Chapter 13

1682 Words
Halos puno na ang venue sa mga bisita, halo halo ang mga andito mga pulitiko meron ding mga artista na kasama ng mga pulitiko at mga iba't ibang sikat na tao na may balak din pumasok sa pulitika. Nasa may bandang entrance pa rin si Andy at nakafocus lang sa paligid hindi nakakalingat ang mga mata niya lalo na kay Congressman kung saan saan kasi ito lumalapit. Hiwahiwalay ng tokang lugar ngayon sila nila Jorge, Russ at Lucas. Si Jorge ay malapit palagi kay Congressman, si Russ sa labas ng entrance at si Lucas ay nasa parking naman full force din sila kasama ng ibang mga pulis at security ng mga pulitiko at celebrity pati na rin ng mga businessman na andito. "Kumain ka na ba?" diretso pa rin ang tingin ni Andy kahit may nagsasalita sa gilid niya, kasalukuyang sumasayaw si Congressman kasama ni Cham. "Wag ka masyadong seryoso sa trabaho mo kumain ka din, kanina ka pa andito ah." pagpapatuloy nito, hindi na nito tumiis kasi hindi siya kinikibo ni Andy pumunta ito sa harapan ni Andy. Tiningnan lang siya ni Andy ng seryoso at after that ay umalis na. "Bakit hindi ka ba namamansin?" pangungulit nito. "Ayoko gumawa ng eksena dito kaya kung pwede umalis ka na sa paningin ko." mahinang sambit ni Andy. "Tinatanong ka lang kung kumain ka na eh, concern lang ako saka kanina ka pa nakatayo hindi ka ba napapagod?" hindi na naman siya kinibo ni Andy. "Dadalhan kita ng pagkain if you want." patuloy pa rin ito sa pangungulit. "Hindi ka ba titigil? Gusto mo ba irequest ko na palabasin ka na dito? Full alert kami dito at inaabala mo ako, hindi ko kailangan ng concern mo kakain ako kung nagugutom ako at uupo ako kung napapagod na ako kaya ko sarili ko hindi ko kailangan ng suhestiyon or concern mo." "Taray! Lalo ako nachachallenge sayo talaga." "Is there a problem here?" biglang dating ni Thor ang kapatid ni Bon. "Hey Thor, long time no see nakauwi ka na pala." "Excuse me sir." paalam ni Andy at lumayo lumipat ito ng pwesto. "Yeah kakauwi ko lang din few weeks ago." "I guess you already met your brother's new bodyguard. Type ko kasi pero mailap eh." natawa si Thor sa sinabi ni Lander. "I think hindi gumagana ang charm mo ngayon." "Kaya nga tol first time, kaya hindi pwedeng hindi siya mahulog sa kgwapuhan ko sampal sa akin yun." "Goodluck then." Natapos ang celebration after midnight, nagyaya pa ang kapatid ni Congressman na ipagpatuloy ang inuman sa bahay nito madami silang convoy ngayon mga motorista na kasama ng kapatid nito. Pagdating nila sa bahay ni Thor ay pumuwesto ang mga ito sa may pool area, silang apat na boydguard ay nasa parking lot lang. Nakaupo na ang tatlo medyo mga inaantok na pero siya ay namangha sa dalawang motor ni Thor. Ang ganda! Pangarap niyang makapagdrive ng ganito mga big bike. Nilibot niya din ang iba pang nakapark ng mga big bike ng mga kaibigan ni Thor lahat maganda. "Andy iidlip muna ako ah hindi ko na kaya ang antok ko." si Russ nakasandal na ito sa pader at papikit na ang mga mata. "Sige umidlip muna kayo diyan ako na bahala dito." Pinagpatuloy ni Andy ang pagcheck sa mga motor. "Hi." napatayo siya kagad ng marinig na may nagsalita yung mestiso na kaibigan ni Thor, chinicheck niya kasi ang ilalim ng big bike pati mga gulong. "Hello, sorry motor mo ba to? I'm just checking it ang ganda kasi. Pangarap ko magkaroon ng ganito." isang honda fireblade kasi to ang ganda pa ng pagkakapula na kulay nito. "Yeah it's mine, do you wanna try?" "No no it's okay. Nakakahiya saka hindi ako pwede umalis." "Why not? You can test it for few minutes lang para ma-experience mo." he insisted. "Hindi na, makakita lang ako sa malapitan okay na ako." "Here's the key ako bahala sa boss mo." hindi inabot ni Andy ang susi. "Okay lang talaga, thank you by the way." "Andy." si Congressman papalapit sa amin. "Hey bro, we're just chit chatting." anito kay Bon. "Okay just checking them out. Hindi ka pa ba pagod Andy?" "Hindi naman po, pinatuloy ko muna sila mga antok na daw sila." "Pwede ka na rin magpahinga meron mga guest room dito." "Okay lang po hintayin ko na lang kayo." "I'll go ahead bro, nice meeting you girl. Join our ride one of these days." "Ah okay po wala naman po ako motor dito nasa probinsya." "You can ride with me." "Ah okay lang po busy ako." papalit palit ang tingin ni Bon sa dalawang naguusap. "Oh-okay see yah." nagpaalam na din ito kay Bon at bumalik na sa mga nag-iinuman. "Galing mo talaga sumagot noh? You know how to push away boys." ani Congressman. "Ano po?" naguguluhan na tanong ni Andy. "Wala lang, do you wanna join us pwede ka naman uminom safe na tayo dito sa village kahit hindi niyo na ako bantayan ng todo." "No thanks po Congressman, hindi po ako nainom pag nakauniform ako. Dito na lang po ako." "Okay sige i'll go ahead." "Bro bakit hindi mo sinama mga bodyguard mo dito?" tanong ni Thor pagbalik ni Bon. "Tulog na yung mga boys, ayaw naman ni Andy." "Andy pala ang name niya i forgot to ask her awhile ago." singit ni Tyler yung kaninang kausap ni Andy. "Yea Andy nga." "She looks pretty cool, she likes motorcycle too pinapahiram ko nga motor ko so she can try but she refused." "Marunong nga siya magmotor." komento ni Bon. "Tuwing kelan ang day off niya Bon?" Tyler asked. "Why?" medyo hindi inexpect ni Bon na itatanong ito ni Tyler. "Yayayain ko siya for a ride." nagtawanan ang mga kaibigan nito. "Tyler's move." komento ni Thor. "Ahuh, i'm single bro there's no problem with it right? Okay lang naman yun siguro sayo Bon noh? Stay in ba sila with you?" "Cham okay ka lang ba diyan?" pagiiba ng usapan ni Bon hindi na niya sinagot si Tyler, napansin niya kasing tahimik si Cham pero nakatingin lang ito sa kapatid niya. "Ah oo naman medyo tumatama na kasi yung alak sa akin." Kinuha na din ng atensyon ng mga friends ni Thor ang makulit na si Joe ang baklang friend na kasama ni Cham. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa hindi ko na namamalayan na sobrang dami ko na palang naiinom. "Excuse me po makiki-cr lang po." ani Andy. Dadaan kasi siya sa pool area para makasapok sa cr. "Sige gusto mo ba samahan kita?" si Bon. "Hindi na po." Pagpasok niya pa lang ay muntik pa siyang mabangga ni Thor hindi kasi ito nakatingin. "Sorry." anito. Naglakad na lang siya at saktong nakita niya ang katulong ni Thor. "Ate makakahingi naman po ng tubig, saka saan po ba ang malapit na cr?" agad na binigyan siya nito ng tubig at itinuro ang daan papuntang cr. Saktong malapit na siya sa cr ay siya naman paglabas ni Cham, nginitian lang siya nito at pumasok na siya sa cr. Paglabas niya ay sinalubong siya ng katulong ni Thor. "Pinabibigay po ni Sir Bon para po daw sa inyo ng mga kasama niyo." may dala itong tray ng sandwich at kape. "Sige ako na bahala dito salamat ah may daan ba na iba para hindi na ako makita doon sa pool area?" "Opo dito po." sinamahan siya nito sa likod ng dirty kitchen may daan pala labas parking lot na. Naalimpungatan ang tatlo sa pagdating niya dahil sa umaalingasaw na kape, sabay sabay pa nag naguunat ang tatlo. "Andy okay ka lang ba?" tanong kagad ni Russ. "Oo naman ito oh kain muna tayo at magkape." kumain na sila habang nagkwekwentuhan ng mga nangyari kanina. "Andy tawag ka na sir Bon." tawag sa kanya ng katulong ng kapatid ni Bon. "Okay sige pupunta na ako don." "Congressman." nakapikit na ito ng tinawag niya, "Oh Andy, ihatid mo na ako sa kwarto ko dito na tayo magpalipas ng umaga." "Hi again Andy." bati sa kanya ni Tyler napalingon siya dito at nginitian niya lang ito. Hinihintay niyang tumayo si Congressman pero nakaupo pa rin ito. "Join ka sa amin paghatid mo kay Congressman ah." si Tyler ulit. Biglang napatayo si Bon sa narinig. "Let's go Andy inaantok na ako." medyo pasuray suray na naglalakad si Bon tinamaan na siya ng alak naghalo na ang pagod, antok at alak sa pakiramdam niya. "Kaya niyo ba Congressman? Pwede ko po tawagin si Jorge para alalayan kayo?" "Hindi mo ba ako kaya?" "Huh?" Tanging nasagot ni Andy. Nagulat siya ng bigla siyang akbayan ni Bon. Napatigil si Andy at naramdaman ito ni Bon. "Wag mo ako sisikuhin ah or sisipain. Need ko lang ng lakas hindi ako makalakad maayos eh. Hahaha inuunahan na kita." natatawang sabi nito. "Tatawagin ko na lang po si Jorge." mabagal na sambit ni Andy. "No please stay with me." tinanggal ni Andy ang braso na nakaakbay sa kanya. "Saan po ba ang kwarto niyo?" "Doon sa second floor pangatlong kwarto." "Okay andito na tayo sa hagdan dito ka humawak congressman aalalayan ko na lang kayo andito lang ako sa likod mo hindi niyo na po ako kailngan akbayan pa para lang makakuha ng lakas. Eto matigas tong haligi ng hagdanan." Natatawa si Bon, buti na lang nasa likod si Andy. Akala niya talaga makakatikim siya ng suntok at sipa eh. Pagdating nila sa pangatlong kwarto ay humarap ito kay Andy. "Wag ka na bumaba, bantayan mo na lang ako dito." Nakatingin lang sa kanya si Andy hindi man lang ito nagreact. "Mas safe ka pag andito ka, mga lasing na mga tao don sa baba." "Congressman lasing ka rin naman ah ano po bang pinagkaiba non?" natameme ito sa sinabi ni Congressman. "I mean is dito katabi ng kwarto ko ang guestroom, doon ka dito ako. At least malapit ka sa akin." pambawing sabi ni Bon. "Okay po, boss hindi na ako bababa dito na lang ako sa guestroom." "Wag ka na bababa okay? Good night." "Copy and noted boss. Good morning."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD