Pagbaba ko pa lang sa unang palapag ay nakita ko na si Airah at Cassy na nag-uusap.
Napansin ko rin si Venus pero nalingat lang ako saglit dahil bigla na lang siyang nawala sa aking paningin.
"You're late!" wika ko at ang tinutukoy kong late ay walang iba kundi si Airah.
Sabay silang napalingon sa akin at tinanong naman ni Airah kung nasaan na si Marla.
"She's at our table," nakangising sagot ni Cassy na patuloy pa rin sa pag-akbay kay Airah.
"Get off and lead the way." Nandidilat na utos ni Airah kay Cassy.
Napangiti na lang ako ng tipid dahil base sa reaksyon ni Airah ay mukhang hindi niya nagustuhan ang lugar na ito.
Agad namang sinunod ni Cassy ang utos ni Airah pero hindi pa rin ito tumigil sa pagngisi habang nakataas ang dalawa niyang kamay.
Kung ano man ang binabalak niya ay tanging siya lang talaga ang nakakaalam.
"Why so grumpy, Airah? Is this because of your sister's upcoming marriage?" sabat naman ni Laureen na 'di man lang namin napansin na nakalapit na pala sa amin.
Napansin ko ang pagtangis ng bagang ni Airah dahil sa tanong ni Laureen pero hindi rin nagpatalo si Airah at pinasaringan din si Laureen.
"Why are you drowning yourself in alcohol, Miss Vigor? Is this because of the family pressure on you to get married?" sarkastiko nitong tanong.
"To hell with family! We hate them but we can't live without them!" natatawa nitong pahayag na at halatang hindi napansin ang pasaring ni Airah.
Siguro ay dahil lasing na rin ito at kami na lang ni Airah ang hindi pa nakakainom.
"Cheer up, ladies! For tonight, we will solve your family problems!" Malakas na sigaw ni Cassy na sinabayan nang malakas na tugtog.
"My gosh! What are you still doing here?" nagtatakang tanong ni Marla na bigla na lang sumulpot. "The arrangement we asked from the club owner is already waiting for us in our room," patuloy niyang sabi.
"Room?" nagtatakang tanong naman ni Airah.
"Oh, I forgot to clarify that our table is at one of LiquiDoze VIP rooms," sagot ko kay Airah.
"Let's party! Party! Yoo-hoo!" Panabay na sigaw ni Cassy at Marla.
Ewan ko kung may ideya ba si Marla at Laureen sa plano ni Cassy pero kung ako ang tatanungin ay wala talaga akong alam.
Matapos niyang sumigaw ay nagsitinginan lang kami sa kaniya.
Napuno ng pagdududa ang aming mga titig dahil baka may naisip na naman itong kalukuhan.
Binigyan niya lang kami ng nakakalokang ngiti bilang tugon nito sa mapagtanong naming mga titig.
Hinila nila si Airah papaakyat sa ikalawang palapag at kami naman ni Marla ay nakasunod lamang sa kanila.
"I'm preparing something that could help with your problem." Dinig kong makahulugang wika ni Cassy, and I can smell something fishy.
Pero naiintriga na rin ako kung ano ba talaga ang binabalak niya?
"You know, as much as I'm not fully convinced about Cassy's kind of solution to any problem... I can say that this is quite interesting," nakangiting wika ni Marla nang huminto kami sa VIP room.
Si Cassy na ang nagpresenta na magbukas ng pintoan na para ba'ng proud na proud siya sa kaniyang sorpresa.
Nanlaki ang mga mata namin dahil sa aming nakita.
The room is a dim light but we can clearly see those almost naked men sitting on the couch as if waiting for us.
At walang ibang may pakana nito kundi nasisiguro kong si Cassy lang.
"What the f**k!" Gulantang na sigaw ni Airah nang tumambad sa kaniya ang eksenang napasukan.
Sino ba naman ang hindi magugulat kung isa sa mga kaibigan mo ang mag-a-arrange ng sorpresa sa 'yo ng gaya nito?
Napalunok ako at hinarap si Airah. "Wala akong alam dito."
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lang sa silid dahil mapilit masyado si Cassy.
Naiilang ako dahil sa mga nagsasayawang mga kalalakihan na may perpektong mga katawan.
Mga gwapo rin sila pero hindi ko pa rin sila type. Tapos ang lalaswa pa ng mga sayaw.
Nilagok ko ang mga alak at sunod-sunod ko iyong ginawa.
Hindi ako mapakali at nakaramdam ako ng kaba na parang kinikilabutan sa naisip niyang solusyon.
Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko ngayon dahil nakakita ako ng ganito ka mga kakisig na lalaki sa personal, and take note halos nakahubad na silang lahat sa harapan namin.
Hanggang sa nalasing na nga ako at nagsimula na rin akong mawala sa aking sarili.
Natutukso na rin akong sumayaw lalo na at napakalakas ng tugtog ng musika.
Nang hilahin ako ni Marla ay sumabay na rin ako habang tumatawa.
"This is it, Airah! This is my solution of your problem!" Nakangiting sigaw ni Cassy kay Airah at proud na proud sa kaniyang ideya.
Nagawa niya pang itaas ang kopita ng alak kahit na sinipat na ito ni Airah.
Halatang hindi man lang ito apektado sa masamang titig ni Airah dahil nakangisi lang ito palagi.
Kaya nakisabay na lang rin ako sa pagngiti ni Cassy dahil nadala na ako sa kaniya.
Nahihilo na rin kasi ako dahil sa nainom at hindi ako sanay uminom ng magkasunod-sunod na shot dahil mabilis lang akong matablan.
"Cheers to the man that you couldn't have," nakangising wika ni Cassy at siningkitan nang tingin si Airah bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero kung gusto mo ay 'di rin mapupunta sa kapatid mo," patuloy nitong sabi na medyo pinabitin niya pa ang pagkakabigkas.
Napansin kong may pinag-iisipan si Airah, at kapag gano'n ang nakikita kong ekspresyon sa kaniyang mukha ay seryoso na ito.
"Choose your hero, Airah. Choose among these boys who will lure your sister away from the man you both love but unfortunately choose your dear sister over you."
Ngayon ay nasasabi kong may tama nga naman si Cassy pero hindi ko lang talaga sukat akalain na kaya niyang magplano ng kagaya nito.
Well, alam naman naming lahat na matalino talaga siya kapag mga plano ang pinag-uusapan.
Kaya lang ay hinahaluan niya ng kalokohan.
"They are willing to do anything you want as long as the price is right." Pangungumbinsi nito sa kaibigan namin.
"We are not hiring criminals here, because we are not desperate," taas kilay na wika ni Marla.
"Aren't we?" mapaklang sabat ni Laureen.
Kay Airah na ang buong atensyon namin at hinihintay na lang siya sa kaniyang sagot.
Nakatayo pa rin siya at kami naman ay nakaupo lang sa couch habang ang mga kalalakihan ay patuloy pa rin sa pag-iindayog ng kanilang katawan.
"Just choose one, Airah... choose the best one that can ruin your sister's relationship with the man you want to have," saad ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Airah.
Lasing na nga ako dahil kahit ako ay sinusuportahan na ang plano ni Cassy.
"I'll get this one."
Nagsisigawan kaming lahat dahil nakapili na si Airah.
Nang umikot siya para tingnan ang lalaking napili upang tumulong sa mga plano niya ay bigla siyang napamura nang malakas.
Halatang nagulat ito at hindi nakatakas sa aking paningin ang pagmaang ng kaniyang bibig.
"He's one of them you know," sabi ko at dinig ko kung paano niya banggitin ang salitang kanto boys sa pabulong na paraan.