Wilma 'He said he already sent it to you. Just wait a moment. Baka na-late lang.' Kaagad kong pinindot ang send at segundo lang ay nag-sent na nga ang reply ko kay Sharie sa message niya. Mabilis din naman siyang nag-reply. 'Okay.' Napahinga ako ng malalim bago muling tumunghay sa unahan. Eksakto namang huminto na ang pagtakbo ng sasakyan. "We're here," ani Leonardo kasabay nang pagpatay niya sa makina ng kotse. Napalinga ako sa labas sa tapat ng hinintuan namin. Ito na nga ang bahay nila at mukhang wala pa rin itong ipinagbago hanggang sa ngayon. Kunsabagay, second floor pa lang ang natatanaw ko dahil masyado ring mataas ang gate at bakod ng kanilang mansion. I haven't seen the whole yard yet. "Let's go." Napalingon ako kay Leo na ngayo'y bumababa na ng kotse ko. Kaagad ko n