Kaagad ding nagpaalam na aalis na si Teria. Marami raw siyang trabaho ngayon sa opisina at kailangan niyang mag-review ng mga business proposal para i-approved. "Anak, ihatid mo muna ang girlfriend mo. Ayos lang ako rito." Pamimilit sa akin ni Nanay habang nakangiti. Umiling si Teria. "Nay, ako na po, huwag na po kayong mag-alala sa akin dahil kaya ko naman po ang sarili ko. Saka ko na lang po hihiramin ang anak niyo kapag gumaling na kayo, Nay. Kaya pagaling na po kayo Nanay," nakangiti niyang tugon sa aking ina at nagkakamabutihan kaagad sila ng loob. Alam kong hindi mapili si Nanay sa mga babae pero hindi ko lubos maisip na ganito kabilis ang pagkakasundo nila. "Sige na ihahatid na kita sa labas." Aya ko kay Teria dahil kinakabahan ako na lumihis na naman ang utak niya. Nakakahi