Tenext ko si Cassy sa nangyari sa amin ni Kokoy at umamin ako sa lahat. Wala naman sana talaga akong balak na sabihin sa kaniya sa lahat ng mga nangyari sa amin ni Kokoy ngunit hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Sa tuwing may problema kami ng tropa ay isa siya sa lumulutas ng mga problema namin, she deserves to know. Hindi ko maitatanggi na matulungin talaga siya at walang hinihintay na anumang kapalit. Actually, ay silang lahat pero si Cassy kasi ay mas maluko sa aming lahat at nasusolosyunan niya kaagad lahat. Lagi niya akong kinukulit at hindi siya tumitigil hanggat hindi ko siya sinasabihan sa ganap ng buhay ko, lately. Kaya feeling ko tuloy wala rin naman akong magawa dahil she have her ways para malaman ang lahat. She left me with no choice so I admitted everythin