CHAPTER 3

1834 Words
[LENNOX] "WHERE DID you go?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Ms. Cambell. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa na nasa balkonahe habang hawak ang kaniyang tabacco at iniihip sa ere ang usok nito. Huminto ako sa paglakad papunta sa kuwarto ko. Lumiko ako at nagsimulang maglakad papunta sa sofa na katapat ng inuupuan ni Ms. Cambell. "I just visited the new recruit who's together with Jeffery a while ago, Miss Millian," sagot ko at saka yumuko upang magbigay galang sa kaniya bago umupo. Tumango siya at saka muling inihip sa ere ang usok galing sa tabacco na hawak niya. "Do you think she will survive in this island?" malawak na ngiting tanong niya. "Maybe?" patanong kong sagot. "I still don't know if she has potential, so I can't answer that," sunod kong wika. "Is that so?" Tumango ako bilang sagot ng oo matapos nya 'yong itanong sa akin. "By the way, you still have five years to complete your trainings. Do your best to graduate and survive," aniya at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. "Oh, I almost forgot. The new recruit's name is Altheya, right? Be friends with her. She'll become an important tool in this island in the future. If you became friends with her, It'll be easy to know where her parents hide my documents. That will be your mission until you finish your trainings," mahabang paliwanag niya bago tumalikod. "I will do as you command, Miss Millian." Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Miss Millian ay napagpasiyahan na niyang pumunta sa kaniyang kuwarto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mula sa kaniyang likuran ay nag-bow ako hanggang maka-akyat na siya sa second floor kung saan matatagpuan ang kaniyang kwarto. Naglakad na ako papunta sa aking kuwarto, pumasok na sa loob at saka sinarado ang pinto. Bumungad sa akin ang iba't-ibang klase ng mga baril at kutsilyo na naka-display sa dingding. Lumingon ako sa gilid at dinampot sa study table ang limang dagger na nagkalat doon. Itinutok ko ang mga iyon sa isang malaking laminated photo na nakasabit sa dingding, sa picture ng aking ama na ipinatapon ako sa lugar na ito. Inasinta ko sa noo nito ang hawak kong daggers at ibinato iyon. 'Bulls eye.' Hindi na mabilang pa kung ilang butas na ang natamo ng picture na iyon mula sa mga ibinabato kong daggers. This is how I ease my anger at him. He killed my mother and abandoned me four years ago just for the reason that I might become a hindrance to his political career. 'What a good for nothing father. He wasn't even worthy to be called father.' Sooner or later, after I finish my trainings in this island. I will be the first one to kill him and expose to the whole world how twisted his mind are. Matapos kong ibato ang mga iyon ay humiga na ako sa higaan, ipinikit ang aking mga mata at inisip ang mga bagay-bagay na magpapakalma sa akin hanggang sa makatulog na ako. [ALTHEYA] DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata nang magising ako mula sa sunod-sunod na katok sa pinto. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking mga palad at saka bumangon na mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto hanggang sa dumako ang tingin ko sa nakasaradong bintana. Madilim pa rin sa labas at tanging huni ng mga insekto ang maririnig. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa bintana. 'Sa natatandaan ko, naiwan kong nakabukas iyon bago ako maka-idlip pero bakit nakasarado na ito ngayon?' Napatigil ako sa pag-iisip sa hiwaga ng nakasaradong bintana nang marinig ko ulit ang sunod-sunod na katok kaya naman dali-dali akong pumunta sa tapat ng pinto at saka binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang batang babae na ka-edad ko. May hawak itong tray na naglalaman ng mga pagkain at tubig. "Ito na po ang order niyo," aniya at saka iniabot sa akin ang hawak niyang tray. Dahil may kabigatan ang dala-dala niyang iyon ay napagpasiyahan kong kunin iyon. Nagtatakang tinignan ko ang hawak ko at saka tumingin ulit sa batang babae. Nagulat ako nang makita ko siyang naglalakad na paalis. "T-Teka lang, hindi ako nag-order nitong mga pagkain," nauutal na wika ko sa bata, nakasunod sa kaniya habang dala ang tray. Huminto siya sa paglalakad at saka lumingon sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo nang sabihin ko iyon sa kaniya. "Imposible po ang sinasabi niyo," aniya. May inilabas siyang cellphone na kinuha niya sa kaniyang bulsa at saka itinapat iyon sa harapan ko. Nakita ko mula sa roon ang nakasulat na "The person from Room 6 have pressed the button for order. Prepare and deliver it in time." Tanging ang katagang Room 6 lamang ang pamilyar sa akin kaya naman mabilis akong napalingon sa may pintuan para tignan ang numero ng aking kuwarto at doon nakita ko ang 'Room 6'. 'Sa pagkakatanda ko, hindi ako nag-order dahil tulog ako ng mga oras na pinindot ang button at kakagising pa lamang,' bulong ko sa sarili, pilit na inaalala kung nag-order ba talaga ako o nakalimutan lamang. "Sa room niyo po naka-place ang order at kailan man ay hindi pa nagkakamali ito. Sa inyo po talaga ang order na iyan," paliwanag niya at saka binalik na sa bulsa ang cellphone. "Ganon ba? Siguro nawaglit lang sa aking isipan. Salamat dito," wika ko saka inangat ang hawak kong tray na naglalaman ng mga pagkain. "Walang anuman po. Ginagawa ko lang ng tama ang aking trabaho." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay yumuko na siya at saka tumalikod na. Nagsimula na siyang maglakad paalis habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa labas hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob upang kainin ang dinalang order sa akin ng bata. Tahimik kong kinain ang mga pagkain habang patuloy sa pagtulo ng mga luha ko. Ngayon lamang kasi ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain kaya naman hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal. Puro tinapay at kaunting tubig lamang kasi ang pinapakain sa akin ni tatay noo pero hindi ko masisisi si tatay dahil mahirap lamang kami. Pagkatapos kong ubusin ang mga pagkain ay tumayo na ako at binitbit ang tray na naglalaman ng mga gamit na plato at baso. "Wala na sigurong mga bata sa labas. Puwede ko ng dalhin sa baba itong pinagkainan ko at pagkakataon ko na rin ngayong maglakad-lakad upang maging pamilyar na ako sa lugar na ito." Lumabas na ako sa aking kuwarto at maingat na isinarado ang pinto upang hindi ito makalikha ng ingay. Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng pasilyo upang tignan kung hanggang saan ang katapusan nito. Nakita ko mula sa malayo ang mga katagang "Comfort room/Banyo". 'Hindi ko inaakalang ganito pala kalawak dito sa taas.' Mas lalo akong kinabahan habang iniisip kung gaano karaming bata ang narito sa isla. Bumuntong hininga ako at nagsimula ulit maglakad sa kanang bahagi ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mas malawak pang pasilyo. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang hindi libutin ang tingin sa dinaraanan ko. Ngayon ko lang napansin na may katapat palang kuwarto ang kuwarto ko pati na rin ang iba pa. Room 5 ang katapat ng aking kuwarto habang ang katabi naman ay Room 4 at Room 8. Napahinto ako sa paglalakad nang makarating ako sa malawak na pasilyo, doble ang lawak nito kumpara sa pasilyo na dinaanan ko kanina. Mula sa harapan ko ay panibagong pasilyo na naman ang naroon. 'Mukhang papunta na ang daanang ito sa tulugan ng mga batang lalaki na ka-edad ko.' Nilibot ko ang tingin sa malawak na pasilyo hanggang sa dumako ang tingin ko sa mga litratong nakasabit sa dingding pero isang malaking litrato ang pumukaw sa aking atensyon, litrato iyon ng mga batang magkakasama. Nasa mahigit dalawampu ang mga batang naroon, malawak ang mga ngiti at magkaka-akbay. Napatigil ako sa pagmamasid roon at huminto iyon sa partikular na bata na may ekis sa mukha, maraming ekis sa mukha nito na parang may matindi ang galit nang nagsulat doon. Napansin kong mahaba ang buhok nito at nakapalda, babae ang nasa likod ng ekis na iyon. Napatigil ako sa pagtitig sa litrato nang may magsalita sa likuran ko. "Bakit nasa labas ka pa?" Nakakakilabot na tanong ng boses ng isang babae ang narinig ko mula sa likod. Titili na sana ako dahil sa gulat nang bigla na lamang tinakpan ng babae ang bibig ko at saka hinawakan ang tray na hawak ko na muntikan ng mahulog. "Shhh, huwag kang maingay. Ako lang ito si Ate Alvira," bulong niya ulit. Tumango-tango habang mahigpit na itinikom ang bibig. Binitawan na niya ang bibig ko at iniabot sa akin ang tray na siyang kinuha ko naman. "Ano bang ginagawa mo rito at bakit nasa labas ka pa?" nakapamewang at pabulong na tanong niya sa akin. Napakamot ako sa aking batok habang nakayuko. "Dadalhin ko lang po sana itong pinagkainan ko sa baba," sagot ko sa kaniya. "Nag-abala ka pa. Dapat bukas mo na lang iyan ibinaba o kaya pinindot mo na lang sana ang button," aniya at saka lumingon sa malaking litrato na tinititigan ko kanina. "Ayos lang po iyon. Gusto ko po kasing maglibot-libot sa lugar at maging pamilyar," wika ko. Nakita ko ang marahan niyang pagtango bago bumaling sa akin. "Dahil unang araw mo pa lang rito, papalampasin ko 'yang paglabag mo sa isa sa mga panuntunan. Tandaan mo, Altheya, alas-otso pa lamang ay hindi na maaari pang lumabas ang mga bata dahil kung sino man ang makitang pagala-gala pa ay bibigyan ng karampatang kaparusahan." Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Hindi ko alam na bawal na palang lumabas. "Pasensiya na po, Ate Alvira," paghihingi ko ng tawad habang nakayuko. Nahihiya ako, unang araw ko pa lamang dito sa bago kong tahanan ay may nalabag na akong panuntunan. "Ayos lang iyon, huwag na lang maulit pa dahil hindi ko na iyon papalampasin. Oh siya, tara na at pumunta na tayo sa baba upang ihatid 'yang pinagkainan mo at makatulog ka na." Nang sabihin niya iyon ay tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdanan na matatagpuan sa gitna ng malawak na pasilyo. May harang na nagpapahiwalay sa hagdanan na para sa mga babae at sa lalaki pero sa gitna lang din matatagpuan iyon. Nang makababa na kami ay tinuro sa akin ni Ate Alvira kung saan ilalagay ang mga pinagkainan ko at kung saan kukuha para sa almusal bukas. Lahat ng mga dapat kong matutunan kapag nasa loob ako ng malaking bahay na ito ay itinuro niya sa akin hanggang sa mapagpasiyahan na niyang itigil. Sinamahan niya ako papunta sa aking kuwarto at nang makapasok na ako sa loob ay may iniabot siya sa aking bag at sinabi sa akin kung para saan iyon. Pagkatapos niyang magbigay ng mga bilin ay naglakad na siya paalis. Sinarado ko na ang pinto at saka humiga na sa aking higaan at pinatugtog ang aking music box hanggang sa makatulog na ako. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD