muli naman siya napabaling sa akin at napatitig. Maraming pagtatanong at kaguluhan ang nababasa ko na ngayon sa mga mata niya. Ngunit naroroon din ang paghanga at pa-simpleng paglibot ng mga mata niya sa kabuuan ko. Bumaba din ang paningin niya sa kamay kong kanina pa naghihintay sa kanya at malapit na akong mangawit. Kaagad din naman niya itong tinanggap at doon ko naramdaman ang panlalamig, pamamawis at bahagyang pangangatal ng kamay niya. Nag-shakehands kami, ramdam ko ang ginawa niyang pagpisil sa kamay ko ngunit hindi ako nagbigay nang kahit anong reaction sa ginawa niya. I also kept my eyes cold on him even though I managed to smile. Ngiting kabaligtaran nang nararamdaman ko sa mga sandaling 'to. "H-Hi, M-Ms. Wilma... Llona. Aah, s-should I address you as Miss or... perhaps M-Mrs." Mas lalo pa akong napangiti sa tanong niyang 'yon, na parang kay hirap-hirap pa niyang bigkasin ang mga kataga. "Just Miss, Mister Delavega." Pansin kong muli ang paghinto niya at mas lalo niyang pagtitig sa akin. Nakikita ko ang maka-ilang ulit niyang paglunok at paggalaw ng adams apple niya sa leeg. "Anyway, I have to go. Siguradong naghihintay na sa akin si Rain sa itaas. Nice to meet you again, Mister Delavega. Ingat kayo." Kaagad ko nang pinutol ang paghaharap namin bago pa mas lumala ang pagtataka ni Darren sa aming harapan. "Thanks, Wilma," ani Darren naman sa akin na kaagad din akong binigyan nang daan upang makapasok ako sa loob ng elevator. "Until we meet again," dinig kong saad naman ni David mula sa likuran ko ngunit hindi ko siya nilingon. Pagpasok ko sa loob ng elevator ay saka ako muling humarap sa kanila. I just waved and smiled at Darren until the door closed completely. Ni hindi ko na tinapunan pa ng tingin si David hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Napabuga akong bigla ng malakas na hangin. I closed my eyes tightly. Ngayon ko lang naramdaman ang napakalakas na kabog ng dibdib ko at tila sumisigaw ang puso ko. Ngayon lang din biglang nanlamig at namawis ang mga palad ko kasabay nang pangangatog ng mga tuhod ko. I leaned against the wall for support. I took a few deep breaths. Hindi ko inaasahang gano'n kabilis kaming pagtatagpuin ni David kahit posible naman talagang mangyari iyon, simula pa lang nang tanggapin ko ang trabahong inialok sa akin ng anak niya. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa pagdating ng panahong 'yon. Kailangan kong maging matapang sa harapan niya. Ngunit hindi ko akalain na ganito pala kapag actual na. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat patungo sa unit ni Darren. I tried to concentrate on teaching Rain the whole day even though I had a really hard time because of what happened this morning. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang naging paghaharap namin ni David, ang naging asta niya sa harapan ko, ang hitsura niya, ang mukha niya, ang mga labi niya at ang mga titig niyang napakaraming kahulugan. Maging ang muling pagdadapuang-palad naming dalawa. Hindi ko mapigilang balikan ang nakaraan, kahit gaano pa iyon katagal. Kung paano siya ngumiti sa akin noon. Kung paano niya ako suyuin, ligawan, bigyan ng mga bulaklak at chocolate. Kung paano siya mag-care, sabihan ako ng I love you at angkinin nang paulit-ulit. Kung paano lumalapat sa katawan ko ang malalambot niyang mga labi at hagkan ako ng paulit-ulit. Kung paano humaplos ang maiinit niyang mga palad sa buong katawan ko, lalong-lalo na sa maseselang parte ko. Napapikit ako nang mariin nang makaramdam ako ng kakaibang init na bigla na lang nabuhay sa loob ko. Ramdam ko ang pag-iinit at pamamasa ng p********e ko. Lumarawan din sa isipan ko hubad niyang katawan at ang naghuhumindig niyang p*********i na hindi ko masukat kung gaano iyon kalaki at kahaba noon. Baka ngayon ay mas lalo pang nadagdagan ang sukat niyon. Shit. Not now, Wilma. "Teacher! Ayos ka lang po ba? May masakit ba sa iyo?" Bigla naman akong napadilat at kaagad natauhan sa nangyayari. Nabungaran ko si Rain sa harapan ko, na ngayo'y nakatitig na sa akin habang nangungunot ang kanyang noo. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Oh, p-pasensiya na, honey. Hindi, okay lang ako. Huwag mo 'kong alalahanin. Medyo sumakit nga 'yong ulo ko. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" I immediately turned to her paper. We are now in English spelling. Kaninang umaga ay sa Math computation. Mga basic and easy words lang muna dahil nagsisimula pa lang talaga siya sa pag-aaral. Hanggang Grade 2 lang daw ang napasok niya noon sa probinsiya nila. Fortunately, she already knows how to count. Kahit papaano daw ay nag-aaral siya noon sa bahay nila kahit hindi siya nakakapag-aral sa school. Marami din daw siyang mga libro noon mula sa mga bigay-bigay lang at ang iba naman ay binibili ng tatay niya para sa kanya. Noong una naming paghaharap ay kuwentuhan lang muna ang ginawa namin sa buong maghapon tungkol sa buhay-buhay niya. It made me cry a lot when I found out that she no longer has a family. Si Darren na lang ang mayroon siya ngayon at ang pamilya nito na maluwag siyang tinanggap at sinusuportahan, sa kabila ng hitsura niyang kinatatakutan daw ng marami. Hindi naman nakakatakot ang pagkakaroon niya ng malapad na birthmark sa mukha niya. Siguro ay hindi lang sanay ang mga tao na makakita ng ganito at alam naman nating sa mundong ito, marami ang mapanghusga. PAGSAPIT ng hapon ay nakalabas na rin ako ng unit ni Darren. Naroroon na siya bago ako umalis. Kaagad na rin akong nagpaalam sa kanila at hindi na nagtagal pa dahil baka tanungin niya ako tungkol sa nangyaring paghaharap namin kanina ng daddy niya. Alam kong naghihinala siya base sa mga tingin niya sa akin. Paglabas ko ng gusali ay kaagad kong tinungo ang kotse kong nakaparada sa malawak na parking lot dito sa gilid ng gusali. Unti-unti nang dumarami ang mga sasakyan ngayon na malamang ay nagsisi-uwian na mula sa mga kanya-kanya nilang mga trabaho. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang bigla na lamang may humila sa kamay ko at mabilis akong pinihit at isinandal sa kotse ko. Oh, s**t! Kumabog bigla ng malakas ang dibdib ko dahil sa pagkagulat kasabay nang pamimilog ng aking mga mata nang bumungad sa aking harapan ang isang pamilyar na lalaki. Ngunit sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad ako nakagalaw at nakapagsalita, lalo na nang maramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa batok ko at paghapit ng isa niyang braso sa baywang ko palapit sa kanya. Namalayan ko na lamang na may malalambot ng mga labi na sumasakop ngayon sa mga labi ko at mapusok ako ngayong hinahagkan. I suddenly dropped my bag while inhaling and tasting his mint smell and sweet manly saliva. It's so familiar. D-David...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD