CHAPTER 2

1644 Words
[ALTHEYA] NAKAAWANG ANG bibig at nanlalaki ang mga matang inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa pinakatuktok kami ngayon ng isang gusali kung saan lumapag ang sinasakyan naming helikoptero. Tanaw na tanaw ko ngayon ang mga puno ng niyog at iba pang uri ng puno na nakapalibot dito. Mula sa kalayuan ay tanaw ko naman ang dagat na parang kanina lang ay nadaanan namin. Kumikislap iyon na parang may mga brilyante sa karagatan dahil sa liwanag na tumatama sa kanila. Dahil hapon na nang makarating kami sa isla na kung tawagin ay Phanorage, kulay kahel na ang buong kalangitan. Natigil ako sa pagliliwaliw nang bigla na lamang humigpit ang pagkakahawak ni Kuya Jef sa aking kamay. Matalim ang kaniyang tingin sa baba, kung saan naroon sila Tita Millian. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin ng batang lalaki na kasama ni tita at malawak na ngumiti. Dahil sa gulat ay mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya at saka nagtago sa likod ni kuya. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. Napabaling ako sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang pagtawag sa akin. "Atheya, handa ka na bang pumunta sa bago mong tahanan?" tanong ni kuya sa akin. Tumango ako at saka sumagot. "Opo." Dahil unang araw ko pa lang dito, mayroon akong kabang nararamdaman at kung ano-anong mga negatibong katanungan ang tumatakbo sa aking isipan. 'Tatanggapin at kakaibiganin kaya ako ng mga bata rito? Paano na lang kung pati sila ay ayaw sa akin?' Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko na nagsimula nang maglakad si kuya kaya naman sinundan ko na siya. Naglakad na kami papasok sa loob ng gusali at saka pumasok sa loob ng isang maliit na kuwarto. Nagulat ako nang bigla 'yong magsara at saka gumalaw pababa. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni kuya hanggang sa huminto iyon at bumukas. Naglakad siya palabas ng gusali at saka lumiko sa kaliwang bahagi. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa tinutukoy ni kuya na bago kong tahanan. Nakita ko sa aking harapan ang isang malaking bahay na maraming bintana sa harap. "Simula ngayon, dito ka na titira kasama ang mga batang kasing edad mo. Naiintindihan mo ba, Altheya?" tanong ni Kuya Jef. Tumango ako at saka isa-isang tiningnan ang mga bintana. Nakita ko sa mga bukas na bintana ang ilang mga bata na nakadungaw para tingnan ako. Dahil nahihiya pa ako ay tanging pagtago sa likuran ni kuya. "Huwag kang mahihiya sa kanila. Ang karamihan sa mga bata riyan ay kaedad mo na sampung taong gulang at ang iba naman ay pababa," wika ni kuya sa akin at nagsimula na ulit maglakad papasok sa loob. "Magandang hapon, Sir Jeffrey," narinig kong bati ng babaeng nakatayo sa gilid ng pintuan. "Good afternoon. Siya nga pala si Altheya. Take care of her, she's an important guest of Boss," seryosong wika ni kuya at saka tinuro ako. Bahagya akong yumuko bago magtago sa likuran ni kuya. "Yes, Sir." Yumuko ang babae at saka nilahad ang kamay sa aking harapan. "Hi, Altheya. Ako nga pala si Alvira, ikinagagalak kong makilala ka," nakangiting pagpapakilala niya sa akin. Tinignan ko muna si kuya, at nang makita ko ang kaniyang pagtango ay iniabot ko kay Ate Alvira ang aking kamay upang makipagkamay sa kaniya. "Altheya, okay lang ba kung maiwan muna kita rito? Huwag kang magalala dahil sasamahan ka naman ni Ate Alvira mo sa magiging kwarto mo. May trabaho pa kasi akong pupuntahan, ayos lang ba sa iyo 'yon?" malumanay na tanong sa akin ni kuya. "Ayos lang po, kuya. Maraming salamat po," maikling sagot ko at saka bumitaw na sa pagkakahawak sa kaniyang kamay. Wala rin namang mapapala ang pagpipigil ko sa kaniya dahil may rason naman kung bakit ako iiwan ni kuya kay ate, iyon ay ang may trabaho siyang pupuntahan. "Sige, magpakabait ka, ah. Bibisitahin na lang kita ulit kapag natapos ko na ang trabaho ko," paliwanag niya sa akin habang marahang tinatapik ang aking ulo. "Ikaw na ang bahala sa kaniya, Alvira. Don't forget, she's an important guest so better treat her with respect," "Yes, Sir." *** "Altheya, ito ang magiging kuwarto mo simula ngayon," wika ni Ate Alvira nang buksan niya ang pinto. Mayroong dalawang kama sa magkabilang gilid ng bintana at lamesa naman sa gitna, sa ilalim nito ay dalawang upuan. Sa paanan naman ng kama ay naroon ang tig-isa ring durabox na lalagyan ng mga damit. "Ang banyo ay nasa kaliwang bahagi nitong pasilyo. Tahakin mo lang ang pasilyo hanggang sa dulo at mararating mo ang banyo," sabi ni ate at saka pumasok sa loob ng kuwarto. Tumungo siya sa durabox at binuksan iyon. "Mayroon na ritong mga damit na kasya sa iyo kaya naman hindi mo na kailangan pang problemahin ang iyong susuotin." Tumango ako at saka naglakad papasok sa loob. "Maupo ka, Altheya." Nang sabihin iyon ni ate ay umupo ako sa kama na nasa kaliwang bahagi. "Nabanggit ko sayo na kapag alas-sais ng umaga dapat gising ka na upang kumain ng umagahan kasama ng mga bata. Pagkatapos mong kumain, may isang oras ka para makipaglaro sa kanila at kapag tumunog na ang sirena, hudyat iyon na pumunta ka na sa building na iyon kasama ang mga batang kaedad mo," mahabang paliwanag nya at saka itinuro mula sa nakabukas na bintana ang malaking gusali kung saan lumapag ang helikopterong sinakyan namin nila Kuya Jef. "Malalaman mo naman bukas kung ano ang mga gagawin sa gusaling iyon kaya naman hindi ko na sasabihin. May mga katanungan ka pa ba? Baka may gusto kang linawin," tanong niya sa akin habang nakatanaw sa labas ng bintana. "A-Ahm, itatanong ko lang po sana kung sino ang kasama ko rito sa kuwarto kasi mayroong bakanteng higaan dito?" nauutal kong tanong. Simula kasi nang makita ko ang isa pang kama rito sa loob ay gustong-gusto ko na 'yong itanong sa kaniya. "Ah, sa ngayon wala ka pang kasama rito sa kuwarto. Wala pang gumagamit ng kamang iyan," sagot niya sa akin. "Mayroon ka pa bang tanong?" "W-Wala na po," "Oh siya, dahil wala ka ng katanungan, maiwan na muna kita rito. Kapag nagugutom ka na, bumaba ka na lang sa unang palapag, laging bukas iyon. O kaya kung ayaw mo namang bumaba, pindutin mo na lang itong button para ihatid sayo ang pagkain mo," sabi niya sa akin at tinuro ang kulay dilaw na pindutan na kahalintulad ng remote sa tv at saka naglakad na papunta sa may pintuan. "Pero kailangan mo pa ring pumunta sa baba," pahabol niyang wika bago lumabas ng kuwarto at isarado ang pinto. Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ay kinuha ko sa loob ng aking bag ang music box ko at saka pinihit-pihit iyon upang makalikha ng tunog. Ipinikit ko ang aking mata, humiga sa higaan at mataimtim na pinakinggan ang tunog na nililikha ng music box ko. 'Nakalimutan ko nga palang magpaalam kay tatay. Ano na kaya ang kaniyang ginagawa ngayon? Baka nagsasaya na siya dahil umalis na ako,' bulong ko sa aking sarili nang biglang sumagi sa aking isip si tatay. [LENNOX] "HAVE YOU found it?" "No, Ma'am. We have searched all over the house but we cannot find the documents," "D**n it! Useless pieces of sh*ts. Documents lang ang pinapahanap ko sa inyo, hindi niyo pa mahanap! Just burn the house together with the owner!" Malakas na sigaw ni Ms. Cambell sa kaniyang kausap at saka hinawi ang mga gamit sa lamesa dahil sa kaniyang galit. Dahil narindi ako sa paguusap nilang dalawa rito sa loob ng opisina ni Ms. Cambell ay napagpasiyahan kong lumabas upang magpahangin. Humihikab na naglakad ako palabas at saka sinarado ang pinto. Dahil masiyado silang seryoso sa kanilang pinaguusapan ay hindi nila namalayang nakalabas na ako. Napakibit-balikat na lang ako. Wala naman akong mapapala kung mananatili at makikinig pa ako ro'n. 'Saan naman kaya ako pupunta?' tanong ko sa sarili habang nakatingala sa kalangitang punong-puno ng bituin at full moon na buwan. Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng nagngangalang Altheya na kasama kanina ni Jeffrey. I shall go to their building ang visit her at her room. Mag-isang naglakad ako sa open field at tahimik na tinahak ang daan papunta sa Tyro's House kung saan ang mga batang kararating pa lang dito sa Phanorage Island ay doon pinapatira hanggang sa makumpleto nila ang trainings na kailangan. It's already 8 o'clock in the evening, wala ng mga batang pagala-gala sa labas ng bahay. Tumingala ako at tinignan ang second floor ng bahay, kakaunti na lang ang bukas ang ilaw sa kanilang kuwarto at isa na roon ang kuwarto ni Altheya, sa room 6. Tahimik na umakyat ako sa dingding ng bahay, ginagawa kong apakan ang mga nakasaradong bintana hanggang sa makarating na ako sa second floor, room 1. Iniwasan kong makalikha ng ingay upang hindi nila ako mahalata hanggang sa makarating ako sa room 6. Buti na lamang at nakabukas ang bintana, madali akong nakapasok sa loob at saka sinarado ang bintana. Pumunta ako sa gilid ng kama kung saan nakahiga at natutulog si Altheya. Seryoso ko siyang pinagmasdan hanggang sa mapansin ko ang yakap-yakap nitong music box. Kukunin ko na sana iyon para ilagay sa mesa nang bigla na lamang humigpit ang pagkakayakap niya rito. "N-Nay..." nauutal niyang bulong. Nananaginip siya dahil nanatiling nakasarado ang kaniyang mga mata habang binabanggit iyon. Napansin ko ang pagtulo ng luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Kusang pinunasan ng aking kamay ang luha niya na siyang ikinagulat ko. Mabilis kong binawi ang aking kamay at saka umatras. Bumuntong hininga ako at saka naglakad na papunta sa nakasaradong bintana at binuksan iyon. 'I only came here to check whether she has potential on becoming an assassin since Ms. Cambell was the one who personally adopted her. But I guess, nothing's special about her, she's just connected to someone who stole Ms. Cambell's documents.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD