Pakiramdam ko ay kailangan kong humingi ng paumanhin kay Teria. Buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan na naghahabol ako sa isang babae. Kaya hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Isa lang ang alam ko, hindi ako mapakali at kahit si nanay ay sinasaway na ako. "Koy, kanina pa ako nahihilo sa 'yo, may problema ka ba?" reklamo sa akin ni Nanay. "Nay, hayaan niyo na lang po ako, may iniisip lang." "Si Teria ba? Kapag dumating na 'yong kapatid mo ay puntahan mo kaagad sa kanila ng huminahon ka naman. Siya na muna ang magbabantay sa akin at baka ako yata ang unang aatikihin sa 'yo ng wala sa oras. Kaka-opera ko lang sa matres at baka isusunod na ako nito sa operasyon sa puso,” patuloy na reklamo ni Nanay sa akin. “Nay, huwag po kayong magsalita ng ganyan,” seryoso kong sagot at