Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Parang gusto ko tuloy pagsisisihan kung bakit hindi ko kinontrol ang sarili ko sa pag-inom ng marami kagabi. Kaya tuloy ngayon ay parang mabibiyak na sa sakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay hindi pa humupa ang kalasingan ko. Nakalimutan ko na nga kung paano ako nakauwi sa bahay dahil wala talaga akong natatandaan kahit isa. Ang naaalala ko lang ay umiiyak ako kagabi dahil sobrang na-miss ko si Kokoy. Gusto ko sana siyang puntahan at guluhin dahil hindi niya ako naalalang e-text man lang pero pinigilan ako ng mga kaibigan ko. Pero isa lang ang alam ko I’m so safe dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Gaya ng kung ano man ang morning routine ni Nanay Judith ay maaga na naman niya akong ginising. Wala siyang