KABANATA III

1476 Words
MATAPOS nilang pirmahan ang kontrata ay hindi siya agad na umalis. Nag-usap muna silang dalawa ng kanyang kliyente tungkol sa disenyo ng bahay na pinapagawa nito at kung sakali na may gusto bai tong pagbabago. Mahigit isang oras din bago natapos ang kanilang usapan. Kapagkuwa’y hindi na rin nagtagal ang kliyente niya at nagpaalam na rin dahil may importante pa itong gagawin. Siya naman ay hindi agad na umalis sa restaurant at um-order ng full course meal rito nang makita ang masasarap na pagkain sa menu. Kunti lang ang in-order niya kanina dahil kausap niya ang kanyang kliyente, di naman pwede `no kumakain siya sa harap nito na seryosong trabaho ang pag-uusapan nilang dalawa. Ngayon siya na lang mag-isa rito, hindi na niya kailangan pang magpigil at um-order siya ng madami. Matagal-tagal rin siya nanatili doon at nang makalabas siya ay gabi na. Alas-siyete ng gabi no’ng nakipagkita siya sa kanyang kliyente at kung isama niya ang oras na nanatili siya rito para kumain. Dalawang oras siya nandito, alas-nueve nan ang gabi ng makalabas siya. Tumungo si Dolores sa gilid ng daan at tumingin sa kaliwang daan para tingnan kung may taxi na masasakyan pero puro puno `yong dumaan. Hindi pa naman niya kabisado ang lugar na `to. Masyadong malayo ang dalaguete sa bahay niya. It took her two hours just to get in this place. Kung hindi lang nasira ang gulong ng kotse niya, siguro ay wala siyang problema ngayon. Kapag hindi pa rin siya makahanap ng masasakyan patungong toledo, wala na siyang mapagpilian kundi maghanap ng hotel na matutuluyan ng isang gabi. While waiting for the vacant taxi to come, she started to tap her feet on the ground impatiently. Kung alam lang niya na magkaganito, eh di sana nag-take out na lang siya pero anong magagawa niya? Wala. Kahit na naiinip na siya dahil madalang nan gang dumaan ang taxi rito, puno pa. Kaya naman sa sobrang inip ay naglakad siya sa kabilang kanto kung saan sa tingin niya ay maraming sasakyan na madadaanan ngunit nang makarating siya do’n ay wala pa rin siyan masasakyan. Higit sampung minuto rin ang hinintay niya pero wala pa rin kaya naman naglakad ulit siya. Hindi na lang niya namalayan na malayo na ang nilakad niya mula sa restaurant na pinanggalingan niya kanina. “Naku naman, wala talaga akong masasakyan pauwi nito,” pabulong na wika niya sa sarili. Akmang babalik siya sa kanyang pinanggalingan nang naalala niya na may malapit na maliit na hotel doon. Do’n muna siya magpapalipas ng isang gabi pero nang umikot siya ay eksakto rin naman na may bumangga sa kanya na dahilan na napaatrsa siya ng ilang beses. “Ano ba, nakita niyo ng may nakatayo rito!” “Pasensya na, Miss, medyo madilim rito kaya hindi kita nakita na nakatayo diyan. Nagmamadali rin kasi ako.” “Sa susunod mag-iingat ka.” May katwiran rin naman ito. Madilim dito sa kinatayuan niya kaya normal lang na hindi siya nito makita. Pero mukhang binalewala lang nito iyon dahil biglang napasinghap ito. “Naku po! Mahuhuli ako sa train!” Mabilis na tumakbo ito at nilagpasan siya. “Train?” Hindi makaniwalang usal niya. Biglang lumarawan sa mukha niya ang pagkalito. Mataimtim na tinitigan niya ang direksyon kung saan tumakbo ang matandang lalaki. Mayroon bang train rito sa cebu? Imposible! Lasing ba ang matandang lalaking iyon? Nagtataka man si Dolores pero hindi lamang niya pinagtuonan ng pansin ang matandang lalaki at binalik ang atensyon kung pano siya makasakay ng taxi, ngunit bago pa magpatuloy ni Dolores sa paglalakad patungo sa maliit na hotel ay biglang nakaramdam ng sama ng tiyan. Napasobra kasi ang kain niya kanina siguro kaya bigla na lang siyang nakaramdam ng sama ng tiyan. Lintik na buhay `to! Asar na tiningnan niya ang buong paligid. Malayo-layo rin ang nilakad niya mula sa pinanggalingan niyang establishmento, gustuhin man niyang tumakbo pabalik para maghanap ng banyo ay imposible. Natandaan rin niya na out of order banyo Patingin-tingin siya sa paligid hangang sa huminto ang paningin niya sa direksyon ng matandang lalaki. Naalala niya ang binanggit nitong estasyon ng train. Kung pumunta na lang kaya siya estasyon ng tren? Tanong niya sa kanyang isipan. Kahit na minsan lang siyang nakasakay ng train noong pumunta siya sa maynila, mayroon do’n public comfort room. No’ng una ay nagdalawang isip si Dolores kung pupunta ba siya o hindi pero nang biglang nakarinig siya ng malakas na pamilyar na ingay ng tren. Nang marinig ni Dolores ang malakas ng tren ay tuluyang naglaho ang pag-alinlangan niya at mabilis na nagtungo. Sinundan lang niya ang ingay. Malaki ang hakbang na nagtungo at nang lumiko ay biglang nagkasalubong ang kilay niya nang lumiko siya. Bumungad kasi sa paningin niya ang malaking tarangkahan at sa itaas ay nakasulat sa karatula na; Grand Loop Boulder Land Railway. Ang grande naman ng pagkasulat. Hindi niya alam kung anong hitsura sa loob? Gayon pa man dahil sa matinding tawag ng kalikasan ay hindi na niya tinuloy na isipin ang tungkol do’n at mabilis na pumasok sa loob. Madali lang mahanap ang pampublikong banyo rito, pagpasok palang ni Dolores ay agad na nahagip ng kanyang paningin ang signage, hindi siya nagpatumpik pa at dumiretso sa loob ng banyo. MATAPOS niyang solbahin ang tawag ng kalikasan ay agad na lumabas si Dolores sa banyo habang iniayos niya ang shoulder bag niya. Nang mag-angat siya ng tingin upang tingnan ang buong hitsura ng estasyon ng tren ay bigla siyang natigilan nang bumungad sa paningin ang walang katao-taong sa lobby area. Agad na lumarawan sa hitsura ni Dolores ang pagtataka. Sobrang tahimik at pakiramdam ni Dolores ay haunted ang lugar na `to, isipin palang niya iyon ay nanayo ang balahibo sa braso niya. Hindi rin naman siya masisi kung gano’n ang pakiramdam niya, lalo na’t ang estasyon na `to ay mukhang nasa 1960s pa at walang katao-tao rito. Sa sobrang kaba ni Dolores ay muntik na siyang mapatalon ng marinig niyang may nag-riring. Napalingon sa direksyon ng pinanggalingan ng tunog at nakita na nagmula pala `yon sa ticket booth. Agad naman na nakahinga ng maluwag si Dolores ng makita `yon. Mabuti naman at may tao pala rito at hindi siya nag-iisa. Naglakad siya patungo roon. Nagtaas siya ng tingin upang basahin ang train information board sa itaas ng booth. “Huh?” She said. Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa nakasulat sa pang-limang row sa information board. Nakita niyang may patungong Toledo city! May tren bang patungo doon? Bakit sat aga na niyang nakatira doon sa siyudad ay wala siyang naalala na may estasyon ng tren? Ring! Ilang sandaling nakalipas ay natauhan si Dolores nang marinig niyang nagriring na naman sa loob ng ticket booth. Binalik niya ang tingin do’n at nakita niya sa likod ng salamin ang isang payat na matandang babaeng clerk. “Bibili ka ba ng bilyete?” Naiinip na tanong nito sa kanya nang makitang nakatunganga pa rin siya sa harap nito. Huminto ito sa pagpindot ng bell push button bago binalik ang tingin sa dokumento na nasa mesa nito. Sa halip na sagutin niya ang tanong ng clerk ay nag-inquire muna siya. Hindi pa rin kasi makapani-paniwala itong nakikita niya ngayon. It’s so unreal. Hindi kaya’y mga manloloko ito? “Binibini, kung oo, pakibilisan mo dahil hindi lang ikaw ang pumipila rito.” Untag nito kay Dolores. Biglang nanayo ang balahibo niya ng marinig ang sinabi ng clerk. Siya lang naman ang nandito, kaya anong pinagsasabi nitong hindi lang siya ang nakapila dito sa ticket booth para bumili ng bilyete? “Teka lang ho, itatanong ko lang sana kung bakit may binibenta kayong bilyete patungong Toledo, eh wala naman tren doon.” “Tagaroon ka?” Tumikwas ang isang kilay ng clerk, at saka sinuri nito ang buong mukha niya. Medyo nagsimula na naman siyang nainis rito. “Opo.” “Ah, bago palang kasi itong estasyon ng tren kaya normal lang na hindi moa lam ito.” However, hindi pa rin kumbinsido si Dolores sa sagot nito. Hindi man siya parating lumalabas, pero parati siya nagbabasa o nanonood ng balita, dapat alam niya ang tungkol dito. “Bibili ka na ba, Binibini?” Ulit nitong tanong matapos sagutin ang tanong ni Dolores. Dahil na rin siguro sa pagnanais niyang makauwi ay hindi siya nag-atubiling bumili ng bilyete. Matapos niyang bayaran `yon in cash since hindi sila tumatanggap ng mobile p*****t. Pagkatapos niyon ay agad na inilagay niya ang bilyeteng binili niya sa bag bago naisipan na umalis sa ticket booth. Bago pa siya umalis ay narinig na naman niya ang pag-ring nito. Muling tiningnan niya ang ticket booth na `yon at sa hindi malaman ay nanindig ulit ang balahibo niya nang maalala niya ang sinabi nito. Ang weird talaga ng matandang `yon! Sabi niya sa isipan. Mabilis na tumungo siya sa waiting area dahil sa takot.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD