Chapter 7

1489 Words
"Thank you," masaya kong wika at yayakapin ko sana siya dahil sa sobrang tuwa ngunit bigla niyang hinarang ang palad niya sa noo ko. Napaatras ako dahil sa ginawa niyang pagpigil sa akin. At kinausap ang kasamahan niya na para bang balewala lang ako sa kaniya ngayon. Sinabihan niya ang bartender sa order ng customer niya at parang hangin lang ako sa kaniyang tabi na hindi nakikita. "Hey, galit ka ba?" nahihiya kong tanong habang pinipindot ang braso niya. Tiningnan niya ako ng masama bago ito nagsalita. Kaya kaagad kong inilayo ang mga daliri ko dahil halatang 'di na ito makapagtimpi. "Eva ka ba?!" asik niya sa akin at kita ko sa nanlilisik niyang mga mata ang galit na nararamdaman niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko ma-gets. Kinabahan na rin ako dahil alam kong galit na siya sa akin. "Eva...? Ano'ng Eva?" nagtataka kong tanong dahil wala akong ideya sa nais niyang iparating. "Tsk, 'wag ka ng magpanggap Miss, hindi bagay sa 'yo! Hindi gawain ng matinong babae ang ginawa mo sa 'kin ngayon!" "You know what? I don't understand you! Sorry na kung hindi mo nagustuhan ang pangagamit ko. Pero wala akong choice kaya paano ba ako makakabawi sa 'yo?" "Miss, alam ko na 'yang style na 'yan kaya hindi mo ako madadala sa pangmamagdalina mo sa akin!" Sa sinabi niyang Magdalina ay saka ko lang naintindihan ang una niyang sinabi. Napanganga ako dahil ang ganda kong ito ay napagkamalan niyang babaeng mababa ang lipad. Tiningnan ko ang aking sarili at wala naman akong nakitang mali sa suot ko. Pormal naman akong tingnan at karespe-respito. Kahit na inaamin kong sexy ang suot ko ngayon ay hindi rin naman ako nagmumukhang Magdalina. "Excuse me! Do I understand correctly?" 'di makapaniwalang tanong ko at taas noo kong sinalubong ang tingin niya. Matapang niya akong tinitigan sa aking mga mata at hindi rin nagpatalo. Ang nakakainis ay mukhang wala yata itong balak bawiin ang mga sinabi niya. "Miss, may dapat ba akong ipaliwanag?" balik tanong niya sa akin at sinadyang idiin ang tanong sa akin. Imbes na sagutin ako ay tinanong niya rin ako pabalik. "Sa tingin ko ay wala!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napailing pa ito na para bang may malaking problema sa outfit ko. "Yes!" matapang kong sagot at pinagkrus ang aking mga kamay. "You have no right to tell me na minamagdalina kita!" maarte kong ani at hindi ko napigilan ang sarili na pagtaasan siya ng boses. Pero wala pa rin siyang explanation, sa halip ay lagi niya lang akong tinatanong pabalik. "Wala ka ng kailangan 'di ba? Kaya pwede ka nang umalis!" walang gana niyang wika at itinuon ang kaniyang paningin sa kaibigang bartender na halatang nakikiusyuso na rin. "No! I'm not leaving here until you take back what you told me? I'm not Eva or Magdalina like what you think. Matino akong babae 'no!" Tumaas ang sulok ng ibabaw ng kaniyang labi at natawa pa ito ng pagak. "Halata nga!" sarkastiko nitong sabi at mukhang kabaliktaran ito ng kahulugan. Napakayabang niya at parang nagsisisi ako kung bakit siya pa ang napili kong hilahin kanina. Well, sa totoo lang ay wala talaga sa isipan ko ang gumawa ng ganoong bagay. Pero nang makasalubong ko siya ay nakuha niya kaagad ang atensyon ko. Ang balak ko lang naman sana ay magpanggap na may boyfriend but I never imagine na magagawa kong manghila ng lalaki para maging makatotohanan ang pagsisinungaling ko. Humugot ako ng malalim na hininga para ituwid ang mali niyang hinala sa akin. Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang bigla na niya akong tinalikuran. Ayaw ko sanang magpatalo pero tumunog na ang cellphone ko at tinatawagan na ako ng mga kaibigang naghihintay sa labas. "Yes, I'm going out," sagot ko sa kabilang linya at pinatay na kaagad ang tawag ni Marla. Nang makalabas ako sa LiquiDoze Bar ay dumiretso na ako sa parking lot. Nakita ko silang hinihintay ako at mukhang hindi pa yata sila tapos na pag-usapan ang solusyon sa problema ni Laureen. "What take you so long?" nagtatakang tanong sa akin ni Airah. "Long story, I saw Jairus inside but later I will tell you guys." Nagkaniya-kaniya na kami nang pasok sa kotse at umuwi na sa mga bahay namin. At pag-uwi ko sa bahay ay tulog ni si Mommy at Daddy. Kaya dumiretso na ako sa aking kwarta at pabagsak na hiniga ang aking sarili sa kama. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok at pinagbigyan ang sariling magpahinga kahit na hindi pa ako nakakapag-half bath. "Ouch," mahina akong napadaing dahil sa sakit ng ulo ko kinabukasan. Hindi ako sanay uminom kaya mabilis lang akong malasing. Parang gusto ko tuloy sisihin si Cassy dahil sa pag-imbita niya sa akin sa LiquiDoze bar na 'yon. Pero 'di bale dahil na-enjoy naman ako kagabi sa mala-adones na mga lalaking nando'n. Higit sa lahat ay may dalawang problema ang na solusyonan. Ngayon lang ako nakapasok sa ganoong lugar na halos lahat yata ng mga empleyado ay parang mga modelo. Nakakalaway ang mga abs nila lalo na si Kokoy. Sa lahat ng mga nakilala kong lalaki sa unang pagkakatao ay ngayon lang ako nagkaganito. I can’t forget his handsome face even his name. Iyong lalaking 'yon ang gwapo niya sana kaso ang sungit naman. Parang dinaig niya pa yata ang babaeng may buwanang dalaw. "Malaki kaya ang mga junior niya?" wala sa sarili kong tanong kahit wala naman akong kausap. Naging malikot ang imahinasyon ko at napapangiti pa. Ilang saglit ng matauhan ako ay pinukpok ko ang aking ulo. Nakakita lang ako ng gwapo ay naging malandi na kaagad ako. "Yucks! Over my beautiful dead body!" saway ko sa aking sarili at hindi ko matanggap kung bakit ang sama ng mga iniisip ko. "Ilan kaya ang abs niya sa tiyan?" mahina kong tanong ulit sa aking sarili. "Matigas kaya?" patuloy kong wika kahit na wala naman akong kausap. "Gaga ka talagang bata ka! Ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong sa akin ni Nanay Judith na para bang hindi ito makapaniwala. Halos hindi na ito kumukurap sa kakatitig sa akin. Para bang naeskandalo ito ng sobra dahil sa mga pinagsasabi ko. Nakatayo siya kasama si Daday sa gilid ko kaya hindi ko kaagad sila napansin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa hiya. Nanlaki ang mga mata ko. "Kanina pa ba kayo riyan, Nay Judith?" nauutal kong tanong at hindi ko alam kung matataranta ba ako o ano? Siguro ay pulang-pula na ngayon ang mukha ko na gaya ng kamatis. Tumango sila sa akin dahilan kung bakit lalong umusbong ang kaba ko. "You heard me?" patuloy kong tanong at ang sabi ko sa aking isip na sana ay hindi nila ako narinig. "Sa malaking junior at sa matigas?" balik tanong sa akin ni Daday na parang wala lang sa kaniya ang lahat nang narinig. Para tuloy akong 'di makahinga sa hiya at mabuti na lang ay sinaway ito kaagad ni Nanay Judith. "Daday, maglinis ka na nga!" Singhal ni Nanay Judith kaya mabilis na napatakbo si Daday sa banyo. Ito kasi ang trabaho niya sa umaga. Bago ako magising ay nililinis muna niya ang banyo. "Teria..." sambit niya sa pangalan ko at mukhang nahihirapang magpatuloy sa pagsasalita. Nagbitaw siya ng matunog na hininga bago ulit ako kinausap. "Kasal muna bago bomba, ha?" paalala niya sa akin at halatang dismayado si Nanay Judith sa akin. Lalong nanlaki ang mg mata ko. "Nay Judith naman! Ano'ng bomba po ba 'yang pinagsasabi niyo?" nakasimangot kong tanong at parang gusto ko na lang yata lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Ewan ko ba rito kay Nanay Judith dahil kung anu-anu na lang ang pumapasok sa utak niya. Minsan ay parang ayaw ko na lang maniwalang birhen pa ito gaya ng kaniyang sinasabi. Hindi kasi halata sa mga pinagsasabi niya. "Kunwari ka pa, eh alam ko naman kung ano'ng junior ang tinutukoy mo!" sumbat niya sa akin at hinila ang kumot na nakatabon sa aking katawan. "Tumayo ka na riyan at baka mahuli ka na naman sa trabaho mo! Kanina pa naghihintay ang Mama at Papa mo sa ibaba. Alam mo namang may vacation trip ang mga magulang mo saka ka pa naglasing kagabi," patuloy niyang saway sa akin. Sumimangot ako kay Nanay Judith dahil 'di ko nagustuhan ang mga sinabi niya. Napakasama ng iniisip niya tungkol sa akin. Parang gusto ko tuloy magtampo kahit na alam ko naman na kasalanan ko rin dahil masyado akong naging pabaya. "Daday, tapos ka na ba r'yan sa banyo?" Malakas na sigaw ni Nanay sa katulong. Rinig namin itong sumigaw at tumugon kay Nanay. Nang lumabas na ito galing sa banyo ay ako naman ang binalingan niya ng atensiyon. "Teria, sige na maligo ka na!" Utos nito sa akin at pinanliitan pa ako ng kaniyang mga mata para pagbantaan. How I wish na hindi niya ko isusumbong kay Mommy at Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD