Chapter 6

1181 Words
"In your dream! Para sa kaalaman mo matagal na akong naka-move on sa 'yo at isa pa may boyfriend na rin ako kaya ako naparito," pagsisinungaling ko para tigilan na niya ako. Binawi ko ang aking braso na hawak niya at inirapan siya. "Masyado yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili! Eh, wala ka pa nga sa kalingkingan ng boyfriend ko ngayon!" patuloy kong wika at sinadya kong diinan ang huling sinabi para insultuhin siya. Biglang nagdiwang ang kalooban ko nang makita kong umigting ang kaniyang mga panga. Dati kasi ay wala akong ibang pinupuri kundi siya lang pero ngayon ay pinaramdam ko sa kaniya na wala na siyang kwentang tao sa buhay ko. "At 'wag mo nga akong pinagbibintangang sinusundan kita. Sa pagkakaalam ko ay ikaw itong parang asong ulol na sunod nang sunod sa akin. And then, maybe you might forget that you asked me how many times to give you a chance. Kaya mahiya ka sa sarili mo at 'wag mo akong baliktarin, Jairus!" Tumawa siya ng pagak at mukhang hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ko. "Sinasabi mo lang 'yan para 'di ka mapahiya. Alam ko namang patay na patay ka pa rin sa—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla kaming dinaluhan ng babaeng sa tingin ko ay girlfriend niya. Ang babaeng nasa comfort room kanina. "Sweetie," malambing na wika ng girlfriend niya at bigla na lang nanlaki ang mga mata nito sa inis ng mamukhaan ako nito. "Ikaw!" malakas niyang sabi at parang gulat na gulat. "Ikaw 'yong babaeng atat na atat kanina sa comfort room 'di ba?!" Turo niya sa akin at binalingan nang tingin ang nobyo na puno ng pagtataka. "Sweetie, kilala mo ba siya?" Hindi ko alam kung ano ang isinagot ni Jairus sa tanong ng maarteng babaeng nasa harapan ko. Binulongan niya lang ito kaya nagmamaktol itong umalis at inirapan pa ako. "Bakit 'di mo na lang kasi aminin na hanggang ngayon ay gusto mo pa rin ako. Alam ko namang ako pa rin, at hanggang ngayon ay ikaw pa rin naman ang mahal ko, Teria. Kaya hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa." "Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Jairus! Siguro kapag nabaliw na ako ay baka may chance na pumayag ako. Pero mukhang malabo dahil wala sa pamilya namin ang baliw," maarte kong tugon at sinipat siya nang tingin mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Lagi mong sinasabi na mahal mo ako pero ang totoo ay pineperahan mo lang naman ako. At para sa kaalaman mo may boyfriend na ako at mahal na mahal ako. Hindi babaero lalong hindi rin mukhang pera na kagaya mo! So, please lang Jairus, back off!" Tinalikuran ko na siya kaagad pero hindi niya pa rin ako tinigilan. Sinundan niya ako sa paglalakad at mukhang wala yata siyang balak na tantanan ako. Kaya wala na akong choice kundi manghila ng lalaking hindi ko naman kilala. Kahit na nakakahiya ay nilakasan ko na lang ang loob ko. Total naman ay ngayon ko lang 'to gagawin. "Baby!" tawag ko sa lalaking nakasalubong ko. Isang gwapong lalaki na nakauniporme gaya ng suot ng mga empleyado sa loob ng LiquiDoze bar. May dala rin itong tray at mabuti na lang dahil wala itong laman. Hindi ako tanga para hindi malamang isa itong waiter. Wala akong makitang ekspresyon sa kaniyang mukha at bago pa ito makapagsalita ay kaagad ko na itong hinalikan sa kaniyang labi. Alam kong nagulat siya sa aking ginawa dahil hindi ito kaagad nakapag-react. But I had no other choice and I had to find a way before he could even ask me who I was. Nang maramdaman kong nakatitig pa rin sa amin si Jairus mula sa likuran ko ay mas pinalalim ko pa ang ginawa kong halik. Hindi ako eksperto sa ganoong gawain pero kailangan ko pa ring gawin. Bahala na kung pagtawanan niya ako after this. Alam kong nakakahiya itong ginawa ko ngunit gusto ko lang ipakita kay Jairus na naka-move on na ako sa kaniya. At ito lang ang naisip ko ngayon para tuluyan na niya akong lubayan. Naririndi na ako sa paulit-ulit niyang pamimilit sa akin at pinapaamin ako na mahal ko pa rin siya. At kapag napatunayan ko sa kaniya na may ibang lalaki na ako ay tiyak na titigil na siya sa pangungulit sa 'kin. "Please, help me! I am begging you to kiss me back," mahina at may diin kong hiling pero hindi pa rin ito kumilos. Para akong tanga habang hinahalikan siya pero siya naman ay parang tuod lang at walang ginagawa. Well, sino ba naman ang hindi magugulat? "Please, 'wag mo akong ipahiya. Look, alam kong hindi ako marunong humalik pero please lang magpanggap ka na lang na nasasarapan," patuloy kong wika ng hindi hinihiwalay ang mga labi namin. Nang mapagtanto kong wala akong mapapala ay tumigil na ako. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at sinandal ang aking ulo sa kaniyang braso. I want to show Jairus that my fake boyfriend and I are sweet and real. "Baby, I miss you so much," malambing kong ani pero wala akong nakuhang sagot. "Oh! Jairus nandiyan ka pa pala?" gulat kong tanong at kunwari ay nagtataka pa ako kahit na alam ko namang sinusundan niya ako kanina. Tuloy ay parang gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nakapa-best actress ko talaga. "By the way Jairus this is my boyfriend... he is —" "Kokoy," sabat niya bago pa man ako makapag-isip ng pangalang itatawag sa kaniya. "Yeah... Kokoy and this is Jairus one of my friend!" nakangiti kong ani at pinakilala sila sa isa't isa. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Jairus kaya inamoy ko ang katawan ni Kokoy para galitin pa siya lalo. Nilahad ni Kokoy ang kamay niya pero tinitigan lang ito ni Jairus. Napakabastos talaga ng lalaking ito. Hindi ko nga alam kung ano ba ang nagustuhan ko sa kaniya noon gayong ang sama naman ng ugali nito. Sinuri pa ni Jairus ang ang tindig ng binata mula ulo hanggang paa. Kaya mas lalo lang umusbong ang inis ko dahil para siyang nang-iinsulto. How dare he do that! Tahimik lang ito kaya nagsalita na ako. "Ang gwapo ng Kokoy ko 'di ba?" nakangiti kong ani at niyakap ang binata sa kaniyang bewang bago pa ako nagpatuloy sa pagsasalita. Wala man akong nakuhang sagot mula sa kaniya ay nagpatuloy ako dahil gusto ko talaga itong inisin. "Sige na Jairus naiwan ka na muna namin. Marami pang gagawin ang Kokoy ko," may diin kong wika at tinanggal ko ang hawak ko sa braso ng binata. Pinagpantay ko ang aming mga palad at pagkatapos ay pinagsiklop ang aming mga kamay. Mabuti na lang talaga at sinabayan ako ng binata. Pinagpapasalamat ko talaga na hindi ako pinahamak ni Kokoy. Kung hindi niya ako sinakyan sa naisip kong kalukuhan ay malamang hindi pa ako tinigilan ni Jairus hanggang ngayon. Sumama na rin ako kay Kokoy papunta sa counter table at kaagad na hinablot ang kamay niyang hawak-hawak ko. Para bang nandidiri siyang ako ang nakahawak sa kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD