Chapter 14

1349 Words
Sabado ngayon at nagyaya si Congressman sa Laguna kasama si Mayor para sa isang firing session nila wala muna nagrestday para lahat makasama sa training maaga pa lang ay umalis na sila para hindi mainit ang training time nila. Si Jorge ang nagmamameho ngayon katabi si Russ. Sa likod naman ay si Lucas at Andy na napapagitnaan si Congressman. Tahimik lang sila sa byahe tanging sounds lang sa music player ang maririnig. Samantalang si Andy ay hawak ang cellphone niya habang nakasandal sa may pintuan ng kotse na nakatagilid. "Sino kausap mo?" hindi napigilang magtanong ni Congressman, napakabihira niya kasi makita si Andy na humawak ng cellphone. "Wala po nag gagames lang ako." sinilip niya ito. Naglalaro si Andy ng plants vs zombies. Natawa si Bon, hindi niya inaakala na naglalaro ito ng ganitong games. Tinignan lang siya saglit ni Andy at binaling ulit ang paningin sa cellphone nito. "Si Jorge nagdownload nito para may pagka-abalahan naman daw ako, wala daw kasi silbe tong cellphone ko." ani Andy, "Ang dami ko dinownload pinagbubura naman niya." sagot ni Jorge. "Ang boring ng iba kasi ito nakaaaliw ang cute ng mga zombies." "Panood naman ako." ani Congressman. "Wala ka bang games diyan sa cellphone mo?" tanong ni Andy. "Wala. Lapit ka dito panood ako please." nag-aalangan man siya pero sumunod na lang siya at umayos ng upo. Tahimik lang na naglalaro si Andy, pati si Congressman ay nanonood lang. "Etong malaking patatas piliin mo, mabibilis kasi yung mga zombies." "Sige." "Pati itong cherry pambomba mo pag madaming nakakumpol na zombies" "Okay." Hindi na namalayan ng dalawa ang haba ng byahe nakailang stage na rin ang natapos ni Andy, tuwang tuwa naman na nanonood si Bon. "500 meters away from the destination." nagsalita na ang gps na malapit na sila, itinago na ni Andy ang cellphone niya at umayos ng upo ulit at tumingin tingin sa paligid. Nasa isa silang malawak na lupain, may mga katamtamang taas ng mga damo sa paligid at madami ring puno sa paligid walang makikitang bahay sa kalawakan ng nadadaanan nila. Tumambad sa kanila ang isang malaki at mataas na gate bumusina si Jorge at agad itong bumukas may lumapit na isang guard kay Jorge. "Nakaschedule kami ni Congressman at Mayor." sabi ni Jorge sa guard. "Opo nasabi na po ni boss pasok po." nauna ang sasakyan namin nasa likuran namin ang sasakyan ni Mayor. Isang outdoor firing place ang setup ng lugar, isa isa kaming bumaba pagtigil ng kotse sa parking lot. Pinagstay muna namin si Congressman sa loob at tinignan muna ang paligid ng firing place. "Exclusive po ito ngayon mam kayo po ang nakabook dito until noon." may biglang nagsalita sa likuran niya, nilingon ito ni Andy na kasalukuyang nagiikot siya sa may lounge kung nasan andon ang mga upuan at mesa na puno na ng mga iba't ibang klaseng baril. "Hello good morning." bati ni Andy. "I'm Peso ako po ang Range safety officer niyo po." "Hi i'm Andy isa sa mga bodyguard ni Congressman, just for safety purposes lang please allow me to check the area." "Sure go ahead, ipapahanda ko na muna ang agahan niyo at kape." tinanguan lang siya ni Andy at umalis na ito. Patuloy sa pagchecheck ang team ni Congressman at Mayor sa lugar nang masiguro na okay na ah pinalabas na ang dalawa at pinapunta sa lounge. Isa isa na rin nilalabas ang mga pagkain nagkape lang at sandwich si Andy. Pagkatapos nila kumain na mga bodyguard ay may lumapit sa kanila. "Hi i'm Mark ako po ang range safety officer niyo na mag-aasist sa inyo sa training for today." siyam sila ngayon bodyguard. Iba ang training ni Mayor at Congressman. Pumunta na sila field doon ay may isang mahabang mesa at andon din ang mga nakakalas na pistol gun. "I believe guys na lahat kayo ay may alam na sa paghawak ng baril, just to check your knowledge ang first task natin ay buohin niyo ang baril na nakatapat sa inyo." magkakatabi si Jorge, Lucas, Russ at andy ang katabi ni Andy na ay ang bodyguard na ni Mayor. "Will count 1-3 and paunahan tayo na makabuo ng pistol gun." kasama si Mark sa bubuo ng baril. "In one two three go." Mabilis ang kilos ni Andy tipong walang segundo na nasasayang, ganon din si Russ sumusunod ito sa pinakamabilis. Agad na pinindot ni Andy ang timer at itinaas ang dalawang kamay, hindi naiwasan mapatingin ng mga bodyguard ni Mayor kay Andy na tapos na kaagad samantalang sila ay nasa kalahati pa lang. Sumunod si Russ ang pumindot sa timer at sumunod na rin si Mark. Lumapit si Mark sa timer ni Andy. Hindi ito makapaniwala na kinaya nitong buohin ang pistol in 52 seconds at si Russ in 1 minute and 12 seconds. Hinihintay nilang matapos ang iba pa. "Good Job Andy, ang galing wala ako masabi." ani Mark kasi chineck niya ang ginawang baril ni Andy kumpleto talaga at sealed na sealed. "Our next tast is to shoot the wind flags." meron mga maliliit na flags na iba't ibang kulay na nakasabit sa gitna nasa eight feet ang layo nila dito at dahil mahangin ay magiging challenge ito dapat mapatamaan nila lahat ng ten flags. Nauna na ang team ni Mayor, most of them was able to target eight to nine flags. Next na si Jorge na nakawalong flags, then si Lucas na nakawalo din and si Russ na nakasiyam. Nakarinig sila ng palakpak sa likod andito pala sila Mayor and Congressman. "Nakailan flags ka Andy?" tanong ni Bon. "Hindi pa ako tapos, hinuli nila ako." "Goodluck then." ani Bon, pumwesto na si Andy. Napapatingin lahat ng tao sa paligid dahil hindi lang ang flag ang tinatamaan ni Andy kundi ang tali ng flag kaya lahat ito ay nalalalag sa lupa at nililipad. Siyam na flag na ang nalaglag sa pagkakasabit nito. "Seryoso ba to Andy? Mas manipis yung tinatamaan mo compare sa flags." ani Mark, hindi siya makapaniwala pa rin sa nakikita. Ang inutos niya lang is to aim for the flags but Andy did a superb shooting. Nagpalakpakan ang lahat ng ang pang sampu na flag ay hinangin na palayo. "Nakakatakot tong bodyguard mo Congressman." komento ng isa sa mga bodyguard ni Mayor, napangiti lang ng kimi si Andy at umupo na. "Sobrang wow i wanna try it." si Peso ang nagtuturo kina Congressman. "Sh!t hindi ko matamaan." natatawa na lang sa sarili niya na ungot ni Peso. "Ginalingan mo naman masyado." bulong ni Russ kay Andy. "Nakakamiss magpaputok Russ pagbigyan mo na ako." mahinang sagot ni Andy. Imbes na bumalik sila Congressman at Mayor sa training nila they decided to just watch sobrang naaliw si Mayor kay Andy. Tapos na sila sa pistol, next ay iaasemble naman nila ang M16 rifle. "Naku hindi ko to alam." ani Jorge. "Ako din eh." sinundan naman ni Lucas. Puro mga pistol gun lang ang alam nila. "Sino sino ang hindi pa alam i-assemble tong rifle?" tanong ni Mark. Tumaas lahat ng kamay pwera kay Russ at Andy. "Saan ba galing yang dalawa mong bodyguard?" tanong ni Mayor kay Bon. "Security agency mayor pero madami silang training kaya nakaka-angat sila sa dalawa kong bodyguard." Lumapit si Andy kay Jorge at Lucas pinakita niya paano kalasin ang M16. "Mas kaunti ang parts nitong M16 compare sa pistol meron lang itong 8 parts." inexplain ni Andy sa dalawa kung paano ito bubuohin. "Shemas the best ka talaga Andy. Salamat" sa sobrang tuwa ni Jorge napayakap siya ng saglit kay Andy. "Wala ng yakapan Jorge thank you is enough." natatawang sabi ni Andy. "Buti hindi ka tumalsik hahaha." biro ni Russ. "Andy." napalingon siya ng tinawag siya ni Bon. "Yes po Congressman." "Halika." lumapit naman si Andy dito. "Ikaw na lang ang magturo sa akin." "Meron na po nagtuturo sa inyo si Peso." sagot ni Andy. Tumayo si Bon at nilapit ang mukha sa tenga ni Andy. "Mukhang mas magaling ka pa sa kanila." Napalayo naman si Andy at pinapagpag niya ang tenga niya, parang tumayo ang balbon niya sa batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD