Chapter 15

1561 Words
"Nakakahiya naman kay Peso na ako na ang magtuturo sayo." sagot ni Andy kay Congressman. "Okay lang yun para kay Mayor na lang siya magfocus. Let's go." napabuntong hininga na lang si Andy nagpaalam siya muna kina Russ at Mark. Sinabi ni Congressman kay Peso na sa indoor training room sila ni Andy para makagpagfocus siya sa pag-aaral. "Talagang tayo lang dalawa andito? Hindi natin kasama sila Mayor?" "Oo so i can focus, we only have until noon may iba kasi gagamit dito after lunch." Bon explained. "Okay let's start, ano na ba natutunan mo kay Peso?" "Kung paano mag-assemble ng pistol." "Okay ang una mong malaman is how to handle the gun properly, pag pistol ang gamit kung kanan ang main mo dito ang kanang kamay mo sa may bandang gatilyo then ang left hand mo dito sa baba ng baril. Dapat straight ang mga braso mo pag hawak mo na ang baril kapantay dapat ng balikat." Andy is demonstrating it while giving the instruction to Bon. Kinuha naman ni Andy ang rifle na nasa mesa. "Pag rifle naman ang gamit mo like this, ilalagay mo sa balikat mo ang dulo ng rifle to support when firing may impact kasi ang bawat putok nito para hindi ka ma-out of balance same ang kanang kamay mo banda sa gatilyo the difference with this is since mahaba ito ang kaliwang kamay mo ay isusuporta mo sa gitnang bahagi ng katawan ng rifle." Nasa gilid lang si Bon at titig na titig kay Andy, until now he can't believe na ang daming alam nito. Sa tuwing may nalalaman siya na kaalaman ni Andy lalo siyang napapabilib dito. Daig niya pa ang mga lalaki sa team niya, mas lalo na siya na walang kaalam alam sa mga ganitong bagay sa self defense. "Now it's your turn po, try mo nga gayahin yung mga ginawa ko." napakunot ang noo ni Andy dahil parang hindi siya naririnig ni Congressman. "Boss" tinapik ni Andy ito sa braso. Natawa na lang si Bon, he shook his head he can't believe na parang nawala siya sa sarili niya for few seconds. Parang tumigil saglit ang mundo while looking at her. "Sorry anong sabi mo?" "Don't tell me po na hindi mo ko pinapakinggan kanina?" "No no that's not true nakikinig ako only the last part lang ang hindi ko narinig." "Okay ang sabi ko it's your turn, gayahin niyo ang mga ginawa ko both for pistol and rifle." Kinuha na ni Bon ang pistol. "Hindi ganyan." sabi ni Andy mali kasi pagkakahawak ni Bon. "Paano ba?" napasinghap si Bon ng hawakan ni Andy ang mga kamay niya at iayos ito sa tamang pwesto pati ang mga braso niya ay hinawakan nito para ayusin sa pagkakatuwid. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ang mga ginagawa ni Andy sa kanya, bigla siyang sumeryeso ng mabaling ang tingin ni Andy sa kanya. "Mas komportable diba?" tanong ni Andy sa kanya. "Yes." May pinindot si Andy at nagulat siya ng may target paper na sa tapat nila mga nasa four feet away ito sa kanila may mga number ito kada bilog from five to nine. "Malinaw naman siguro ang mga mata mo?" tanong ni Andy sa kanya. "When i last check it yes." "Maguumpisa tayo to aim the number circle number 5, merong apat na number 5 diyan sa circle try to focus and aim for that." "Pasample muna." hirit ni Bon. "Okay." kinuha ni Andy ang pistol at naglagay ng earmuff sa dalawang tenga niya since nasa loob sila ay mas maingay ang tunog ng putok ng baril. Unang tinamaan ni Andy ang number 5 na nasa taas, then sa right side sinundan ng left side at huli ang nasa baba. Halos hindi na makita ang number 5 dahil sa tama ng bala. "Bakit parang ang dali pag ikaw ang gumagawa?" "Kaya mo yan focus lang." nagpapaputok na si Bon pero hindi ito tumama masyadong mataas ang aim niya. "When aiming for the top part dapat itatapat mo din ang aim ng nguso ng baril." inayos ni Andy ang kamay niya ulit, he bit his lips secretly naamoy kasi ni Bon ang buhok ni Andy mabango ito. "Try it again." utos ni Andy. "Nice try malapit na. Isa pa." medyo pinaliit niya ang isang mata niya para makakafocus lalo ang mga mata niya then fire again. "Ayon ambilis mo naman pala matuto Congressman. So try now the other sides." Inabot din sila ng almost two hours, tinuruan din siya ni Andy humawak ng rifle and same training din ang ginawa nila may paper target sa una ay four feet hanggang umabot na ito ng twenty feet pero hirap pa siya sa malayuan na target pero all in all maganda ang training niya madami siyang natutunan. "Last round." ani Andy siyang pasok naman ni Mayor kasama si Peso hindi nila namalayan ang dalawa naka-earmuff pa rin kasi sila. Si Andy muna ang titira ngayon sa paper target which is twenty feet away. Natamaan lahat ni Andy ang number 9 na nasa loob ng pinakamaliit na bilog ng paper target at nang turn na ni Congressman ay nakatama naman siya ng dalawa from his 8 rounds na bala. "Not bad Congressman ang bilis mo matuto kay Andy ah." ani Peso. "Ang galing ng nagtuturo sa akin eh, nakakahiyang hindi matuto kaagad." "Pahiram ako minsan kay Andy Bon." ani Mayor. "Naku Mayor sensya na hindi ako nagpapahiram ng bodyguard, chicks pwede pa." nagtawanan ang dalawa, samantalang si Andy ay seryoso lang na inaayos ang mga ginamit nilang baril. "Excuse me lang po." nagpaalam si Andy may tumatawag kasi sa cellphone niya. "Hello sino to?" bungad na sagot ni Andy pagsagot niya sa tumatawag. "Hi Andy this is Tyler." "Saan mo nakuha number ko?" nagtatakang tanong ni Andy. "Sorry pinilit ko si Russ, sabi ko no bad intention naman ako just want to get your number and know you more." naningkit ang mga mata niya sa narinig. "Ah okay." "Where are you now invite sana kita to go out or dinner." "Nasa work." maikling sagot niya naglalakad kasi siya ngayon at hinahanap si Russ. "Hmm so maybe later dinner time." "Hindi ko sure. Wait lang ah." Nakita na niya si Russ nakaupo na sila magkakasama sila ni Jorge at Lucas. "Aray." halos mapayuko si Russ sa lakas ng batok sa kanya, napalingon siya at nanlaki ang mga mata ng makita na si Andy pala. Tinakpan muna ni Andy ang cellphone. "Bakit mo binigay ang cel number ko don sa tisoy?" mahinang sambit nito pero halata ang inis. Napakamot na lang ng batok si Russ. "Eh ang kulit saka lasing na ako kaya napaamin ako ng number mo, niyaya kasi kami uminom noong hinatid mo na si Congressman." "Hays ikaw talaga kainis." naglakad na palayo si Andy at nilagay ulit ang telepeno sa tenga niya. "Hello." "Andy so okay lang ba dinner tayo mamaya?" "Hindi ko talaga sure wala naman kasing time ang out ko sa trabaho." "Sige let me know ah." "Andy." napalingon siya ng tinawag na siya ni Congressman. "Sige bye na huh tinatawag na ako ng boss ko." Nagyaya na si Congressman na umalis na tapos na rin ang time nila, pagdating nila Maynila ang hirap maghanap ng restaurant na makakainan puro punuan kaya napagdesisyunan ni Bon na dumaan sa kapatid niya baka doon may pagkain. Tumagal din ng ilang oras sila sa bahay ni Thor at nagyayaya na rin umuwi before magdilim. Pagdating nila sa condo unit ni Congressman ay agad na pumasok si Andy sa kwarto niya at naghot bath nagbihis na rin siya ng pantulog balak niya maaga matulog ng makabawi sa mga puyat days niya. Nakahiga na siya ng nagring ang cellphone niya. "Hi Andy andito ako sa lobby ng condo wait kita dito." "Huh? Paano mo nalaman dito?" "I asked Thor hindi ka kasi nagrereply nabanggit niya na galing kayo don kaya nagbakasakali ako na andito ka na." "Ah eh sige wait lang ah." nagbihis muna si Andy nakakahiya bumaba ng nakapajama. Paglabas niya ay nasa living room si Congressman at nanonood ng tv. "Bababa lang po ako saglit." paalam ni Andy. "Saan ka pupunta?" "May imeet lang po ako sa baba?" "Huh sino naman?" natigilan si Andy, hindi niya kasi expected na pupuntahan siya dito ni Tyler. "Si Tyler." mahinang sabi ni Andy. Nagsalubong ang kilay ni Bon sa narinig. "Sinabi mo kung saan ka nakatira?" halatang inis na sabi ni Bon. "Hindi yung kapatid mo nagsabi." "Bakit siya na andito?" "Niyaya niya ako magdinner." "Dapat sinabi mo tapos ka na kumain." "Okay po." "Teka, pauwiin mo na si Tyler may nakalimutan ako may dadaanan pa pala ako samahan mo ako." "Andiyan naman po sila Russ, Lucas or Jorge." "Ah eh basta kailangan ko kayong lahat." "Sige po saglit lang pupuntahan ko lang siya nakakahiya naman kung hindi ko bababain." "Okay go ahead bilisan mo." Bumaba na nga si Andy at sinabi kay Tyler na may lakad pa sila ng boss niya kaya babalik na lang daw ito bukas, agad na umakyat si Andy at hinanap si Congressman wala na ito sa living room. "Congressman halika na po." kinatok ni Andy si Bon sa kwarto nito, binuksan naman ni Bon at pintuan pero hindi ito lumabas nakapangbahay pa rin ito. "Hindi na pala tuloy lakad natin nagtext yung kausap ko. Matulog ka na. Goodnight Andy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD