CHAPTER 5

2007 Words
[ALTHEYA] "DITO KA nakalinya, A0610," aniya at saka tinuro ang bakante linya sa kaniyang unahan. Una kong tinignan ang nakasulat sa kaniyang jacket— A0708 ang nakasulat doon habang ang nakasulat naman sa jacket ng kasunod niya sa linya ay A0707. Nakakapagtaka dahil hindi magkakasunod ang numerong nakasulat doon. 'Saan ba nakabase itong linya na 'to? Bakit hindi magkakasunod ang nakasulat sa huling parte? Karamihan kasi sa nakasulat na numero sa kanilang mga jacket ay 07 o 'di kaya ay 08, wala akong makitang 10 o 09. Bago pa man ako mapagalitan ng matikas na lalaking nakatayo sa unahan ay naglakad na lang ako papunta sa bakanteng linya at tahimik na tumayo roon. Ginaya ko ang pusturang ginagawa nila, nakalagay ang kanilang dalawang kamay sa likod at medyo nakabuka ang kanilang mga paa. Parang mga sundalo kung tumayo na katulad sa napanood kong palabas noon. Hindi pa man ako nakakatagal sa puwesto ko ay nakita kong may papalapit sa direksyon namin na mga matitikas na lalaki at puti ang mga damit. Isa-isa silang huminto sa kanang gilid ko. Dahil sa kuriyosidad ay napalingon ako sa kanan ko upang tignan kung ano ang kaniyang gagawin. Nakita kong nakalahad sa harapan niya ang hawak niyang tray na naglalaman ng apat na pulseras, kulay puti iyon at makapal. Narinig ko ang pagkalansing ng mga ito, doon ko na pagtantong hindi ito ordinaryong pulseras kundi bakal na pulseras. Tahimik na ikinabit sa akin ng lalaki ang hawak niyang bakal na pulseras. Una niyang nilagyan ang kaliwang paa ko, sa ibabaw ng aking bukung-bukong. Pagkatapos niyang bitawan iyon dahil nailagay na niya sa akin ay naramdaman ko na kaagad ang bigat nito. Sunod niyang nilagyan ang kanan kong paa. Hindi niya rin pinalampas ang magkabila kong braso, inilagay niya ang dalawang natitirang bakal na pulseras sa mga braso kong nakalagay sa aking likuran. Nang mailagay na niya sa akin ang lahat ng bakal na pulseras ay umalis na ito kasabay ang iba pang mga nakaputing lalaki na nagsuot din ng bakal na pulseras ng mga kaedad kong bata. Halos hindi ko maangat ang aking mga paa dahil sa bigat ng ikinabit sa akin, unti-unti na ring sumasakit ang mga braso ko dahil sa bigat din ng nakakabit doon. Napabaling ako sa unahan nang marinig kong magsalita ang lalaking nakatayo sa harap habang hawak ang mikropono. "Magandang umaga sa inyong lahat. Nagagalak akong makita kayong lahat dito. Newcomers! Baguhan, magsisimula ang unang bahagi ng klase rito sa field o parang, tatakbo kayo habang mayroon kayong Iron wristband na may bigat na 4 lbs sa magkabilang paa at kamay. Tatakbo kayo hanggang sa makalimang ikot kayo sa loob lamang ng limang minuto, may karampatang kaparusahang matatanggap ang mahuhuli. Simulan na ang klase." Pagkatapos banggitin iyon ng lalaki ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng sirena, hudyat na simula na ng klase. Nagtaka ako nang mapansin kong nagsimula nang magsitakbo ang mga nakapila sa unahan. Hindi alintana sa iba ang bigat ng bakal na pulseras na nakakabit sa kanila, patuloy lamang sila sa pagtakbo ngunit makikita sa mukha ng ilang bata na nahihirapan sila pero wala ni isa man sa kanila ang humihinto. Nangunguna sa pagtakbo ang linya sa unahan ko na kulay itim ang jacket. Nang makita ko iyon ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang dahil maiiwan lang akong nakatayo sa gitna at baka pagalitan pa. "Isipin niyong hinahabol kayo ng mga pulis! Kung ayaw niyong mahuli at makulong, bilisan niyo ang pagtakbo!" Dahil sa sinabing iyon ng lalaki ay pinilit kong ilarawan sa aking isipan na hinahabol nga ako ng mga pulis pero imbis na mga pulis ang makita ko ay mukha ni tatay ang nailarawan ko sa aking isipan, galit na galit. Bumalik sa aking alaala ang mga ginawa ni tatay sa akin, kung paano niya ibuntong sa akin ang kaniyang galit kapag siya ay umuuwi ng lasing. Dahil sa takot na nararamdaman ko ay iyon ang naging dahilan nang pagtakbo ko ng mabilis. Hindi ko na alam kung naka-ilang ikot na ako sa parang dahil tanging malakas na pagtibok ng puso ko ang aking naririnig. Takot ang nangibabaw sa akin habang tumatakbo palayo mula kay tatay na hinahabol ako. "A0610!" Malakas na sigaw ang nagpabalik sa akin sa realidad kasabay noon ang paglaho ni tatay sa likuran ko. Para bang nagising ako sa isang bangungot nang narinig ko ang sigaw na iyon, doon ko napagtanto na hawak-hawak na pala ako ni Ate Alvira sa balikat, nag-aalala at naghahabol ng hininga. "Ayos ka lang ba?" nagaalala niyang tanong sa akin habang hawak niya pa rin ang aking magkabilang balikat. Nakakunot ang noong nilibot ko ang tingin sa paligid, nakita kong halos lahat ng mga bata ay nakatingin sa akin, wala na ang mga bakal na pulseras sa kanilang katawan. Napansin kong nasa tapat na ulit ako ng malaking bahay, hinihingal at hindi alintana ang mabigat na pulseras sa katawan. "Ayos lang po ako, Ate Alvira. Ano po bang nangyari?" "Hindi mo ba natatandaan? Sigaw ka nang sigaw kanina habang tumatakbo ng mabilis. Nakalimang ikot ka na pero hindi ka pa rin tumitigil. Tinawag kita pero hindi mo ako pinapansin kaya naman hinabol kita. Ayos ka lang ba talaga?" Hindi ko maalala dahil tanging mukha ni tatay ang nangibabaw sa paligid ko. "P-Pasensya na po, mayroon lang po kasi akong naalala kaya gano'n ang nangyari. Hindi ko nga po matandaang sumisigaw na pala ako habang tumatakbo. Pasensya na po talaga kayo," paghihingi ko ng paumanhin habang nakayuko ako. "Ayos lang iyon, maganda naman ang pinakita mong bilis sa pagtakbo. Kahit na mayroon kang Iron wristband ay nakatakbo na naman ng limang ikot sa field bago pa matapos ang oras," wika niya habang malawak ang ngiti sa labi. "Good job," aniya at saka tinapik-tapik ang balikat ko. Tinanggal na ni Ate Alvira ang mga nakakabit sa aking bakal na pulseras at saka ibinigay iyon sa mga nakaputing lalaki. Matapos matanggal sa akin ang mga iyon ay doon ko lang naramdaman ang pagod na parang kanina lamang ay hindi ko nararamdaman. Napa-upo ako sa lapag, nanginginig ang buong katawan at tagaktak ang pawis. "That's adrenaline. Pinilit mo ang iyong sarili nang sobra pa sa dapat, ngayon mo lang mararamdaman ang pagod. Magpahinga ka na muna, sasabihan ko ang instructor mo na after 15 minutes na lang magsisimula ang susunod niyong klase." Pagkatapos 'yong sabihin ni Ate Alvira ay naglakad na siya paalis at saka pumunta sa direksyon kung saan nakatayo ang matikas na lalaki, ang tinutukoy ni Ate Alvira na instructor. Dahil sa pagod ay humiga ako sa madamong sahig at ipinikit ang mga mata upang ikalma ang sarili sa paghahabol ng hininga. Napadilat ako ng aking mata nang makarinig ako ng kaluskos, palapit nang palapit ang kaluskos sa direksyon ko. Napatingala ako nang mapansing nanggagaling ang tunog sa itaas. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang yumuko sa aking harapan ang isang batang lalaki habang nakatayo siya sa may ulunan ko. Bumungad sa harapan ko ang mukha niya. Kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat, kulay-kape ang kulay ng kaniyang mata at medyo singkit, medyo may kahabaan ang kaniyang buhok na sumasabay ang direksyon nito sa ihip ng hangin. "Hi!" bati niya at saka umupo sa tabi ko. Dahil medyo kalmado na ang aking pakiramdam ay wala akong nagawa kung hindi ang umupo na rin. Nang makaupo na ako ay iniabot niya sa akin ang hawak niyang plastik na bote na naglalaman ng tubig. Wala sa sariling kinuha ko iyon at nagpasalamat. Napakamot na lang ako sa batok ko nang mapagtanto kong kinuha ko iyon. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kaniya dahil sa hiya. "Kumusta ang unang araw ng klase mo rito?" Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong niyang iyon. Base sa tono ng kaniyang pagtanong ay parang kilala niya ako. Tinitigan ko siya at pilit inaalala kung saan ko siya nakita dahil parang pamilyar siya sa akin. 'Saan ko nga ba siya nakita?' "I'm Len— " Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang umugong na ulit ang sirena, hudyat na magsisimula na ang pangalawang bahagi ng klase. Tumayo na ako muna sa pagkakaupo at saka pinagpagan ang likod ko. Humarap ako sa kaniya at saka nag-bow. "Maraming salamat po rito," wika ko at saka itinaas ang hawak kong inumin na ibinigay niya sa akin kanina. Nakita ko ang kaniyang pagtango at pagkatapos no'n ay tumayo na siya. Kinawayan niya ako habang malawak ang ngiti. Tumalikod na ako at saka nagsimula nang maglakad papunta sa gusali kung saan gaganapin ang pangalawang bahagi ng klase. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita muli ang batang lalaki. "Good luck, Altheya." Narinig kong usal niya mula sa likuran ko. Napatigil ako sa paglalakad at saka mabilis na nilingon ang batang lalaki pero hindi ko na siya nakita pa sa kaniyang puwesto. "A0610, tara na," narinig kong aya sa akin ni Ate Alvira nang mapansin niyang hindi ako naglalakad papasok. Humarap na ako at saka naglakad na papunta sa direksyon kung saan nakatayo si ate at hindi na muling lumingon sa likod. Mukhang hindi nakita ni Ate Alvira ang batang kausap ko kanina dahil hindi niya iyon sa akin binanggit o tinanong man. [ALVIRA] "Is she the new recruit who arrived yesterday?" bungad na tanong ni Harold sa akin nang makapasok na kami ni Altheya sa loob ng building. Isa siya sa mga guard rito sa isla ng Phanorage, kababata ko at kasama ko sa mga misyon. Nilingon ko si Altheya na nakatayo lamang sa tabi ko, tahimik at nililibot ang tingin sa paligid. "She is and her name is Altheya. She was recruited personally by the boss." sagot ko at malawak na ngumiti. "That's some unrefined gem you have, specially the number that is written on her codename." ani niya at saka pinagmasdan si Altheya. An unrefined gem. Someone who will grow strong as time passed by. Boss Millian really has good eyes, to think that she found someone like Altheya and recruited her personally. Boss was also the one who suggested to write number 10 at the end of her codename. "Hi, Altheya!" masiglang bati niya kay Altheya pero mabilis na nagtago sa likod ko si Altheya dahil sa malakas na pagbati ni Harold. Napahalakhak ako ang makita ang pangyayaring iyon. Harold love kids but the kids doesn't. "Seriously, Harold. You're scaring her with that bulky body of yours," wika ko at saka hinawakan ang balikat ni Altheya. "Let's talk later. Ihahatid ko na muna si Altheya sa next class niya, sa class ni Fran," sambit ko at saka naglakad na patungo sa tapat ng elevator kasama si Altheya. Nakita ko ang pag-bow niya kay Harold mula sa gilid ko na siyang ikinatuwa ko. Makaraan ng dalawang minutong pamamalagi sa elevator ay nakarating na rin kaming dalawa sa second floor kung saan gaganapin ang next class ni Altheya, which is stabbing and shooting. Pagkabukas ng pinto ng elevator ay bumungad sa amin ang isa pang pinto. Naglakad na ako palabas ng elevator pati na rin si Altheya. Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa amin ang malawak na silid. Mayroong 20 tables sa kaliwang side ng silid kung saan mga batang babae ang mga nakaupo roon at 20 tables din sa kanan na mga batang lalaki naman ang nakaupo roon. Nauna na akong naglakad papasok habang nakasunod naman sa akin si Altheya, mahipit ang hawak sa kamay ko, halatang kinakabahan dahil sa mga matang nakasubaybay sa kaniya. Nang makarating na kami sa bakanteng upuan sa unahan, sa pang-anim na upuan ay pinaupo ko na siya. "You'll be okay here, Altheya. I-relax mo ang iyong sarili at isipin mo lang ang pinapagawa sa 'yo," bilin ko sa kaniya habang hawak ang kaniyang balikat. "Maraming salamat po, Ate Alvira," aniya at saka umupo na ng maayos. Lumingon ako kay Fran na nakatingin sa amin, sinenyasan ko siya na puwede na silang magsimula. To be continued... *A0610 — A stands for Alpha, 06 for her room number and 10 is the highest rank for skills.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD