Chapter 17

1695 Words
"Anong gusto mo Andy." andito na sila sa isang sikat na bulaluhan sa Tagaytay. "Busog pa ako kakakain lang namin eh." mahinang sagot ni Andy, nakatingin lang siya kay Russ na ang laki pa rin ng mga ngiti ngayon nang hindi na niya ito matiis ay inirapan niya ito narinig niyang humagikgik ito ng tawa. "Umorder ka na lang ng dessert, sabayan mo na kami hindi pa kami lahat kumakain ng tanghalian." pilit ni Bon sa kanya. "Oo nga Andy gutom na kami, nainggit si Congressman ng malaman na andito ka sa Tagaytay kaya nagyaya agad dito." ani Jorge. "Kapeng barako na lang Andy masarap daw ang kape dito." singit ni Russ. "Ikaw na bahala." sagot nito. Ang daming inorder ni Bon pero talagang hindi na kumain si Andy madami rin kasi siya nakain kanina ng kasama niya si Tyler. "Ang sarap Andy kain ka na." inabutan ng plato ni Lucas si Andy. "Sorry talagang punong puno pa tiyan ko hindi na kaya." sagot nito, tinignan naman siya ni Bon na seryosong kumakain. Pagkatapos nila kumain ay nagyaya si Bon na maglibot libot lang. "Parang gusto ko bumili ng condo dito." ani Bon habang nasa labas sila ng isang Mall dito sa Tagaytay katabi kasi nito mga condo pinara kasi sila ng mga ahente ng condo kanina. "Oo nga boss ang ganda dito ang lamig, sarap may kayakap diba?" biro ni Jorge. Napangiti lang si Bon sa sinabi nito. Tahimik lang si Andy na nagmamasid sa paligid habang kausap ni Congressman ang mga ahente ng Condo. "Bakit ka parang badtrip?" tanong ni Russ. "Hindi ah." mabilis na sagot ni Andy. "Sorry naudlot ang date mo, tinanong kasi ni Congressman saan ka nagpunta eh. Alam mo naman ako mabilis mapa-amin." "Ewan ko sayo minsan na nga lang ako mag-gala naudlot pa, pwede naman kayo kayo na lang bakit kasi sinama pa ako." "Hindi ko nga rin alam eh, nang malaman na kasama mo si Tisoy ang bilis namin tignan mo naman oh wala ng bihis bihis nagyaya na kaagad umalis." pansin niya nga mga nakapangbahay sila lahat. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti nakakairita na." "Wala lang, natutuwa lang ako." "Anong nakakatawa?" inis na sabi ni Andy. "Babae ka na, nakikipagdate ka na yieeehhh." pang-aasar pa ni Russ. "Hindi date yun ah, sinama niya lang ako sa ride nila ng mga tropa niya." "Ganon na din yun group date tawag don." "Dami mong alam, basta hindi date ang tawag don tapos." "Andy." tinawag siya ni Bon, agad siyang lumapit dito sa tent ng mga agent ng condo. "Ano po yun?" "What do you think alin ang maganda dito?" napakunot ang noo ni Andy sa tanong nito at tinignan niya ang dalawang ahente na nakatingin din sa kanya. "Wala po akong alam diyan." diretsang sagot nito. "I mean kung ikaw ang papipiliin alin dito ang gusto mo?" "Hindi ko po alam hindi naman ako bibili ng condo if ever." napangiti ng lihim ang dalawang ahente. Hindi kasi makakuha ng magandang sagot si Congressman. "I mean kunyari libre bibilhan kita alin ang maganda dito sa dalawa.?" "Hindi ko naman po tatanggapin if ever kaya sorry wala ako masasagot. Sila Jorge, Russ or Lucas na lang po tanungin niyo, excuse me po maghahanap lang po ako ng cr." umalis na si Andy, napakamot na lang sa noo niya si Bon at sinundan na lang ng tingin ang naglalakad na palayo na si Andy. "Naku Congressman pareho naman to maganda ang pinagkaiba lang nito itong isa likod lang nitong mall so accessible, etong isa mga 15 minutes ride pa to. Yun nga lang mas tahimik tong isa since malayo sa mga establishment." ang ahente na ang nagsalita. "Let me think about it na lang muna i'll get your contact number and will put this in my notes." "Sige po Congressman thank you po pa-picture po muna bago kayo umalis." "Team let's go nagreply na yung friend ko pupuntahan natin siya." sinabi ni Congressman kay Jorge ang address at sinearch nito sa gps at umalis na sila. Andito sila sa farm ng kaibigan ni Congressman, taniman ito ng mga kape. "Congressman, mabuti naman at nadalaw mo ako dito." bati ng kaibigan ni Congressman pagbaba niya ng kotse. "Oo nga eh andito naman kami sa area kaya naisipan ko na dalawin ka na." Agad na naglabas ng alak ito at niyaya ito sa loob ng bahay nito. Naiwan sila Andy sa veranda, nilabasan sila ng pagkain ng katulong nito binigyan din sila ng alak pero tinanggihan nila dahil babyahe pa sila pauwi ng Maynila. Madilim na ng lumabas si Congressman tinignan ni Andy ang oras sa relos niya, alas nuwebe na. "Congressman sayo suporta ko ako bahala sa mga parapernalyas sa kompanya mo huh." narining nilang sabi ng kaibigan ni Congressman parang lasing na ito. "Salamat pare, kami ay uuwi na gabi na." mukhang lasing na rin si Congressman namumungay na mga mata nito. Isa isa na silang sumakay sa kotse, si Lucas naman ngayon ang nagmamaneho katabi si Jorge, si Russ at Andy ay pinapagitnaan si Congressman. Tahimik lang ang lahat habang nasa byahe. Nakalabas na sila ng Tagaytay proper ay binabagtas na ang makipot na daan papuntang expressway, madilim ang daan kaya nakafocus si Andy sa paligid at hindi inaalis ang tingin sa mga sasakayan sa paligid. Nang may biglang humarang na motor sa harap ng sasakyan at pinagbabaril ang windshield nila, hindi lang tatlong beses na putok kundi sunod sunod na putok ang ginawa ng mga ito dahil matagal butasin ang windshield sa tibay nito. Agad naman nakaiwas sila Lucas at Jorge, agad na nilipat ni Andy si Congressman sa likod at kinuha ang m16 rifle niya sa ilalim ng upuan. "Lucas iandar mo daplisan mo ng bumper ." nagpapaputok na si Jorge nakalabas ang katawan nito sa may bintana ganon din si Russ. Binuksan ni Andy ang bintana sa bubong ng kotse at doon siya nagpapaputok ang bilis ng takbo ng nakamotor, dalawa ang sakay nito. "Hurry up Lucas." sigaw ni Andy. "Andy bakit andyan ka baka tamaan ka." sigaw ni Bon sa kanya. Tinapak na ni Andy ang mga paa niya s likod ng upuan ni Lucas at Jorge kaya nakabukaka na siya ngayon para mas lalo niya mailabas ang katawan niya sa bintana ng bubong. "Russ take over the megaphone put on the wang wang now!" Nagsalita si Russ sa megaphone para marinig ng mga tao sa paligid na may emergency at tumabi sila sa gilid. Ang likot umandar ng motor na nasa unahan nila buti na lang tumatabi na ang mga kotse sa unahan nila dahil sa pakiusap ni Russ pati na rin ng wang wang na sobrang lakas. "Andy bumaba ka diyan sabi." utos ni Congressman pero hindi siya nito naririnig. "Lucas gear four now!" bumabawi pa ng putok ang backrider ng nasa motor. Medyo nahihirapan si Andy dahil madilim sa paligid, nang saktong lumiwanag ay agad niyang inasinta ang gulong ng motor. "Booooommm" sigaw ni Jorge ng dumausdos ang dalawang sakay ng motor, mabilis pa sa alas kwatro na lumabas si Andy kasama ni Russ at Jorge. "Lucas please keep Congressman safe, call for backup." bilin ni Andy bago ito tumakbo palabas. "Wag niyo ng tangkain tumakbo!" sigaw ni Russ sa megaphone. Hindi makatayo ang driver ng motor nadaganan ito ng motor at ang lalim ng sugat nito sa binti pati ang paa nito ay nabalian. Tumayo ang backride nito na iika ika at nagkubli din sa puno patuloy sa pagpapaputok ito kina Andy agad naman sila nakakubli sa mga puno. "Kung mahal niyo pa buhay niyo itaas niyo ang mga kamay niyo kung ayaw niyo mabutasan yang helmet niyo kasama ng mga bungo niyo." anunsyo ni Russ ulit sa megaphone. Pero matibay ang backride nagpapaputok pa rin ito at natamaan nito ang puno kung saan nakakubli si Jorge buti hindi ito ang tinamaan. "Ahhhhhhhhhh." Narinig nilang sigaw ng suspek, natamaan pala ito sa kamay at nalaglag ang hawak na baril. Napatingin si Jorge kung nasaan si Andy mas malayo ito kumpara sa kanila ni Russ pero nakuha nitong matamaan ito sa kamay. "Salamat Andy." Ani Jorge ng makitang tumatakbo na si Andy. Tumakbo na palapit si Andy kay Russ at kinuha ang megaphone. "Ihagis niyo ang mga baril niyo! Hindi na lang daplis ang susunod na tatama sa inyo." Madami na rin mga taong ususero sa malayo ang nakikita nila Andy. "Pakiusap po sa mga tao sa paligid magsipasok po kayo sa mga bahay niyo." "Tol hindi ko na kaya tumakbo suko na ako." Anang driver ng motor sabay hagis ng baril nito. Lumabas naman ang isa pang nakakubli sa puno na sugatan ang kamay nito. Itinaas nito ang dalawang kamay. Agad na kinakapkapan ito ni Andy at idinapa at nilagay ang dalawang kamay nito sa likod nito. Si Russ naman ang umasikaso sa driver. Nagtawag na din ito ng ambulansiya dahil malala ang tama nito sa binti at paa. "Andy." Sigaw ni Congressman habang tumatakbo papalapit sa kanila. "Ayos ka lang ba?" Tumango lang si Andy dito. "Wala ka bang sugat? Tama ng bala?" Umiling lang si Andy. "Nawala ang tama ko, tumawag na kami ng mga pulis." At sakto naman na dating nga ng mobile ng mga pulis Cavite. "Congressman do you need backup going home?" Tanong ng hepe ng mga pulis sumama ito ng malaman na si Congressman ang nasa engkwentro. "Okay lang po kaya na nitong mga bodyguard ko. Salamat po." Babalik na lang sila bukas sa presinto dahil dinala muna sa hospital ang dalawang suspect para gamutin. Paguwi nila sa condo ay kanya kanyang pasok na sa mga unit nila. Dirediretso lang si Andy papasok sa kwarto niya pero pinigilan siya ni Bon at hinawakan niya ito sa siko nito. "Andy." Mahinang tawag ni Bon, nilingon siya ni Andy at tinignan ang kamay ni Bon na nasa siko niya. "Ano yun? Gusto ko na maghilamos may mga dugo ako." "Gusto lang mag thank you, for always saving me." "That's my duty Congressman, to always make sure that you're safe." Hindi napigilan ni Bon ang sarili at nayakap si Andy. Sobrang takot niya kanina but knowing Andy is around he feel so safe. She's like his living bulletproof.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD