Chapter 44 Kokoy

1151 Words

Abala ako sa pag-aasikaso ni Nanay dahil nahihirapan pa siyang kumilos. Nandito pa kami ngayon sa ospital dahil hindi pa kami pwedeng umuwi sa bahay. Kailangan pang obserbahan ang kalagayan ni Nanay at naaawa na nga ako kay Tina dahil ilang araw na siyang hindi pumapasok sa paaralan. Kaya sinabi ko sa kaniya na ako na muna ang bahala kay Nanay ngayon. Tatlong gabi na rin akong hindi nakaka-duty dahil mas importanteng nandito lang ako sa tabi ni Nanay. Tuwang-tuwa naman siya dahil sa wakas ay makakapasok na siya sa skwela. “Kuya, aalis na ako,” excited niyang paalam kaya tinaguan ko na lang siya. Kinuha niya ang mga gamit niya sa maliit na mesa dahil kahit nandito siya sa hospital ay hindi siya nakakalimot sa obligasyon niya sa pag-aaral. Masipag talaga ito at hindi hinahayaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD