Chapter 2

1155 Words
Hindi ko masisisi if the woman from the higher class of society love to flock to this kind of area because of the so-called 'Kanto Boys'. So far napakagaling ng bar owner na mamili ng mga employee nila. Kaya no wonder kung bakit nag-click sa lugar na 'to ang business niya kahit malapit lang ito sa squatter area. In fact it is boundary of squatter area and upper class area. Hindi lang pala sipag at tiyaga ang kinakailangan ng tao para umangat ang negosyo dahil depende rin pala ito sa trabaho at negosyo nila. May mga negosyo rin talaga na kailangan din talaga ng may mga hitsura para kumita. Masasabi kong bilib talaga ako sa strategy ng may-ari. Kung tutuusin ay para na silang mga artista sa taglay nilang mga kagwapuhan at halos perpekto na maging sa katawan. Dumiretso na ako sa mga kaibigan ko at baka magkasala pa ako rito kung patuloy kong tititigan ang mga nag-gagwapohang mga binata na pakalat-kalat lang kung saan. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanila dahil nakadetalye sa text ni Cassy kung saan ang pwesto nila. Nakita ko sa 'di kalayuan si Cassy na nakaupo sa bar counter at nilaklak lang ang alak na ibinigay ng bartender. Para lang itong umiinom ng tubig. Hindi pa man ako nakakalapit ay umorder na naman ito ulit at nilagok ng hindi man lang nagbabago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Cassy!" Pasigaw na tawag ni Laureen kay Cassy at mabilis na lumapit sa kaibigan. Kakarating lang din kasi nito. Laureen owns a famous restaurant called the 'Sabor de Vigor'. "Laureen, let's drink!" Aya ni Cassy sabay abot niya ng isang basong wine para rito. "No, I don't like that!" reklamo ni Laureen at tinawag nito ang bartender. "I want a stiff drink!" "Oh... don't tell me your family still pressuring you to get married to somebody?" nag-aalalang tanong ni Cassy kay Laureen na ngayon ay halatang badtrip. "To hell with my family!" nang-uuyam nitong tugon. So, ang ibig sabihin ay hindi lang pala si Airah ang may problema sa grupo. Pati si Laureen ay may sarili din pa lang kinakaharap ngayong problema. "Why are you two so serious?" Napalingon silang lahat kay Marla. Marla, is the playgirl among us, at hindi ko na yata kayang bilangin sa mga daliri ko sa kamay at paa kung ilan na ba ang napakilala niyang boyfriend sa amin. Kulang pa nga ang mga daliri naming magkakaibigan kung pagsasamahin namin lahat. "Himala, wala ka yatang kasama ngayon na boylet?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Cassy at napuno ng pagtataka ang kaniyang mga boses. Kahit naman siguro ako ay ganoon din ang magiging reaksyon ko. Mas magugulat pa nga kami kung wala itong boyfriend dahil hindi iyon ang nakasanayan namin sa kaniya. Nilingon pa ni Cassy ang likuran ni Marla upang makasigurong wala nga ba talaga itong kasama. Binalik rin nito kaagad ang paningin niya kay Marla ng makompirma niyang wala itong kasama, ni hindi man lang ako nito napansin. "Break na kami!" nakangisi niyang turan. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ay siya lang ang bukod tanging babae na nakita kong nakakatawa pa kapag may ka break up na boyfriend. Unique, talaga si Marla, dahil para sa kaniya ay pinaninindigan niya ang kasabihang collect ang select. Kaagad ko naman silang dinaluhan at sumabat sa usapan. "It's not new with Marla!" "Teria!" Magkasabay na tawag ni Laureen at Marla sa pangalan ko. "I thought we are here to enjoy?" tanong ko sa kanila sabay abot ng basong may lamang alak sa kamay ni Cassy. "I asked the club owner to arrange the VIP room for us, and it's on the second floor. Let's go!" Aya ni Cassy sa aming lahat ngunit nagpaiwan si Laureen dahil gusto niyang hintayin si Airah. "Okay, I already prepare the solution to her problem," sagot ni Cassy kay Laureen at natawa pa ako nang bigla niyang kinindatan si Laureen bago niya kami hinila ni Marla paakyat sa ikalawang palapag ng LiquiDoze. Akala ko kanina ay ako na lang ang wala pa sa grupo at ang nahuli. Halos liparin ko na nga ang gitna ng kalsada kanina dahil ayaw kong tawagan ulit ako ni Cassy at madaliin. May kasunduan kasi kaming magkakaibigan na kapag may problema ang isa ay dapat nagdadamayan ang lahat. Lasing na silang lahat ngayon at lalong-lalo naman si Cassy. Siya pa naman ang may pakana kung bakit kami ngayon nanditong lahat. Mukhang ako lang yata ang nasa katinuan ngayon. Cassy accepted the key provided by the club owner that we will use to enter the LiquiDoze VIP room. Malaki ang problema ni Airah ngayon dahil ikakasal na ang kapatid niya sa lalaking pinakamamahal niya. Kaya nandito kaming lahat para bigyan siya ng advice upang mapigilan namin ang nakatakdang kasalan. Huminto kami sa harap ng pintoan na may nakakatatak na gold letters na may nakasulat ay LiquiDoze VIP room six. Pumasok na kami sa loob and the room is a dim light na talagang pinaghandaan ni Cassy. Sa amin kasing lahat ay siya ang parang organizer sa amin sa tuwing may mga plano. Siya ang mabilis makaisip ng mga solusyon kaya malaki talaga ang papel niya sa mga buhay namin. Napansin kong bigla na lang napahagikhik si Cassy habang papaupo pa lang kaming lahat sa couch. Sabay kaming napatingin ni Marla sa kaniya at mukhang alam na naming may mangyayari na naman. Halos maluha-luha na nga ito sa kakatawa. "I think someone is thinking foolish," natatawang wika ni Marla bago dinampot ang basong sinalinan ni Cassy. Sabay nilang tinunga iyon na parang tubig lang ang kanilang iniinom. Sa tingin ko ay wala yata silang planong tumigil sa paglaklak. Kaya mabilis kong sinaway si Cassy nang akma na naman itong iinom ng alak. "You're drunk!" naiiling kong ani pero nginisihan niya lang ako. "No, I'm not!" tugon niya sa akin at tinanong ako kung nasaan na si Airah. Umiling na lang ako dahil hindi ko rin naman alam. Si Marla naman ay kanina pa abala sa pagdutdot ng kaniyang cell phone at ngumingiti rin ito na parang may sariling mundo. Siguro ay may bago na naman itong boylet pero hindi ko na lang pinansin. Ngunit ewan ko ba kung ano na naman ang naisip ni Cassy dahil bigla niya na lang inagaw ang cell phone nito. "Hey!" Binawi kaagad ni Marla ang cell phone niya sa kamay ni Cassy pero pinaaalahanan niya muna ito. "We are here to enjoy. So let's party!" "Yeah, I know." Tumayo ito at umindak kasabay ng pagtugtog ng tunog ng maingay na musika. Iniwan na kami ni Cassy sa VIP room dahil ang sabi niya ay sisilipin niya muna si Laureen. Pero ilang saglit lang ay bumaba rin ako para sunduin sila dahil hindi naman ako kinakausap ni Marla. Kanina pa siya abala sa kaka-text ng ka-text mate niya. Nagpaalam naman ako sa kaniya pero hindi ko lang alam kung narinig niya ba ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD