"Teria, don't worry because your secret is safe with us," pangungumbinsi sa akin ni Laureen dahil natatakot ako na umabot ito sa mga parents ko. Kailangang ako mismo ang umamin sa kanila! Alam ko, na kapag nalaman nila kaagad iyon ay tiyak na ipapakasal nila ako kay Kokoy. Kung ako lang sana ang masusunod sa amin ni Kokoy ay gugustuhin ko 'yon. Pero syempre iniisip ko rin ang side ni Kokoy. Ayaw kong maging unfair sa kaniya dahil sa simula pa lang ay ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat dahil pinikot ko siya kaya niya ako tinikman. Bigla ay napaisip ako! Mali, dahil hindi niya lang ako tinikman kundi kinain niya ako nang buong-buo. Marami na kaming nainom at pati na rin ang mga kasama ko. Si Airah naman ay abala sa partner niyang macho dancer na si Calix. "Ang yummy