Chapter 4

1022 Words
Habang nagkakasayahan ay biglang nabanggit ni Cassy ang tungkol kay Venus. Kinausap niya si Marla tungkol kay Venus na nakita niya ito sa ibaba kanina. "She's here?" 'di makapaniwalang tanong ni Marla kay Cassy. Base sa kaniyang reaksyon ay mukhang wala nga siyang alam tungkol sa pagpaparito ni Venus. Sa pagkakaalam ko ay hindi inimbitahan ni Cassy si Marla dito sa LiquiDoze Bar. Tinawagan naman kaagad ni Marla ang kaniyang kababata ng makompirma niya ang sagot ni Cassy. Habang tinitingnan namin siyang kausap ang kababatang kaibigan ay nag-iba ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Nakakapagtaka ang kaniyang hitsura at kahit 'di man nito sabihin ay makikita sa kaniyang mukha ang pagkabahala. Gusto ko mang tanungin kong ano ang problema ngunit pinili ko na lang na manahimik at hintayin itong magsalita. "Girls... She needs help, may nambabastos daw sa kaniya sa baba," natatarantang wika ni Marla. "Let's go downstair!" Yakag naman sa amin ni Laureen at sabay kaming nagtayuan mula sa pagkakaupo sa may malambot na couch. "Wait, paano si Airah?" tanong ko sa mga kaibigan habang tinuturo si Airah na abalang sinusuri ang lalaking kasasabwatin para hindi matuloy ang kasal ng kaniyang kapatid at ang lalaking pinakamamahal niya. "Tsk," tanging sagot ni Cassy at walang paalam na nilapitan si Airah. Pasimple niya itong binulongan at kaagad naman itong kumapit sa braso ni Cassy. Sabay-sabay kaming lumabas ng silid ngunit humiwalay sa amin si Cassy at Laureen. Nagpaalam silang pupunta muna sila sa lady's room at susunod din kaagad. Pagpunta namin sa kinaroroonan ni Venus ay nakita namin ni Marla na may nambabastos sa kaniya. Mabilis na tinakbo ni Marla ang kaibigan at niyakap niya ito nang mahigpit. Panay ang iyak ni Venus dahil kahit may security gurad na umaawat sa manyakis ay ayaw pa rin nitong tumigil. Lasing na lasing na ito at kahit pinipigilan ng gwardiya ay patuloy pa rin ito sa pangungulit. Kaagad ko namang sinundo si Cassy at Laureen dahil ilang minuto na itong nasa lady's room pero hindi pa rin ito nakasunod sa amin. They need to know what's happening! "Cassy, Laureen!" Humahangos kong tawag sa kanila. "What takes you so long?" tanong ko sa kanila habang hinihingal pa rin. "What happened?" balik tanong sa akin ni Cassy. "Si Venus binastos siya ng lasing doon,'' hinihingal kong wika sabay turo kung saan naroroon si Venus, Marla at Airah. Sabay-sabay kaming nagtungo sa pwesto ng mga kaibigan at ang manyakis ay patuloy pa rin sa panggugulo. Pilit pa rin itong lumalapit kay Venus at Marla na umaktong pang yayakap pero hindi natutuloy dahil sa pagharang ng guard. Sa bilis ng mga pangyayari ay bigla na lang pinukpok ni Cassy ang ulo ng lalaki. Napamaang kaming lahat sa kaniyang ginawa lalo na ang lalaking dahan-dahang umikot sa aming gawi. Hinawakan nito ang kaniyang ulo at kahit na may pagkamalabo ang liwanag sa loob ay malinaw pa rin ang pulang likido na umaagos sa kaniyang ulo. Nagbabagang mga tingin ang pinukol sa kaniya ng lalaki at parang gusto na nitong kumain ng buhay. Akmang susugurin nito ang aming kaibigan pero naging maagap ito at kumuha ulit ng bote. Inulit niya ang pagpukpok sa manyakis at lahat kami ay natahimik nang bigla na lang bumagsak ang lalaki sa sahig. Nawalan yata ito ng malay dahil sa ginawa ni Cassy. Lahat kami ay tiningnan si Cassy na para bang hindi kami makapaniwala sa nangyari. Normal pa rin ang kaniyang mga kilos at parang wala lang nangyari. "Gabriel!" Narinig namin tawag ng club manager sa security guard. Tiningnan lang kami ni Cassy at sinenyasang umalis na sa lugar na 'yon. Inalalayan naman ni Marla si Venus na halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa nangyari. Sa pag-aalala ni Marla ay siya na mismo ang naghatid nito sa kotse ng kaibigan. Nagpasalamat pa ito bago umalis at tumango lang kami habang nakangiti sa kaniya bilang tugon. Nang tuluyan ng makaalis ang kotse ni Venus ay ibinaling ko ang aking atensyon kay Cassy. "Ibang klase ka talaga, Cassy!" umiiling kong wika at bakas pa rin sa aking mukha ang pagkamangha. "Akalain mo nga namang napapabagsak mo ang isang manyakis na lasenggo sa isang hampas lang ng bote," natatawa namang sabi ni Marla ng hindi man lang namin namalayang nakabalik na. "Doon niya lang naman nilabas ang galit niya sa isang babaeng tinawag siyang b***h!" pahayag naman ni Laureen. "Don't tell me, Cassy, that you will bring the bottle to your home?" turan naman ni Airah. Basta-basta na lang hinagis ni Cassy ang bote sa kung saan nang may biglang humiyaw na tao. Nanlaki ang mga mata namin sa gulat at kaagad na nilinga-linga ni Cassy ang paningin sa paligid. "Oh my God!" Bulaslas ko. "Mukhang may natamaan ka pang tao, Cassy," sabi naman ni Airah. "Girls, I need to go!" saad naman ni Marla. Ngunit bago pa man ito makaalis ay pinigilan na siya kaagad ni Cassy. "No, you stay here! Sasamahan muna natin si Laureen na kilalanin ang kaniyang mapapangasawa," nakangisi nitong ani. Kapag ganoon siya ay mukhang may naiisip na naman itong kakaiba. "What?!" asik naman ni Marla. "Did you see that man." Turo ni Cassy sa taong grasa. "Are you taking a drug, Cassy?" 'di makapaniwalang tanong ni Airah. Literal na taong grasa kasi ang tinuro niya sa amin. Sa lahat ba naman ng lalaki ay ang taong grasa pa ang irereto niya kay Laureen. Kahit pa sabihing may hitsura ang lalaki ay marami naman sigurong iba. Bakit sa taong grasa pa? "If we resolve your problem, we can make it too with Laureen," pursigido niyang sagot. Napatango naman ako dahil may punto rin ito. Kung sabagay ay may tama rin naman siya. Humagikhik ako. "Kunsabagay, paliguan mo lang siya, Laureen magmumukhang tao na 'yan ulit. Hindi mo na need magbayad sa kaniya unlike Airah." Sinamaan nang tingin ni Laureen si Cassy dahil sa naging plano nito. Habang ako ay patuloy pa ring natatawa at sinasabayan naman ni Airah at Marla. "So... Take it or leave it?" seryosong tanong ni Cassy sa kaibigan naming si Laureen. "No! In your wildest dream! mariin nitong sagot at kaming apat ay malakas na nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD