Chapter 5

1137 Words
Habang pinag-uusapan ang solusyon sa problema ni Laureen ay bigla akong naihi. "Guys, can you wait for me here? I'll just pee first," paalam ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang papalabas kong ihi. Parang sasabog na ang pantog ko kaya binilisan ko ang paglalakad upang makabalik sa loob ng LiquiDoze bar kahit na hindi naman ako sigurado kung narinig ba nila ako. Dirediretso lang ang lakad ko at wala na akong pakialam sa mga taong nasasagi ko. Ang gusto ko lang ngayon ay mailabas itong pinoproblema ko. Hindi rin naman ako nahirapang hanapin ang comfort room dahil doon ko sinundo si Cassy at Laureen kanina. "Excuse me, may tao ba r'yan?" Kinatok ko ang mga cubicle isa-isa dahil nakasarado ang lahat ng pinto. Kung kailan nandito na ako sa loob ng comfort room ay occupied naman lahat. Pakiramdam ko ay sobrang malas ko ngayon dahil kahit pag-ihi ay hindi ko man lang magawa kaagad. Ang pinakahuling cubicle na nilapitan ko ay kinatok ko ng maraming beses. Wala na akong panahon pa para lumipat sa ibang pwesto at nanatili na lang akong nandoon. "Excuse me, are you gonna take long?" tanong ko sa tao sa loob habang patuloy sa pagkatok sa pinto. "Teka lang!" matigas na sagot ng babaeng nasa loob at mukhang na bad trip yata ito sa akin. Naghintay ako ng ilang saglit pero wala pa ring nabakante kahit isa. May pumasok na ring ibang tao na gagamit rin ng banyo at kanya-kanya na kami nang abang sa bawat cubicle. Inulit ko ang pagkatok dahil iyon lang ang paraan para bilisan ng nasa loob na lumabas. Kung makapagbanyo kasi ito ay dinaig pa ang lola ko sa tagal. "Are you done?" tanong ko ulit sa taong nasa loob at kakatok pa sana ako ulit nang biglang bumukas ang pintoan. Tiningnan ako ng masama ng babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa dahil sa kaniyang suot. Pati ang kulay pula na ginamit niyang lipstick sa kaniyang labi ay putok na putok. Nagmukha tuloy itong clown dahil ang pag-apply niya ng blush on sa kaniyang pisngi ay hugis bilog. "Excuse me." Hinawi ko siya kaagad dahil hindi pa rin ito tuluyang lumabas. Balak pa yata nitong kausapin ako dahil halatang galit na ito sa aking ginawa. Dumiretso na ako sa loob at ni-lock ang pinto dahil wala na akong panahon pa para pakinggan ang reklamo niya. Kahit sino naman siguro ay maiinis sa ginawa ko pero hindi ko na talaga kaya pang magpigil. "Miss, nakakairita ka! Wala ka bang modo?" galit na sigaw ng babae at hinampas pa ang pintoan bago ko narinig ang mga hakbang niya palabas. "Finally!" sabi ko nang makita ang bowl. Binaba ko kaagad ang pang ibaba kong suot at hindi na ako nag-inarteng gamitin ang banyo. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay gumamit ng banyong maraming gumagamit. Sa katunayan ay napapikit pa ako sa sarap ng pakiramdam nang makalabas na ang kanina ko pang pinipigilan. Magaan na ulit ang pakiramdam ko ngayon. Maayos na ulit ang lakad ko at bumalik ang pagkakaroon ng maganda at eleganteng tindig. I'll make sure for having a composed and self-assured manner. Bago ako makalabas ng bar na ito ay kailangan ko pang dumaan sa front bar kung saan ang customer area. It is the meeting point for the customers and the bartenders where the customer's order for their drinks and are served by the bartenders. Sinulyapan ko lang ang bartender na nakakindat sa akin nang mapadaan ako. Abala ito sa paghahalo ng mga inuming ni-request ng mga customer. Nang makita ko ang pamilyar na lalaki kasama ang babaeng nasa comfort room kanina ay bigla akong napatigil sa aking paghakbang. Malambing itong nag-uusap at mukhang ito na naman ang bago niyang babae ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at nataranta na baka makita ako ni Jairus. Ito ang ex-boyfriend ko na walang ginawa kundi bigyan ako ng sakit sa ulo. Ilang buwan ko na rin itong iniiwasan dahil nagising na ako ngayon sa katotohanan. Mabilis akong tumalikod at nagkataon naman na may dumaang waiter sa harap ko na may bitbit na inumin. Pinigilan ko ito sa kaniyang paglalakad at kinuha ang inumin na nakapatong sa ibabaw ng tray. Diretso ko 'yong binuhos sa aking lalamunan ng hindi nagtatanong pa kung ano'ng klaseng inumin iyon? Basta ang alam ko lang ngayon ay kaya kung lunukin lahat kahit gaano pa ito katapang dahil sa kabang nararamdaman ko. Napakamot na lamang ang waiter dahil wala na siyang nagawa nang inubos ko ang dala niya. Alam kong order 'yon ng isa sa mga costumer na nandito pero nakakawala ng huwisyo ang taong nakita ko ngayon. Kaya naagaw ko ang order ng ibang customer. Ayaw kong isipin na naman niya na sinusundan ko siya gaya nang makita ko ito sa isang restaurant kasama ang iba niyang babae. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at mukhang sa tingin ko ay hindi na ako apektado sa kaniya. Pero kailangan kong umiwas sa kaniya dahil pagod na akong makipagdebate at naririndi na ako sa pamimilit niyang sinusundan ko siya. Gusto ko sanang ipakita sa kaniya na kaya kong wala siya sa buhay ko. Pagod na pagod na akong patawarin siya sa mga panloloko niya sa akin. Tama na ang pagiging tanga ko pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. Kung kailan kasi maraming tao ay saka naman kami nagkikita. Binuksan ko ang aking purse at kumuha ng ilang libo para ibayad sa waiter. "Keep the change." Sabay abot ng perang pambayad ko. "Thank you, Ma'am," tugon ng waiter na sa tantiya ko ay twenty years old pa lang. Gwapo rin ito pero hindi ko pa rin type kaya denedma ko lang. Nanatili akong nakatalikod at pasimpleng humakbang pabalik sa aking dinadaanan. Bago pa man ako makalayo ay narinig ko na itong nagsalita. Kahit gaano man ka inggay ang paligid ay hindi pa rin nakatakas sa akin ang pamilyar na boses niya. "Teria!" Malakas niyang tawag sa aking pangalan pero nagkunwari akong walang narinig. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi lingon "Teria!" ulit niyang tawag at sa pagkakataong ito ay nahawakan na niya ako sa aking braso. "Sinusundan mo ba ako?" diretsahan niyang tanong dahilan kung bakit na-highblood ako bigla. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay dahil sa sobrang taas nang tingin niya sa kaniyang sarili. "Excuse me?" "Ang sabi ko, bakit mo ako sinusundan?" Para akong sinapian ng masamang kaluluwa sa nararamdaman kong galit sa kaniya. "How dare you? Bakit naman kita susundan? Sino ka ba? Artista ka ba? Ang artista nga hindi ko magawang magpapansin, ikaw pa kaya!" "At bakit naman hindi? Alam naman nating pareho na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakapag-move on sa 'kin!" mayabang niyang deklara at walang pakialam kahit marinig siya ng ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD