Wilma
"I'm so sorry, baby, kung hindi ko kaagad nasabi sa inyo. I promise they don't know anything about me and they're in a different place. Malayo sa... k-kanilang... a-ama." Muli akong napayuko at hindi nakayanan ang mariin niyang pagtitig sa akin.
"I won't argue with you today 'cause it's your birthday. But please, finish your work with them. Ayokong nakikipag-ugnayan ka pa kanino man sa kanila at hindi rin ito magugustuhan ni Derrek. I'm telling you," aniya bago siya tumalikod at lumabas na ng silid ko.
Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim.
Alam ko namang hindi nila ito magugustuhan by the time na malaman nila pero hindi ko pa rin nagawang tanggihan si Darren noong alukin niya akong magtrabaho sa kanya para sa girlfriend niya.
Aksidente kong nakilala si Darren noong minsang may nambastos sa akin sa isang coffee shop at siya ang tumulong sa akin at matapang na humarap sa dalawang manyakis na iyon.
Since then we've become friends. Kung ituring niya ako ay parang ka-edad niya lang. Paminsan-minsan kaming nagkikita sa coffee shop kung saan palagi akong tumatambay at nakilala ko siyang napakabait na bata.
Naikuwento na niya sa akin ang tungkol sa naging buhay nila ng mama niya noong ito ay nabubuhay pa lang hanggang sa kunin siya ng kanilang ama. Mula rin sa kanya ay nalaman ko ang tungkol sa iba pa nilang mga kapatid na halos lahat ay anak sa labas ng kanilang ama.
Hindi ako halos makapaniwala na dumami ng gano'n ang anak ni David sa kung sino-sinong mga babae.
But why should I be surprised? Marahil ang ginawa niya sa mga babaeng ito ay katulad din nang ginawa niya sa akin noon. Ginamit niya lang, pinaglaruan lang nila.
Muli akong napahinga ng malalim nang magsimulang mamigat ang dibdib ko. Pinili ko nang tumayo at lumabas ng silid.
Ngayong alam na ni Devin ang totoo, siguradong ipapaalam niya rin ito sa kambal niyang si Derrek. At tama siya, hindi rin ito magugustuhan ng kambal niya.
Bumaba ako ng bahay at nagtungo sa dining room.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay sinalubong na kaagad ako nang kakaibang mga titig ni Derrek habang prente na silang nakaupo sa sarili nilang mga silya. Identical twins sila at iisang-iisa ang facial features nila.
Pero dahil ako ang ina nila, ramdam ko at kilalang-kilala ko kung sino sa kanila si Devin at kung sino si Derrek. May suot mang reading glasses si Derrek o wala.
Hindi ko nakayang salubungin ang mga titig niya. Bumaba ang paningin ko sa mesang nasa harapan nila. Maraming pagkain ang nakahanda na doon. Mayroong isang square cake sa gitna with candlelights.
Kaagad akong naluha at naiyak sa harapan nila.
"I'm so sorry."
Kaagad na tumayo si Derrek at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagkan sa noo.
"Let's not talk about it now. There's a time for that. It's your birthday and we're going to celebrate today."
"I'm so sorry, mga anak." Muling tumulo ang mga luha ko sa pisngi.
"Sssh, stop crying. Papangit ka," kaagad niyang saway sa akin kasabay nang pagpunas niya sa mga luha ko sa pisngi.
Hindi ko naman malaman kung matatawa ba ako o maiiyak sa sinabi niya.
"Happy birthday! Come on." Kaagad na niya akong inalalayan palapit sa mesa.
Tumayo na rin si Devin at pinaghila ako ng silya.
"Let's sing first," aniya bago sila sabay na kumanta ni Derrek.
Namumutawi naman sa kanilang mga labi ang ngiti ngunit ang mga mata nila ay tila nahahaluan ng hinanakit at sama ng loob. Kaya naman hindi naging lubos ang saya ko sa mga sandaling ito.
I felt guilty inside me.
"HAPPY BIRTHDAY!!" panghuling sigaw nila sa kanilang kanta bago sila sabay na pumalakpak.
"A'right, blow your candle but before that, make a wish," ani Devin matapos niyang kunin ang cake sa gitna ng mesa at inilapit sa akin. Nakasindi ang dalawang kandila na nakatusok sa gitna nito.
Si Derrek naman ay hawak ngayon ang phone niya at nakatutok sa akin. Siguradong kinukuhanan na naman niya ako ngayon ng video.
I closed my eyes and thought about my wish. Wala naman na akong hiling pa para sa sarili ko, kundi para na lang sa mga anak ko.
Sana ay matanggap na nila ng buo ang mga pagkatao nila at kung saan sila nagmula. Sana ay mabura na sa mga puso nila ang galit para sa tunay nilang ama. Para man lang mapanatag na ako, bago ako mawala sa mundong ito.
Idinilat kong muli ang aking mga mata at hinipan ang mga apoy ng dalawang kandila.
"Yown! Happy birthday!"
"Happy birthday, sweetheart!"
Kinuha ni Devin ang cake na hawak ko at muling ibinalik sa mesa bago siya muling bumaling sa akin at malakas akong binuhat!
"Devin! Thank you, mga anak!"
"Whoa! Sa akin naman!" Mabilis na lumapit din sa amin si Derrek at inagaw naman ako kay Devin. Siya naman ngayon ang bumuhat sa akin.
"Oh, my God! Baby, mabigat na si mommy!"
"I love you, tart! By the way, I have a gift for you." Ibinaba na niya ako ngunit nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin.
Inilabas niya mula sa bulsa niya ang isang small box na muli kong hinulaan ang nilalaman. "Hmm, I think it's a watch."
"Huh? Why do you know? Sinabi mo?" Kaagad naman siyang bumaling kay Devin at nagtatakang tinitigan ang kambal niya.
Natawa naman ng malakas si Devin na kasalukuyang hawak ang phone niya at mukhang siya naman ngayon ang kumukuha sa amin ngayon ng video. Isinasama niya rin ang sarili niya.
"Wala akong alam d'yan. Mukhang nagiging Madam Auring na ang ina natin ngayon."
"What the f**k?"
Natawa na lang ako sa kanila bago ko tinanggap ang gift ni Derrek at kaagad itong binuksan.
"Oh, my God. It's expensive!" Kaagad akong tumingala kay Derrek.
Isang yellow gold, diamonds, so expensive at branded nga na relo ang nilalaman ng box. Sa pagkakaalam ko ang ganitong klaseng relo ay umaabot ng thirty thousand dollar.
"So, what's the problem? Mahal naman kita," sagot naman sa akin ng napakagaling kong anak.
Hindi ko naman mapigilang kiligin sa pagkakasabi niyang Mahal kita.
"Bakit 'yong gift ko sa iyo, hindi ka naman nag-react ng ganyan. Mahal din 'yan, ah," nakabusangot namang saad ni Devin habang lumalantak na siya ngayon ng fried chicken.
"I know, baby, pero barya lang 'to sa iyo."
"Akala mo lang 'yon. Derrek has more money than me."
Napabaling naman akong muli kay Derrek. Ngumiti naman siya sa akin nang pagkatamis-tamis bago niya ako muling niyakap ng mahigpit.
"Basta para sa 'yo, Mom. Walang mahal-mahal, okay?"
"Pero mas okay kung hindi niyo na ako masyado pang paggastusan. Just save your money for your future family."
Awa ng Diyos, napatapos ko naman silang dalawa sa pag-aaral. Sa tulong na rin ng mga magulang ko at ng mana na natanggap ko mula sa kanila bago sila yumao. Hindi naman iyon kalakihan pero sapat na para sa amin ng mga anak ko.
Nag-iisa lang naman kasi akong anak ng mga magulang ko.
Ramdam ko 'yong sakit sa kanila noon nang malaman nilang buntis ako habang nag-aaral pa ako sa college, sa kursong BSED o Bachelor of Secondary Education. Pinili kong mag-stop noon ng isang taon hanggang sa makapanganak ako bago ako muling nagpatuloy sa pag-aaral ko.
Lumipat din ako sa isang pam-publikong paaralan, malayo sa lugar ng mga Delavega. Mas afford namin doon kaysa sa mga mamahaling school na ang totoo lang naman kung bakit ako naroroon ay dahil sa paghahabol ko sa minamahal ko noong lalaki.
Pero ngayon, hindi na. Matagal ko na siyang kinalimutan sa buhay ko.
Samantala, ang mga anak ko naman ay parehong nakatapos sa kursong BS in Business Administration. At ngayon ay pareho na silang successful owner ng sikat na Rrevin Philippines Incorporated, Laminated Wood Flooring Company.
Sa pagkakaalam ko ay nagpaplano pa sila ngayong magbukas ng isa pang negosyo na related din sa pinatatakbo nila ngayon.
"You are our only family, mom," sagot naman ni Derrek bago niya ako muling niyakap ng mahigpit.
"Sali ako d'yan!" sigaw din ni Devin bago yumakap din sa akin ng mahigpit.
Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa mga ipinararamdam nila sa akin araw-araw.
Naging malas man ako noon sa kanilang ama, napakasuwerte ko naman sa pagkakaroon ng mga anak na tulad nila.
Mahal na mahal din sila noon ng mga lolo at lola nila. Sayang lang at maaga silang nawala.
KINABUKASAN ay maaga na muling nagsipasok sa mga trabaho ang mga kambal ko. Hindi pa namin napag-usapan ulit ang tungkol sa pagtatrabaho ko ngayon sa mga Delavega.
Napagod din kami kahapon sa pamamasyal sa Intramurous matapos naming magsimba sa Quiapo Church. Nag-enjoy naman kami ng sobra.
Sa mga nakaraang taon ay nag-i-spend sila ng panahon para sa out of town namin pero ngayon ay nakiusap akong hindi na muna dahil nga sa pagkakaroon ko ng bagong trabaho.
Mabuti na lang at naintindihan nila pero ngayong nalaman nilang sa mga Delavega pala ako pumapasok, ramdam ko na ang pagkadis-gusto nila.
Hindi ko naman sila masisisi dahil alam nila at wala akong inilihim sa kanila tungkol sa pagkakaroon din nila ng amang Delavega.
Nag-prepare na rin ako ng sarili ko para sa pagpasok ko ngayong araw.
Napag-usapan namin ni Darren na magtatrabaho ako sa kanya sa loob ng walong oras kada araw in every week, puwera na lang ang weekends. Simula nine naman ng umaga bago siya umalis, hanggang four o five ng hapon pagdating niya ng condo unit niya kung saan magkakaroon na ng kasama si Rain.
Hindi niya kasi ito hinahayaan nang mag-isa at sa akin lang din daw siya may tiwala.
One thousand pesos per hour ang ini-offer niya sa akin pero hindi ako pumayag sa gano'n kalaking halaga. Okay na sa akin kahit magkano. Ang importante ay may matutunan sa akin si Rain na mga bagay-bagay na dapat niyang matutunan.
Binuhat ng mga maid ko ang mga gamit ko at ipinasok nila sa kotse ko.
Gusto pa sana akong bigyan ng driver ng mga anak ko noon pero hindi na ako pumayag dahil kaya ko naman ang sarili ko. Mas nag-i-enjoy akong magmaneho kaysa tumunganga lang sa loob ng kotse at maghintay. Nakakainip 'yon, sobra.
Masarap mag-explore sa kung saan-saang lugar habang ikaw lang ang nagmamaniobra ng sasakyan.
LUMIPAS ang ilang oras. Maayos akong nakarating sa condo building ng mga Delavega.
Malaya akong nakapasok sa loob dahil binigyan naman na ako ni Darren ng gate pass and permit.
Nagtungo ako sa tapat ng elevator habang buhat ko ang bag ko at ilang mga makakapal na libro na plano kong ibigay kay Rain.
Naghintay ako ng ilang sandali para sa pagbubukas hanggang sa tumunog na ito.
Saglit akong yumuko sa braso ko para tingnan ang orasan ko, may ten minutes pa ako bago sumapit ang alas nuebe. Masyado pang maaga.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbubukas ng elevator. Kaagad akong tumingala...
...ngunit bigla akong napahinto... sa isang matangkad na lalaking... bigla na lamang sumalubong sa akin.
Bigla akong napatulala.
Ramdam ko rin ang pagkagulat sa mukha niya at pamimilog ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"W-Wilma?" aniya na tila hindi makapaniwala.
Samantalang ako... ay tila naputulan ng dila.
David...