Chapter 18

2917 Words
Nagulat si Bon at napaatras lalo ng itulak siya ni Andy at medyo malakas ito, niyakap niya kasi si Andy medyo matagal din yun dahil kahit si Andy ay nabigla sa ginawa ni Bon. Tinitigan ng diretso at seryoso ni Andy si Bon, hindi naman makapagsalita or makapagreact si Bon sa mga tingin ni Andy parang umurong ang dila niya. Hindi niya mabasa ang gusto ipabatid nito sa tingin sa kanya kung galit ba or hindi. "Bakit mo ako niyakap?" seryosong tanong ni Andy. Napakagat sa labi niya si Bon, biglang kumabog ang dibdib niya. Kahit siya he dunno how to explain why he did it. He can't compose any words to tell her. "Ahhm." wala talagang lumalabas na salita sa bibig niya. "Hindi po kasama sa kontrata ko at job description ko na maging touchy ka po sa akin, kaya please po ayoko na po ulit maulit to. Kung masaya ka po dahil nailigtas ka namin, salamat lang sapat na. Makita ko lang na buhay ka, humihinga at walang galos masaya na rin ako. Trabaho ko po ito, kaya dapat lang ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para iligtas ka." seryoso pa rin na sambit ni Andy, nakatingin pa rin ito kay Bon. He's starting to feel awkward, hindi niya kayang makipagtitigan ng matagal kay Andy lumalakas kasi ang kabog ng dibdib niya lalo. "Sorry i got carried away. Naghalo halo lang ang emosyon ko but it's not my intention to harm you and for you to feel that way masaya lang ako." He finally able to compose his self. "Pasensya na po, hindi po ako sanay sa ganyan pero apology accepted, if you can excuse me papasok na po ako sa kwarto ko." naiwan si Bon na sinusundan lang ng tingin si Andy na naglalakad papalayo at tuluyan nang naglaho pagpasok ng pintuan ng kwarto nito. Nilamutak ni Bon ang sariling mukha at napailing ng madaming beses, dinala siya ng mga paa niya sa bar counter niya at kumuha ng wine glass at nagsalin ng alak dito. Hindi niya maintindihan ang sarili, bakit parang apektado siya sa mga binitawan na salita ni Andy. Dahil sa simpleng yakap na yun, litong lito siya ngayon sa sarili niya. Inabot na siya ng ala una ng madaling araw pero gising pa rin ang diwa halos maubos na niya ang isang litro ng bote ng alak ng iniinom. Kinabukasan narinig niyang tumutunog na ang alarm clock niya, mabigat ang katawan na umupo siya sa kama niya lumipas ang limang minuto at napagpasyahan niya pumunta sa banyo at naghilamos after that ay lumabas na siya ng kwarto pagdating niya sa kusina ay nakita niya si Andy na nagkakape at nakabihis na ito ng uniporme niya. "Magandang umaga Congressman." kaswal na bati sa kanya ni Andy. "Good morning din." mahinang sagot niya. "Manang anong niluto mo?" baling nito sa matanda. "May adobong manok at baboy ako na niluto maghahain na ako." akmang tatayo na si Andy ng pigilan niya. "Sabayan mo ako kumain Andy." "Kumain na po ako ng tinapay kanina busog pa ako, pupunta lang po ako ng parking ichecheck ko lang ang bagong sasakyan natin hihintayin ko na lang kayo sa basement.." tuluyan ng umalis si Andy. Napabuga na lang ng hininga si Bon. Naglagay na ng pagkain si Manang sa hapag-kainan, mukhang masarap ang niluto nito pero biglang nawalan siya ng gana naka-apat na subo lang siya at tumayo na. "Ayaw mo na kaagad?" tanong ni Manang. "Okay na po ako may parang hangover ako kaya wala pa akong gana kumain." "Ay ganon ba sige ibabalot ko na lang to at ibibigay ko kina Jorge." "Sige po kayo na bahala, maliligo na po ako." Paglabas ni Bon ay andito na sila Jorge, Russ at Lucas at hinihintay siya. "Congressman nakuha ko na po ang sasakyan na gagamitin natin nasa basement na." balita ni Jorge. "Sabi nga ni Andy kanina, let's go." naglakad na silang lahat papuntang elevator pababa ng basement. Pagdating nila sa basement nakita nila kaagad si Andy na busy sa pagchecheck ng kotse nang makita sila nito ay agad niyang binuksan ang pintuan sa likod para makapasok na si Congressman. Papunta sila ngayon sa Cavite para makapasa na ng salaysay nila at makapagfile ng kaso sa dalawang suspek na naka-engkwentro nila kagabi. Si Russ ang nagmamaneho ngayon at sa gilid nito ay si Andy. Si Jorge at Lucas ang kasama ni Congressman sa likod. Habang nasa byahe sila ay tumunog ang cellphone ni Andy. "Ako nga po." sagot ni Andy. After noon ay hindi na ulit nagsalita si Andy pero halata ang galit sa mga mata nito ng tinignan ni Russ habang may kausap sa telepono nito. Mabigat ang pakiramdam na pinasok ni Andy ang cellphone niya sa bag niya. "Ano yun Andy?" "Patay na ang mga suspects, saan ba ang lakad mo ngayon Congressman? Sa senado or sa opisina mo lang?" nilingon ni Andy si Bon para tanungin. "Sa opisina lang bakit?" "Russ change plan pakihatid si Congressman sa opisina niya." agad naman knag-uturn si Russ. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Bon dito. "Hindi ka na kailangan don Congressman." "Jorge hanapan mo ako ng sasakyan na pwede kong gamitin." "Okay sa opisina na lang ni Boss ko ipapadala." "Bakit mo kailangan ng sasakyan?" tanong ni Bon. "Pupunta po ako sa Cavite." "Bakit hindi na lang kami kasama?" "Kaya ko na po to Congressman magtrabaho na lang po kayo." Pagdating sa opisina ni Bon ay nagpaalam si Andy na aalis muna. "Ikaw lang ang aalis?" tanong ni Bon. "Opo mas kailangan niyo po sila dito. Babalik din po ako kaagad." "Mag-iingat ka Andy." pahabol ni Bon ng tumalikod na ito. "Opo salamat." nilingon siya saglit ni Andy at nagpatuloy na umalis. Mabilis na binagtas ni Andy ang Cavite kailangan niya mag-imbestiga, dumating siya sa morgue kung nasaan ang mga bangkay ng dalawang suspek. "Hello po ako po si Andy, isa sa mga bodyguard na kasama ni Congressman kagabi. Ano pong nangyari pagkatapos dalhin ang dalawa sa hospital?" tanong niya sa isa sa mga imbestigador na andito. "Nadala naman daw sa hospital pero kaninang umaga dadalhin na sana sa presinto ang dalawa para sa pagdating ni Congressman pero biglang tinambangan ang sasakayan ng mga pulis na sumundo dito agad na tinira ang dalawa na to." "Kamusta ang mga pulis na kasama ng dalawa?" "Okay naman sila." "May mga witness ba?" "Wala eh. Wala daw dumadaan that time, nakamotor daw ang bumaril." "May mga cctv ba sa daan na pwede natin tignan?" "Tinatanong pa namin pero mukhang malabo kasi liblib na lugar yun puro mga puno at medyo malalayo ang mga bahay." "Pwede mo ba ako samahan sa eksatong lugar kung saan tumigil ang mobile ng mga pulis na kasama." Pumayag naman ang imbestigador na samahan siya, tinignan niya ang paligid at pinag-aaralan ito. May parang mali siyang nakikita, hinatid niya na ang imbestigador at kailangan niyang pumunta ng hospital kung saan naconfine ang dalawa. "HI magandang araw po, itatanong ko lang po kung sino po ang pwedeng makausap tungkol sa dalawang dinala dito kagabi ng mga pulis. Isa ako sa mga bodyguard ni Congressman." tanong ni Andy sa isa sa mga nurse sa emergency room. "Ano po yun?" "Andito ka ba kanina ng kinuha sila ng mga pulis?" "Opo." "May clearance na ba sa doctor na pwede na sila lumabas?" "Yung isa lang po pero yung isang medyo maselan pa po ang kalagayan niya isesemento po sana ang binti non pero pinilit ng pulis na kailangan sila sa presinto hindi po pumayag si Doc pero pinilit po ibabalik na lang daw po after." napahawak sa baba niya si Andy. "Okay maraming salamat sa pagsagot." paglabas ng emergency room ay dumeretso siya sa kotse at padabog na umupo. May mali sa nangyari. Bumalik siya sa kalsada kung saan naganap ang pagpatay. Paulit ulit niyang binabalikan ang mga bahay na nasa daanan. "Magandang tanghali po." bumaba si Andy sa isang bahay na nasa 300 meters away sa pinangyarihan ng krimen, isang matandang babae ang lumabas sa gate. "Magandang tanghali din po, ano po yun?" pinakita ni Andy ang ID niya. "Ako po si Andy isa sa mga bodyguard ni Congressman nabalitaan niyo naman po siguro ang nangyari dito kagabi?" "Opo narinig namin sa kapitbahay." "Napansin ko po na may cctv kayo hihingi lang sana ako ng tulong may ichecheck lang po ako." "Yun lang po wala po ang amo ko, gabi pa nauwi." "Mga anong oras po kaya?" "Kadalasan mga alas syete." "Sige ho babalik po ako mamaya." Sumakay na ulit ako ng kotse at tinahak naman ang kabilang dako ng daan para maghanap ng bahay na may cctv. "Tao po." Nakailang tawag din ako bago may lumabas, isang babae na nasa late 20's siguro ang lumabas. "Hello po ako po si Andy, bodyguard po ako ni Congressman Manlapas hihingi lang po sana ako ng tulong." "Tuloy ka." "Salamat, napansin ko kasi na may cctv ka itatanong ko sana if nagana ba yan? Kailangan ko lang po ng tulong tungkol kasi to sa nangyaring baliran kagabi dito, aware po ba kayo don?." Tinuro ko ang cctv na nakikita ko sa may bandang baba ng bubong. "Opo nabalitaan po namin yun, nagana po itong cctv namin." "Kailangan ko kasi ng tulong mo, napatay ang dalawang suspect at may gusto lang ako imbestigahan hihingi sana ako ng kopya ng cctv footage." "Sige po walang problema." nakahinga ako ng maluwag ng pumayag siya, sinabi ko kung anong oras ang kailangan ko. Pinaupo niya muna ako sa sala nila at pumasok siya sa kwarto niya kung saan andon ang computer niya na nakaconnect ang cctv. Saktong pagkuha ko ng cellphone ko ay nagring ito si Russ ang tumatawag. "Balita Andy?" bungad nito. "Something fishy, ako na mag-iimbestiga dito. Pag hinanap ako ni Congressman baka gabihin na ako, may hihintayin pa kasi ako." "Sige ako na bahala kay boss, balitaan mo ako ah." "Okay." saglit lang ang tawag. Pagkatapos ng tawag ay iniisip ko ang mga susunod kung hakbang, kailangan kong makuha ang pangalan ng tatlong pulis na kasama ng mga suspect ang nang matanong ko na rin sila. Lumipas ang bente minutos at lumabas na rin siya sa kwarto niya. "Akin na ang email address mo ifoforward ko na tong nakuha kong footage." "Sige salamat talaga ah." ibinigay ko na ang email address ko at nang mareceive ko ito ay tinignan ko muna para makasiguro na nagana at gumagana nga. "Mauna na ako ah salamat dito malaking tulong to para sa amin." "Walang anuman po." Nagpaalam na ako at sumakay na ng kotse, nilagay ko sa waze ang lugar ng police station para makapunta na ako don. Pagdating ko sa presinto ay hindi muna ako bumaba, binuksan ko muna ang video na nakuha ko at hinanap ang oras kung saan dadadaan ang mobile ng pulis. Binalik ko ang oras kung saan ilang minuto muna bago dumating ang mobile ng mga pulis at tinignan kung may daraan na motor at kulay nito. Pagbaba ko ng kotse hinanap ko ang mobile car na gamit nila na nakita ko sa video, andito lang din ito sa tabi ng presinto. Ininspeksyon ko ito, ang wala ako makita kahit isang butas ng bala ng baril. Ibig sabihin nakabukas ang pintuan nito ng barilin ang mga suspect, pero bakit hindi man lang sugatan ang mga pulis or wala man lang silang natumba don sa riding in tandem na bumaril sa kasama nilang mga suspect. Natawa na lang ako sa pagkadismaya, tama ang hinala ko. Naglakad na ako papasok ng presinto. Pagpasok ko wala man lang tao sa helpdesk, napailing ako hindi dapat iniiwanan itong post na to dapat kung aalis ang isa dapat may papalit mahigit sampung minuto na ng dumating sila. "Hello mam magandang umaga po." bati sa akin ng bagong dating na pulis dalawa pa sila. Tinignan ko sila ng matalim. "Kanina pa ako andito bakit walang naka-assign dito?" pinagpapalit palit ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Pasensya na po ano pong mapaglilingkod namin sa inyo mam." "Hindi pasensya ang sagot sa tanong ko, nasaan ang hepe niyo?" nagkatinginan ang dalawa. "Ah eh mam wala pa po." "Paano kung may emergency at walang tao dito? Paano kayo reresponde? Baka patay na ang irerescue niyo pagdating niyo, bawat minuto mahalaga sa serbisyo na to. Hindi kayo nilagay dito para magrelax relax." "Paumanhin po talaga mam." Paulit ulit na sabi nila. "Ako si Andy." Pinakita ko sa kanila ang ID ko. "Isa ako sa bodyguard ni Congressman Manlapas." "Kayo po ba yung nakabaril don sa isang suspek?" Tanong ng isang pulis. "Hindi na mahalaga yun, ang dahilan ko bakit ako andito gusto ko malaman nasan ang mga pulis na kasama ng mga suspek bago ito mamatay." "Umalis din po sila kagaad pang gabi po kasi sila." "Kailangan ko ng mga pangalan nila." Nilista ng isang pulis ang pangalan ng mga ito. "Anong description ng mga tumambang sa kanila?" Sunod na tanong ko, kinuha ng isang pulis ang police report nila. Nang matapos ko ang mga kailangan ko ay bumalik ako sa lugar ng pinangyarihan at nagtanong tanong sa mga residente baka sakaling may makuha pa akong impormasyon. Andito ako sa may bilihan ng mga prutas ngaun nakatambay kausap ko ang mga tindera dito. "Wait lang po ah." Nagriring kasi ang cellphone ko. "Yes Congressman" bati ko pagkasagot ko sa telepono ko. "Alas dos na hindi ka pa ba babalik?" "Hindi pa po gabi na po ako makakauwi." "Bakit ang tagal baka kasama mo lang si Tyler ah." Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi po ako nag-gagala, hindi ko gawain mag extra curricular activities pag nasa trabaho ako." "Bakit kasi ang tagal mo diyan?" "Nagiimbestiga ako Congressman, nagtratrabaho ako wag ka mag-alala." "Kumain ka na ba?" "Kanina pa, sige na ho may kausap po ako kung wala na po kayo sasabihin ibababa ko na tong telepono." "Teka lang." "Ano pa po?" "Wala naman mag-iingat ka palagi." "Okay po .Salamat po." Bumili siya ng prutas para mas lalong ma-enganyo ang mga andito na magkwento. Nakapagpalipas oras din siya don ng halos tatlong oras at nagpaalam na rin, makakatulong din sa imbestigasyon ko to. Bumalik ako sa hospital kung saan dinala ang bangkay ng dalawa. "Hello i'm Andy." Pinakita ko ang ID ko sa helpdesk ng ospital. "Kailangan ko lang ng impormasyon what time tumawag ang mga pulis ng ambulasya?" Agad na tinignan nitong ang record. Nang makuha ko ang oras ay chineck ko ang notes ko kung what time dineklara ng mga pulis ang estimate time na tinambangan sila. Ikinumpara ko ito sa call log ng hospital. Napasinghap na lang ako sa nalaman ko, lalong lumalaki ang chance ng mga hinala ko. Mas nauna ang call log ng tawag sa ambulansya kesa sa oras na sinabi ng mga pulis. Umalis din ako kaagad at inikutan ko ang isa pang bahay na sana ay makuhaan ko ng cctv footage may sasakyan ng nakapark sa garahe magbabakasakali ako na andon na ang may-ari. Nagdoorbell na ako at lumabas ulit ang babaeng kausap ko kanina. "Naku mabuti ay nakabalik ka kagad maaga umuwi si sir sinabi ko na nagpunta ka at inaayos na niya, pasok ka." "Ay salamat po ah." sinundan ko siya at pinaupo niya ako sa sala. "Hello po." Tumayo ako ng makita ko siyang lumabas. "Nakuha ko na ang footage ginawa ko ng 5am to 10am yan para sigurado." "Maraming salamat po, malaking tulong tong binigay niyo." Nilagay niya sa laptop ang usb na at chineck ko muna to para sigurado. "Ayos na po to, salamat ah. Mauuna na po ako." Pagpasok ko ng kotse, tinignan ko ang oras lagpas alas singko na. Tinawagan ko muna si Russ, pauwi na daw sila. Sa condo ko na lang din ipark tong kotse bukas na lang dadalhin sa office ni Congressman. Pasado alas siyete na ng makarating ako ng condo. Dumaan muna ako sa unit nila Russ. "Jorge pahiram ako ng laptop." "Ano balita?" Ani Russ. "Mukhang buwaya ang tumira sa mga suspek." Kailangan ko pa magimbestiga pa pero malakas ang kutob ko sila sila lang din ang tumira sa mga suspek. "Patay tayo diyan. Umpisa na to ng mahaba habang imbestigasyon." "Tama, sige aalis na ako." Pinindot ko na ang pin ng lock ng pinto ng unit ni Congressman, pagpasok ko ay nasa sala siya at nanonood. Agad siyang tumayo ng makita niya ako at nginitian ako. "Akala ko gagabihin ka ng sobra pa, gutom na ako eh." Anito. Napakunot naman ang noo ko, ano kinalaman ko sa gutom niya. "Baba mo muna mga dala mo, kumain muna tayo hinintay talaga kita para may kasabay ako." Kinuha niya ang lapton na dala ko at nilapag sa center table. "Paano kung gabing gabi na ako makauwi, wag niyo na po ako hintayin sa susunod malilipasan kayo ng gutom niyan." "Okay lang hindi na kasi ako sanay ngayon walang kumain. Let's go." Sumunod na lang ako sa kanya, inayos niya ang upuan na uupuan ko at iginiya ako dito. "Ako na po." Pigil ko kay Congressman dahil siya na naglalagay ng pagkain sa plato ko. "Kumain ka madami at dahan dahan lang ah baka kasi hindi ka natutunawan pag ang bilis mo kumain." Nakangiti pa rin na sabi niya sa akin. Medyo ang nakaka-ilang kaya yumuko na lang ako nakatingin kasi si Congressman sa akin at hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya kahit ngumunguya siya hindi nawawala ang mga ngiti niya sa labi. Iniisip ko tuloy kung may dumi ba ako sa mukha kaya siya laging nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD