Wilma Makailang ulit kong kinatok ng malakas ang gate. "Open this gate!" Kung may lakas lang akong sirain ito ay kanina ko pa sana ginawa. Anak ng tampalasan. Sino ba naman ang hindi sasabog ang ulo? Nabuksan ko na ang kandado ng gate dito sa loob pero nakakandado din pala ito sa labas! Ano 'to? Preso lang kami dito, gano'n? Punyeta! Kumuha ako ng isang malaking bato at malakas na ipinukpok sa gate. Wala na akong pakialam pa kahit makabulahaw pa ako ng mga kapitbahay! "Open this gate! Damn it!" Kaagad ko rin namang narinig ang tila pagkakalas nila ng bakal mula sa labas at segundo lang ay kaagad ding nabuksan ng bahagya ang gate. Bumungad sa akin ang dalawang malalaking lalaki na nakasuot ng black suit at may mga kanya-kanyang headset na nakasabit sa mga tainga nila. Hindi lang