bc

You're a Beast, I'm Human!

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
HE
heir/heiress
mermaid/mermen
bxg
witty
another world
supernatural
stubborn
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Mature Content || R18||Please be advised that this story contains mature themes.

BLURB:

Each of us is the protagonist of our own stories. We earnestly strive and carefully carve our path for success to achieve the life that we constantly dream of, and whether it will be successful or wouldn’t still depend on our ability and decision we make or even rely on luck.

For other people’s own stories, you can be either be supporting character, love interest, passerby, or can be antagonist character in their lives. These things have perpetually been what Dolores ardently believes.

She believes that she was a protagonist in her own stories. No matter what role she had in others’ lives, she didn’t care. She will strive on her own to get a happy never-ending herself.

However, things seemed going to be troublesome to achieve ever since she got in the mysterious train that transported her to a place where even birds don’t s**t. She was now in the middle of nowhere and only surrounded by thick and tall trees, and outside the forest was a vast ocean. An unknown place where people never thought would exist.

An unknown place full of danger where she constantly faces dangerous species she had never seen before and always racks her brain to think of how she finds her way to survive in this place. Amidst struggling to live, she unknowingly noticed someone lurking in the dark and stared at her every movement.

Who would have thought with this simple action would embark on their bizarre relationship and adventures?

"We're not meant for each other, you're a beast, and I'm human!"

You're a Beast, I'm Human

Copyright © SorceressPrincess WP

All right reserved. No part of this page will reproduce or transmitted in any form by any means photocopying, recording without permission by the author.

chap-preview
Free preview
KABANATA I
KABANATA I ISANG malutong na sampal ang umalingawngaw sa pasilyo. Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ng ilang tao na nakatayo sa `di kalayuan nilang apat. Tila nakaramdam ng pagkahilo si Dolores nang makatanggap siya ng malakas na sampal mula sa kanyang ama. Huminga siya ng malalim at ipinilig ang kanyang ulo para palisin ang hilo na naramdaman niya ngayon. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at marahang hinawakan ang nasaktang pisngi. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Dolores ang sariling ama. Parang may kung anong kumirot sa puso niya. Bagaman hindi sila malapit sa isa’t isa simula ng mamatay ang kanyang ina, ni minsan ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay. Ngayon lang at nagawa rin nitong saktan siya dahil sa anak ng pangalawang asawa nito. Nagsimulang nag-init ang kanyang mga mata. Ngunit gayon pa man ay pinigilan niya ang kanyang sarili na umiyak. She can’t cry especially in front of those two women standing behind her father. Kapag ginawa niya iyon ay mas lalong matutuwa ang mga ito. “Alam ko na hindi mo sila matanggap, pero para sa maliit na bagay lang ay pinalalaki mo?! Dolores, you really disappointed me!” Naningkit ang mga mata na nakatingin si Don Ignacio sa bunsong anak. Nang marinig ni Dolores ang sinabi nito ay biglang nagpanting ang kanyang tainga. Lahat ng hinanakit niya sa kanyang ama ay napalitan ng galit. “Ganitong bagay lang, Daddy? Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? Sa tingin mo isang maliit na bagay lang ang pagpasok ng babaeng iyan sa kwarto ko at pinakialaman ang mga gamit ko?!” Hindi niya napigilan ang sarili na magtaas ang kanyang boses. “Malaking bagay na ba na hawakan lang niya ang kahon mo? Pinuntahan ka lang niya rito sa kwarto para tingnan kung ayos ka lang.” Tingnan lang kung maayos siya? Kaysa huminahon ay mas lalong umalsa ang galit niya sa dibdib and at the same time ay panghihina dahil sa pagkampi ng kanyang ama sa anak na babae ng madrasta niya. Huminga siya ng malalim para kalmahin niya ang sarili dahil kung hindi ay baka masabunutan na naman niya ang impakta. Iyon pa naman ang nais nito na mangyari para mas lalong tumindi ang alitan nilang mag-ama. Saglit na sinulyapan niya ang mga tauhan niya na nakatayo sa di kalayuan. Pinapanood sila. Sa lahat pa talaga ng araw ay ngayon pa talagang araw. Katatapos lang ng paghatid niya sa burol ng kanyang lola tas umarangkada na naman ang ka-demonyohan ng impaktang babaeng iyon. Nang dumako ang mga mata niya sa impakta ay nahagip ng kanyang paningin ang pag-angat ng isang sulok ng labi nito. Siyempre, hindi iyon napansin ng kanyang ama at ng iba dahil nakatayo ito sa likod ng kanyang ama kaya hindi makita ang aksyon nito. Once again, ang pasensya niya ay tuluyan ng naputol. Balak sana niyang mag-usap sila ng kanyang ama sa pribadong lugar, malayo sa mga tauhan niya na narito pero dahil inaasar siya ng babaeng ito ay hindi niya pinigilan ang kanyang sarili. “Pinuntahan sa kwarto para tingnan ako kung maayos ako? Wow, ang galing, ha,” pumalatak siya then she sneered at her stepsister, Berry. “Sinong hindi nakakaalam sa atin na hindi maganda ang relasyon namin? Do you think I will appreciate this ‘kindnesses of her? No, I don’t, and even if she wanted to check if I were okay, she should not enter my room without my permission at pakialaman ang gamit ng lola ko!” Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Madali lang makita mula rito sa kintayuan nila ang vanity table na kasalungat lang ng malaking kama niya. Sa ibabaw niyon ay ang nakabukas na kahon at nakalabas na lahat ng gamit niyon sa kahon. “If you still don’t believe me, then why not check the cctv camera!” Nang marinig iyon ni Berry ay biglang namutla ang mukha nito. “Tito…” Tawag nito kay Don Ignacio. Napakagat ito sa ibabang labi. “Maniwala po kayo sa akin. Hindi ko po talaga sinasadya na pakialaman ang gamit niya,” wika nito bago humarap kay Dolores. Lumapit ito sa kanya. “Pasensya na talaga, Lo, kuryuso lang ako na tingnan ang loob ng kahon. Alam ko na hindi magandang asal ang ginawa ko at hindi ako dapat namikialam sa mga gamit mo. Wala rin naman mamahalin gamit sa loob. Sana mapatawad mo ako.” Mangiyak-ngiyak na pag-amin nito sa mga kasalanan. Sa totoo lang, kung hindi lang niya kilala ito at hindi niya narinig ang second to the last na sinabi nito ay siguro maniniwala siya na taos-puso talaga niyang pinagsisihan ang ginawa nito. Anong hindi mamahalin? Sa inis ay humakbang siya palapit rito. She flinched as if Dolores would really beat her. Magka-edad lang silang dalawa pero mas matangkad si Dolores kaysa ni Berry. “Hindi nga mamahalin. Pasalamat ka at hindi alahas ang laman niyon o importanteng dokumento dahil kung hindi, ipapapulis kita. Huwag kang umasa kay daddy na tulungan ka niya dahil walang silbi iyon.” “Dolores!” Sita ni Don Ignacio kay Dolores subalit hindi pinakinggan ni Dolores ito. Bago siya lumayo rito ay hinablot niya ang kaliwang kamay nito nang may nahagip siyang isang bagay na hawak nito. Hinatak niya ang kamay nito paitaas at lumantad sa braso nito ang pulseras nang nadulas pababa ang manggas ng damit nito. “Hindi rin ito sa`yo. Nawala lang ako sa bahay ay inangkin mo na rin pala itong pulseras ng mommy ko.” Walang anuman na kinuha niya iyon. “Dolores! Sumusobra ka na, ha!” Hindi nakapagpigil na wika ng kanyang madrasta na si Doña Carmen. “Hindi ninakaw ng anak ko ang pulseras na iyan. Binigay iyan ng daddy mo kay Berry.” “Tito…” “Binigay?” Nanlamig ang kanyang buong katawan. “Dolores, pwede bang huminahon ka? Walang kasalanan si Berry. Kusa kong ibinigay sa kanya ang pulseras na iyan. Isa pa, marami ka naman alahas at hindi mo naman sinusuot itong pulseras kaya binigay ko sa kanya. Papalitan ko na lang na mas magandang pulseras.” “Tama na, I don’t want to hear you three excuses. Por que hindi ko sinuot, hindi ibig sabihin niyon na hindi ko pinahalagahan ang pulseras na `to. Naalala mo ba na minsan kita tinanong kung nakita mo ang pulseras na ito?” Kumunot ang noo nito. Sa sobrang tagal na siguro nangyari iyon o simpleng wala lang talaga itong pakialam kaya hindi nito natatandaan ang tungkol sa pangyayari. Nang makitang hindi agad nakasagot si Don Ignacio, hindi mapigilan na makaramdam siya ng disappointment sa sariling ama. “All these years ay na sa kanya lang pala ang pulseras na `to! How could you give my thing to her without my permission?” “It’s just a bracelet. Why are you—” “Shut up!” Masamang tiningnan niya ang madrasta nang balak nitong sumali sa usapan nilang mag-ama, saka bumaling ulit siya sa kanyang ama. Puno ng disappointment na tiningnan niya ito. She should have known. Hindi niya ito kakampi. Mas mahal nito ang first love nito at ang stepdaughter nito kaysa sa sarili nitong dugo. Hindi na siya magtataka kung bakit ayaw umuwi ng kanyang mga kuya sa bahay noon. “Umalis na kayo.” “Dolores—” “Tama na, Dad. Ayoko ng marinig ang sasabihin mo. Umalis na ka na at huwag mo rin kalimutan na dalhin `yang mag-ina palabas ng pamamahay ko. Ayoko na rin makita ka o silang dalawa kaya huwag na huwag kayong babalik rito sa pamamahay na `to,” malamig na wika niya kay Don Ignacio. Matapos niyang sabihin iyon ay tinawag niya ang kanyang katulong para igiya ang tatlo palabas ng pamamahay niya. “Teka, hindi pa ako tapos na makipag-usap sa`yo. Iyong proposal na binigay ko sa`yo tungkol sa gusaling ito—” Mas lalong lumamig ang mga mata niya na nakatingin kay Don Ignacio. “Stop dreaming. I won’t ever sell this building to you.” Isa pa ito sa ikinainit ng kanyang ulo. Last month, tumawag ito sa kanya para hikayatin siya na ibenta ang building na ito na pag-aari ng kanyang ina. At that time, her maternal grandmother was bedridden, and she additionally had many things to carry out, so she has no time to properly reject his idea about selling the building she inherited from her dear mother to this old man. Even if he is her dad, there’s no possible way she will sell this building to anyone, especially to her dad. Isang bank investor ang kanyang ama at may ilang maliit na business itong pag-aari. Hindi rin siya magtataka kung pinag-interesan nito ang gusali na minana pa niya sa namayapa niyang ina dahil nakatayo iyon sa mataong kalye, malapit rin ang iskuwelahan dito kaya magandang magtayo ng business dito. Maintindihan sana niya kung iyon ang dahilan pero nang nang binanggit niya ang tungkol sa proposal ng kanyang ama sa nakakatandang kapatis na si Kuya Aqilus ay biglang nagtaka ito. Ayon rito ay wala itong interes noon sa gusali na ito kaya nagtataka si Kuya Aqilus kung bakit nagbago ang isipan nito. Samantalang si Dolores naman ay noong una ay nagtaka siya pero hindi kalaunan ay naisip niyang baka na may kinalaman ang madrasta niya. Noon pa man ay interesado na ito sa mga property na pag-aari ng kanyang ina. Ang gusaling ito ay mayroong limang palapag. Ang unang palapag ay isang malaking grocery store at katabi lang niyon ang isang kainan na pag-aari niya habang ang pangalawang palapag naman ay pinaparenta niya siya isang dalawang doctor na nagbukas ng klinika. Maliban sa rooftop at pang-limang palapag, the rest ay apartment. Kung hindi lang dahil alisto siya laban sa kanyang madrasta at may dalawang nakakatandang kapatid na tumutulong sa kanya, siguro baka ang lahat na pag-aari na namana niya mula sa namayapang ina ay nasa pangangalaga na `yon ng kanyang madrasta dahil wala pa raw siya sa wastong edad. Siguro dahil hindi nito nakuha ang gusto nito kaya’y mas lalong hindi naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Mas lalo pang lumakas ang loob nito nang makitang walang pakialam si Don Ignacio kay Dolores. Pero gayon pa man, hindi nito harap-harapan na pahirapan siya kasama ang anak nitong si Berry. During that time, wala siyang masasandalan sa bahay dahil kasalukuyan nag-aaral ang dalawa niyang nakakatandang kapatid sa ibang bansa. She was helpless pero gayon pa man, nagpakatatag siya at hindi niya hinayaan ang mag-ina na apihin siya. Para na rin walang gulo, sa murang edad ay pinili na lang ni Dolores na lisanin ang pamamahay na kinalakihan niya at tumira sa kanyang Lola Pasha. Isang mahinang lagitik matapos niyang i-lock ang kanyang pintuan. Narinig pa rin niya ang boses ng kanyang ama sa labas ngunit pinili niyang magbingihan. Nagpakawala siya ng buntong hininga, saka naglakad patungo sa vanity table kung saan nakapatong ang kahon. Nakakunot pa rin siya habang iniisa niyang binalik ang mga nakakalat na gamit sa loob ng kahon. Ang isa sa laman niyon ay isang ordinaryong batong kasing laki lang ng kamao niya. Sa totoo lang, hindi niya talaga lubos isipin kung anong meron sa batong `to at masyadong iniingatan nito `yon, pati na rin itong lumang bilyete. Natandaan pa ni Dolores bago namatay si Lola Pasha, sinabi nito kay Dolores na ingatan daw niya ng maigi ang laman ng kahon, lalo na ang bilyete.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook