Chapter 16

1565 Words
"Good morning." bati ni Andy kina Lucas, Russ at Jorge. "Good morning din." pupungas pungas pa ang mga mata ni Russ na bati dito. "Anong oras na?" inaantok na pa tanong ni Jorge. "5am tara na sa gym." yaya ni Andy sa mga to. "Antok pa ako." sagot naman ni Lucas. "Diba restday mo ngayon?" tanong ni Russ at tumayo na rin, nagpunta ito ng kusina at nagpakulo ng tubig. "Oo." maikling sagot niya. "Saan ka mamaya?" tanong ulit ni Russ. "Hmm hindi ko lang sure pumunta kasi dito si Tisoy kagabi ikaw kasi eh binigay bigay mo pa number ko." biglang nagising ang diwa ni Russ sa narinig. "Totoo? Paano niya nalaman dito sinabi mo?" "Bakit ko naman sasabihin hindi ako katulad mo mabilis bumigay sa mga information, sinabi daw ni sir Thor nagulat nga ako eh. Pero pinauwi ko din kaagad." "Bakit naman?" "Sabi kasi ni Congressman may lakad pa daw tayo tapos hindi naman natuloy." "Wala naman nabanggit si boss na may lakad pa tayo kagabi ah." "Ewan ko don biglang nagkalakad tapos pagbalik ko after ko kitain si tisoy hindi na daw tuloy." natawa na lang si Russ, pinagtimpla niya muna si Andy ng kape. "Good morning Andy." hyper na bati ni Molly pagpasok nila ng gym. "Good morning din." "Nagkape ka na?" tanong nito. "Tapos na thank you, sige ah pasok na kami." kumpleto sila ngayon dito sa gym, hindi na niya ginising si Congressman wala naman kasi sinabi to kagabi if sasama siya sa gym. "Sabi na andito lang kayong apat, hindi niyo na naman ako sinama." napalingon sila lahat sa pagdating ni Congressman. 20 minutes pa lang sila nageexercise. "Sinundo lang po kami ni Andy." sagot ni Lucas. Lumapit si Bon kay Andy na kasalukuyang nasa threadmill. "Bakit hindi mo ako ginising?" tanong nito kay Andy. "Ah hindi ko po kasi alam if gusto niyo sumama wala ka naman po sinabi kagabi." sagot nito habang patuloy sa pagtakbo sa threadmill. "Basta weekends isama mo ako palagi basta wala tayong lakad matic na yun ah, buti nagising ako." "Copy po." sagot ni Andy at nilagay niya ulit ang earphone sa tenga niya. Pumwesto na si Bon sa katabing threadmil ni Andy, mabagal lang ang pinili niyang speed samantalang si Andy sobrang bilis ng speed ngayon sa threadmill nito, panakanaka niya itong tinitignan seryoso lang ito sa ginagawa habang nakikinig ng music. Inabot din sila ng dalawang oras, nakaupo si Andy ngayon habang nagpupunas ng pawis. "Andy oh." inabutan ni Bon ito ng tubig. "Thank you po." Nagyaya si Bon na mag-breakfast. Pagkatapos kumain ay diretso na sila sa kanya kanyang unit, wala pa naman daw lakad si Congressman. Dumeretso si Andy sa laundry area at maglalaba muna. Magsasalang pa lang siya ng labahan ng magring ang cellphone niya. "Goodmorning Andy." si Tyler. "Good morning din." "Andito ako sa lobby, invite sana kita for a ride kasama ng mga tropa we're going to Tagaytay." "Talaga hmm wait lang ah kasi kagagaling ko lang ng gym, mag-aayos lang ako give me 10 to 15 minutes okay." Tinabi niya muna ang mga labahan, tutal restday naman niya kaya sasama na lang siya kay Tyler hindi pa siya nakakapunta ng Tagaytay, pagkatapos maligo ay nagbihis na siya maong pants, rubber shoes saka black Vneck na plain tshirt lang nagbaon na din siya ng jacket at baseball cap. Paglabas niya ay nakita niyang nasa sofa si Congressman at nanonood. "Alis po muna ako restday ko po ngayon babalik din po ako ng hapon." paalam ni Andy, dirediretso na siyang lumabas at hindi na hinintay ang sagot ni Congressman. Paglabas niya nakita niya si Russ na palabas din ng unit nito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Russ naglalakad na sila papuntang elevator. "Ah andiyan si Tisoy nagyayaya papuntang Tagaytay." "Wow buti ka pa huh pagala gala na lang. Ingat ka ah." Pagdating nilang lobby ay agad silang nakita ni Tyler. "Hello pre musta." bati nito kay Russ. "Ayos lang pre, ingatan mo to si Andy ah." bilin ni Russ. "Sure i will." nagpaalam na si Russ, "Let's go nasa basement yung motor ko." nagpunta na sila sa elevator. "Do you wanna drive it?" tanong ni Tyler pagdating nila sa basement. "Hmm hindi ko alam pasikot sikot." "Will go to our meeting place muna then convoy lang naman tayo papuntang Tagaytay so hindi ka mahihirapan." "Okay sure pero heads up lang ah. Don't touch me okay hawak ka na lang kahit saan wag lang sakin." napangiti si Tyler sa sinabi ni Andy. "Sure i understand and respect you." "Okay good." binigay na ni Tyler ang susi kay Andy at tinuruan ito saglit since medyo iba ito compare sa normal na motorsiklo, pagbukas palang nito ang sarap na pakinggan ng tunog. Sa Magallanes sila nagkita kita before sila pumasok ng expressway. "Hi guys." bungad ni Tyler sa mga tropa nito pagdating nila. May mga kasama ding mga girls ang tropa ni Tyler pero wala si Thor sa mga ito. "Si Andy nga pala if you don't remember her siya yung bodyguard ni Bon." "Yeah we remember her, nice meeting you again." Since kumpleto na sila ay nagsimula na sila mag-alisan. "Do you still want to drive or ako na?" tanong ni Tyler. "Sige ikaw na pagbalik na lang ako para alam ko na ang daan." Ang bilis ng takbo ni Tyler para at paiba iba pa itong ng lane. hindi mapigilan ng katawan ni Andy na mapalapit dito kahit anong hawak niya sa gilid nasa more than 100 kilometers per hour ata tinatakbo nila. Sinaglit lang nila ang Tagaytay sa sobrang bilis magpatakbo ng mga tropa din ni Tyler, andito sila ngayon sa isang sikat na simbahan sakto ang dating nila kakaumpisa lang ng misa. Isa isa na sila pumasok at naghanap ng pwedeng maupuan. Nagkahiwa-hiwalay na sila since madami sila at madami na ring tao sa loob. Tahimik lang si Andy at Tyler na nakikinig sa misa, nang Our Father na ay itinaas ni Andy na ang dalawang kamay niya nagulat siya ng hawakan ni Tyler ang kaliwang kamay niya tinignan niya ito pero nginitian lang siya ni Tyler. Hinayaan niya na lang normal naman yun during Our Father. Pagkatapos ng misa ay dumeretso sila sa souvenir shops, binilhan siya ni Tyler ng rosary bracelet, hindi na natanggihan ni Andy ito dahil bigla na lang isinuot ni Tyler ito sa kamay niya. "Always wear it huh, para lagi kang safe delikado pa naman ang work mo." "Ah yeah salamat ah." "Oh diba ako rin meron." pinakita nito ang kamay na meron din ng katulad sa kanya, After nila sa church ay kung saan saan pa sila nagstopover na iba't ibang tourist spot dito sa Tagaytay, madami rin siyang kinuhang picture isesend niya sa Kuya niya. Pagdating ng lunch time ay dumeretso sila sa isang garden restaurant. "What do you want Andy for your drinks?" tanong ni Tyler. Nasa isang mahaba silang mesa mga nasa 14 kasi sila lahat. Isa itong buffet at samgyupsal na restaurant na napapaligiran ng iba't ibang halaman at puno sa paligid mga tanim nila ang mga gulay na ginagamit sa samgyupsal kaya fresh na fresh. "Tubig lang ako." nagsimula na maglagay si Tyler ng mga meat sa barbeque pan at nilalagyan ng pagkain ang plato ni Andy. Inabot din sila ng halos dalawang oras sa restaurant, sa haba ng kwentuhan ng mga tropa ni Tyler masaya siyang nakikinig ang kwela din kasi nila pati ang mga girlfriend ng mga ito kinakausap din siya. "Pupunta muna tayo sa Condo ng friend ko pahinga muna then gala ulit maya maya." ani Tyler pagdating nila sa parking lot. "Okay." Pagbaba pa lang ng motor ni Andy ay naririnig niyang nagriring ang cellphone niya. "Nasaan ka?" bungad ni Bon. "Andito po sa Tagaytay." "Alam ko saan banda?" "Nasa condo." "Huh? Wag ka sasama sa loob ng condo! Saang condo yan?" "Tyler anong name ng condong to?" tanong niya. Sinabi din kaagad ni Andy kung anong name ng condo kay Bon. "Andiyan na kami in five minutes." "Huh andito kayo?" gulat na tanong ni Andy at napatingin kay Tyler. "Oo lumabas ka diyan sa condo na yan." "Hindi pa naman kami pumapasok." "Malapit na kami!" huling sinabi ni Bon at binabaan na siya ng telepono. "Tyler sorry ah mukhang may lakad ata si Congressman susunduin nila ako dito." "Akala ko ba restday mo? May iba pa naman siyang bodyguard bakit kasama ka pa?" malungkot na sabi ni Tyler. "Hindi ko rin alam eh sensya na ah." "Andy!" rinig niyang sigaw ni Bon nasa loob ito ng sasakyan nakabukas lang ang bintana, bumaba si Russ at pinagbuksan ito ng pinto. "Sorry tol kakaunin ko na to si Andy may lakad kasi kami." ani Bon paglapit nito sa dalawa. "Sayang naman. Okay lang tol may next time pa naman." "Let's go Andy." yaya ni Bon. Hindi na nagsalita si Andy she just wave goodbye kay Tyler. Unang sumakay si Bon at sinundan ni Andy. Si Jorge ang nagmamaneho ngayon. "Congressman saan tayo ngayon?" tanong ni Jorge. "Hanap ka ng restaurant na makakainan natin." sagot ni Bon, napatingin si Andy dito. "Akala ko may lakad tayo?" "Oo kakain dito sa Tagaytay, ayon lakad natin." napatingin si Russ na nasa passenger seat sa unahan kay Andy at ang laki ng mga ngiti nito. "Kakain lang pala, bakit sinama pa ako." mahinang ungot ni Andy and looked away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD