KABANATA II

1338 Words
NAPAKALUMA na nang bilyete at kahit hindi niya tingnan ang validity ng bilyete na `to ay napakaimposible na magagamit pa niya ito dahil expired na. Kakaiba man ang habit ng kanyang Lola, hindi niya kokontrahin ang gusto ng matanda. Isn’t just keeping her things? Hindi naman mahirap gawin ang hiling ni Lola Pasha at kahit na ordinaryong gamit lang ang mga `yon, hindi pa rin na maikakaila na lubos na pinagkatiwala nito ang mga naiwang gamit sa kanya. Mahalaga rin ang mga iyon para kay Dolores dahil iyon na lang ang nagpapaalala sa kanya tungkol sa namayapang Lola. Ito ang dahilan kaya matindi ang galit niya kay Berry nang makita niya itong binubuksan ang kahon. Kung hindi lang dahil libing ngayon ng kanyang Lola, hindi talaga siya mangingimi na palayasin ito sa pamamahay niya kasama na ang ina nito. Isipin palang niya ang eksena kanina ay nagsimula na naman siyang nakaramdam ng inis. Wala talagang magandang mangyayari sa tuwing magkikita sila, kaya ito ang dahilan kaya naisipan niyang lisanin ang pamamahay na `yon at naisipan na tumira kasama sa kanyang Lola. Mas mapayapang tumira kasama ang Lola niya kaysa sa tumira kasama ang daddy at ang mag-inang `yon. Napabuntong hininga na lamang si Dolores, saka kinuha ang train ticket sa ibabaw ng mesa para ibalik `yon sa loob ng kahon pero bago mangyari `yon ay biglang umihip ng malakas ng hangin. At dahil hindi niya nahawakan ng mahigpit `yon ay natangay iyon ng hangin. Natarantang daklutin niya ang lumilipad na bilyete sa harap niya. Nang sa wakas nakuha niya ang bilyete ay nakahinga ng maluwag. Kapagkuwa’y bumaling siya sa nakabukas na bintana sa gilid ng vanity table niya. Naglakad siya patungo do’n para isara ang bintana. Nagsimulang naging makulimlim ang kalangitan, nagbabantang uulan ngayon. Agad na hinawakan niya ang gilid ng sliding window, balak sana niya na isara ang bintana pero nang mahagip ng kanyang paningin ang baba, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Bata palang siya ay napakatalas na ng paningin nito, kagaya ng kanyang mga kapatid, kahit na siguro nandito siya ngayon sa ikalimang palapag ay nakikita pa rin niya ng malinaw ang bagay na nasa ibaba. Nangangalaiting sinara niya ang pintuan at nagmamadaling sinara niya ang bintana bago lumabas ng kanyang sariling kwarto. Mabuti na lamang at sa mga oras na `yon ay nakaalis na si Don Ignacio at ang mag-ina rito kaya nang lumabas si Dolores, hindi niya nakita ang mga ito. Nagtungo siya sa elevator para bumaba. Nakakunot pa rin ang kilay niya hangang sa nakarating siya sa ground floor. Pagbukas ng pintuan ay nagkataon na bumungad sa paningin niya ay isang babaeng matangkad na nakasuot ng military uniform. “Lou,” bati nito sa kanya. “Rosette,” ganti naman ni Dolores rito. Ang babaeng nakatayo sa harap niya ay ang kanyang matalik na kaibigan at isa rin sa tenant na nakatira rito sa building niya. Si Rosette D. Canlas. Magandang babae ito at malakas ang dating nito, hindi lang para sa lalaki, pati na rin sa mga kababaihan pero napaka-aloof nito at dahil ding `yon, naging kilala ito dito sa kanilang lugar bilang ice beauty. Siguro kaya ganito ang ugali ng kaibigan niya dahil lumaki ito sa pamilyang militar at mahigpit na edukasyon na natanggap nito mula sa magulang. “Katatapos lang ba ng trabaho mo?” Tumango ito. “Katatapos lang ng misyon na binigay sa akin ng boss ko at kahapon ko lang narinig ang tungkol kay Lola Pasha.” Isang buwan rin ito nawala dahil sa trabaho nito. Ngayon tapos na ito sa trabaho ay agad itong bumalik rito pero hindi nito inaasahan na kakalibing lang pala ng matanda. “Pasensya na at hindi man lang ako nakadalo sa libing ni Lola Pasha.” “Ayos lang, Rosette, nasa kasalukuyan ka ng `yong misyon mo at hindi mo rin alam ang nangyari,” wika niya rito bago lumabas ng elevator. Sandali lang sila nagka-usap at agad na nagpaalam muna siya rito nang maalala nito ang isang bagay na kailangan niyang kunin. Malimit rin na magsalita ito at dahil alam nito na may importante itong kukunin ay hindi na nito pinigilan si Dolores at nagpaalam na rin ito para bumalik sa sariling apartment. Mabilis rin naman siya nakarating sa gilid ng gusali at pumasok sa maliit na daan. Pagdating niya sa mismong lugar ay agad na hinagilap niya ang bagay na nahulog. Malinis rito sa paligid kaya hindi siya nahirapan na makita ang bagay na hinahanap niya. Nang mahagip ng paningin niya ang maliit na sobre. Ilang sandali pa nga lang niya nakita ang sobre ay biglang nagkasalubong ang mga kilay niya nang napagtanto niya ang punit sa gilid. Agad na pinulot niya iyon at nakahinga siya ng maluwag ng makitang maliit lang ang punit niyon. Ibig sabihin, hindi nabasa ni Berry ang laman ng sulat sa loob ng sobre. Siguro hindi nito natuloy ang balak nito dahil sa pagdating niya. Sa susunod, hihigpitan na talaga niya ang seguridad ng bahay niya at hindi basta papasukin ang mga kagaya ng babaeng iyon. Ang kati ng kamay. Hindi mapakali kung hindi ito magbigay ng purwisyo sa ibang tao. Bumuntong hininga na lamang siya bago bumalik sa itaas. Bago siya bumalik sa kanyang bahay ay dumaan muna siya sa kainan niya at nagpaluto ng makakain sa chef. Pagkatapos niyon ay dumiretso na siyang tumungo sa bahay. Pagdating niya sa ika-limang palapag ay lumabas siya sa elevator habang tiningnan ulit ang sobre. Hindi pa niya nababasa ang laman ng sobre na `yon at dahil masyado siyang abala sa pag-asikaso sa libing nito ay nabaon na ito sa limot. Kung hindi pa niya nakita itong sobre sa baba ng gusali, siguro hindi niya maalala na may kasamang sobre `yong iniwan ng kanyang Lola. Habang naglalakad sa pasilyo, sinimulang niyang binuksan ang sobre. Kinuha niya mula doon ang sulat at binasa ang laman niyon. Saglit na natigilan si Dolores nang Mabasa niya ang laman niyon. Walang gaanong nakasulat sa liham ni Lola Pasha. Minamahal kong aking apo, Lou, Kung nababasa mo ang sulat kong ito, siguro ay wala na ako sa mundong ito. Ilang taon na nga ang nakalipas simula ng dumating ako rito sa mundong ito? Hindi ko na maalala. Naku, hindi na lang ako magsusulat ng mahaba. Nakakatamad. Ayaw ko rin ng magsulat ng nakakalungkot na bagay dahil alam ko na wala na ako sa mundong ito. Kaya ko lang sinulat ang liham na ito para paalalahanan ko ang aking mga apo, lalo na ikaw, Lo, ihanda mo ang sarili mo. Huwag mong mawala ang bilyete na iniwan ko para sa`yo. Parati mo `yan dadalhin kahit saan ka magpunta, lalo na ngayon, malapit ng dumating ang araw na maaari mo magamit iyon. Paalalahanin na rin kita, maliban sa bilyete, pakiingatan na rin ang mga gamit na iniwan ko sa`yo. Huwag mo rin ipagkatiwala iyan sa iba dahil napakahalaga niyan. Hindi ko nga lang masasabi sa`yo ang silbi niyan pero balang araw ay malalaman mo rin iyon. Nagmamahal sa`yo, Lola Pasha Hinipan ni Dolores ang ilang hibla na naligaw sa mukha niya bago binalik ang liham sa loob ng sobre. Ano ba ang ibig sabihin niyang importante ang mga bagay na iniwan nito? Ordinaryo lang naman ang mga gamit na `yon at hindi mahalagang bagay sa paningin ng nakakarami kaya hindi niya lubos maisip kung bakit ganito na lang kalaki ang importansya nito sa mga iyon. Gayunman, hindi rin niya sinuway ang gusto nito at tinago niya ang mga iyon ng mabuti. Pagdating niya sa loob ng bahay niya, ang unang bumungad sa kanya ay ang malakas na tunog ng smartphone na nasa ibabaw ng kama niya. Mabilis na lumapit siya sa kama at pinulot niya ang kanyang smartphone doon. Agad na binuksan niya ang smartphone at tiningnan ang natanggap na mensahe. Ang mensahe na natanggap niya ay mula sa bagong kliyente niya. Nang mabasa niya ang nakasulat sa mensahe, biglang kumislap ang mga mata niya sa tuwa. Nagustuhan ng kliyente niya ang kanyang proposal at gusto nitong magkita sila para signing ng contract.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD