Wilma Pagdilat ng aking mga mata ay pamilyar na chandelier sa kisame ang bumungad sa akin. Ilang segundo akong napatitig doon bago tuluyang nagising ang diwa ko at tuluyang lumiwanag na rin ang isipan ko. Leo... Bigla akong napabalikwas nang maalala ko ang nagdaan. Kaagad akong napalinga sa buong paligid ngunit silid ko ang bumungad sa akin. Bigla akong napatulala. Silid ko? Nandito ako sa silid ko! How the hell did that happen?! Kaagad akong bumaba ng kama at sumilip sa mga bintana, maging sa balcony. Bakuran nga namin ang nakikita ko ngayon at naroroon pa ang ilang maid ko na abala sa paglilinis at pagdidilig ng mga halaman ko. I suddenly patted my cheeks. What the hell happened? Hindi ba ako nananaginip lang? Sino ang kumuha sa akin? Ang natatandaan ko ay may taong yumakap sa