Chapter 12

2606 Words
Lumipas ang ilang buwan na okay naman ang trabaho nila Andy at Russ dito sa Maynila. "Andy samahan mo ako." ani Congressman andito sila ngayon sa Mall of Asia. Pumasok sila sa isang kilalang boutique dito ng mga gowns. Naiwan ang mga lalaking bodyguard sa labas ng boutique. "Tulungan mo ako mamimili ng isusuot ni Cham, birthday ko na next week nasabi naman na ni Jorge na full alert tayo since medyo malaki ang venue na paggaganapan." nagising na kasi si Cham sa pagkaka-coma nito at hindi niya rin ito nadadalaw nitong mga nakaraan dahil sobrang busy niya laging gabi na sila nakakauwi pag weekends naman busy rin sa ibang extra curricular activities niya. "Opo nasabi na ni Jorge, sensya na po wala akong alam sa mga gowns." "Hindi ka ba nagsusuot ng ganito?" tanong ni Bon, umiling lang si Andy. "As in never pa?" hindi makapaniwala na sabi ni Bon. "Dalawang beses noong JS Prom noong high school." kaswal na sagot ni Andy. "Ganon ba eto yung sa tingin mo bagay kaya to kay Cham?" may hawak na dalang gown si Bon. "Mukhang kahit ano naman po babagay sa kanya maganda kasi siya at maputi." komento na lang ni Andy wala talaga siyang alam sa mga ganitong bagay e. "Pili ka na lang dito sa dalawa." "Eto po." pinili niya ang nasa kanang kamay ni Congressman, isang lavender heart shape long gown ang napili niya. "Hmm mukhang bagay nga to kay Cham sige ito na lang." inabot na niya ito sa sales lady at binayaran. Si Andy na ang kumuha sa counter may tumawag kasi kay Congressman. Sumunod na pinuntahan naman nila ay shoes store, si Andy pa rin ang pinapili ni Bon. After that ay sa men's clothing store naman pumunta si Bon para sa susuotin niya. "Team tara." niyaya na niya ang mga bodyguard niya papunta sa restaurant kung saan magkikita sila ng kapatid niya. Sinundo rin nila ito noong nakaraan kakauwi lang nito from Paris. Nauna sila dumating, kaunti lang ang tao sa restaurant medyo elegante kasi at medyo mamahalin ang napili ni Bon na kakainan nila. "Pumili na kayo ng kakainin niyo diyan." ani Congressman sa mga ito nasa kabilang table lang sila Andy. "Grabe ang mahal dito." bulong ni Russ ng makita ang menu. "Hindi ko maintindihan ang mga pagkain ano kaya masarap." ani Jorge, andito kasi sila sa isang Mediterranean restaurant. "Andy ikaw ano sayo?" tanong ni Lucas. "Eto basta may kanin grilled tuna." busy kasi ang mga mata ni Andy sa paligid tumayo siya kaagad ng makita niya ang kapatid ni Bon na papasok na sa restaurant. "Good afternoon sir this way po." ginabayan ni Andy si Thor. "Bro." tumayo si Congressman at niyakap saglit si Thor. "Bro, medyo naligaw ako ang dami na palang restaurant dito." ani Thor. "Kamusta ano mga ganap mo sa buhay nitong mga nakaraang araw?" "Nagiikot ikot lang, nakipagmeet ako sa mga dati kong mga ka bikers well mamaya aalis kami punta kami ng Zambales." "Sige enjoy mo lang muna yan after birthday ko may sorpresa ako sayo." "Talaga ako pa talaga makakareceive ng surprise ah." "Niluluto ko pa lang pero mukhang makukuha ko na, ikaw na bahala humawak don lam mo naman busy ako." "Okay sige order na ako hindi pa ako nag-aagahan eh." Lumipas ang mga araw at ngayong araw na ang birthday ni Bon. Sabado ngayon pero maaga pa rin nagising si Andy, andito sila ni Russ ngayon sa gym restday kasi ni Jorge pero babalik din yun ng hapon since full alert sila mamaya sa venue. "Hi Andy." napatigil siya sa pag threadmill ng marinig niya ang tumatawag sa kanya, si Molly. "Hi." she answered back. "May ibibigay sana ako sayo sana naman wag mo na tanggihan gusto ko lang magamit mo to tuwing nageexercise ka, please." may inabot ito na medium box na nakagift wrap pa. "Pasensya na talaga, hindi ko kasi hilig tumanggap ng mga regalo." "Please kahit ito lang, bagay sayo to promise hindi na to pagkain magagamit mo to promise. Sige na please, ako pumili ng mga ito." halatang ang pagmamakaawa ni Molly sa ekspresyon nito na tanggapin ni Andy ang regalo. "First and last na to Molly huh, tatanggapin ko to pero sana last na. Wag mo ako pag-aksayahan ng pera mo gamitin mo na lang sa ibang makabuluhan na bahay okay? Sa panahon ngayon dapat wais ka sa pera mo ipunin mo na lang, hindi naman laging sa regalo nadadaan ang mga bagay bagay." explanasyon ni Andy. Unti unting sumilay ang mga ngiti sa labi ni Molly ng makita niya na inabot na ni Andy ang box na regalo niya, lalong lumalago ang pagtingin niya dito tuwing inaayawan siya nito mas lalo siyang nahuhulog dito. Umupo muna si Andy at binuksan ang regalo ni Molly. "Ang dami ah." ani Russ. Ilang pares ito ng sports leggings at sando na iba't ibang kulay mga nasa anim na pares siguro ito. "Salamat dito Molly hayaan mo ito na ang susuotin ko araw araw. Punta muna ako ng banyo ah." nagpaalam muna siya sa dalawa. "Yiieeee sa wakas tinanggap na rin niya regalo ko." hindi napigilan na tumili ni Molly ng nakalayo na si Andy. "Mahirap talaga bigyan yan si Andy, infairness maganda ang mga binigay mo magagamit niya." "Kinikilig ako Russ, hindi naman ako ganito dati first time ko magkacrush sa babae ang tahimik niya kasi, ang sipag pag andito siya i can't take my eyes off of her. Wala naman siyang girlfriend or boyfriend diba?" "Yun ang hindi ko sure eh. Hindi ko sure if gusto niya girl or boy." natatawang sabi ni Russ. "Gustong gusto ko talaga siya, yung tipong safe ako palagi pag kasama ko siya. Paano kaya mangyayari yun?" biglang lumungkot naman si Molly napakailap kasi ni Andy. "Naku malabo pa ang lovelife sa work namin sobrang busy, ako nga wala pa mahanap." "Buti hindi ka nagkagusto kay Andy? Aminin mo maganda siya diba? Matigas nga lang mga kilos." Napakamot ng ulo si Russ sa tanong nito. "Nakupo, bugbog sarado ako don hahaha katrabaho lang talaga tingin ko sa kanya, kapatid ganon. Pero oo maganda si Andy lalo na siguro kong babae siya kumilos pero malabo mangyari yun mas malakas pa sakin un eh." "Halika na Russ." nagyaya na si Andy pagkabalik nito. "Kita kits bukas Andy." paalam ni Molly. "Sige salamat." Umakyat na sila Andy, dumeretso na si Russ sa unit nila at si Andy sa unit ni Congressman. Saktong pagpasok niya ay siya naman paglabas ni Congressman, nakamalaking tshirt lang ito at short nakita siya nito kaagad. "Ano yang hawak mo?" napansin nito ang hawak niyang box at lumapit ito sa kanya. "Bigay sa akin ni Molly yung receptionist sa gym." nilapag niya ito sa center table sa living room. "Wow maganda ah, kayo na ba?" nagulat naman si Andy sa tanong ni Bon. "Huh hindi po ah, ayoko naman talaga tanggapin to pero talagang mapilit siya hindi ko naman kasi hilig tumanggap ng mga regalo." "Ah akala ko kayo na, nagkape ka na ba?" "Opo pero timplahan ko na lang kayo wala pa kasi si Manang. Wait lang po ah." pumunta na sa kusina si Andy hindi na hinintay na sumagot si Bon nagsalang na ng kape ito sa coffee maker. "Magpapalit lang po ako nakasalang na yung kape. Saglit lang po ako." umupo muna si Bon at binuksan ang telebisyon. Ilang minuto lang ay lumabas na si Andy sa kwarto nitong, umaalingasaw na ang bango ng sabon nito bagong ligo ito nakapulupot ang tuwalya nito sa ulo nito. "Boss ito na po kape niyo." inilapag ni Andy ang kape nito sa center table, nakalimutan niyang kunin ang box sa mesa. "Sa laundry area lang po ako if you need anything po tawagin niyo lang po ako." Dala dala na ni Andy ang mga labahan niya at pati ang regalo sa kanya, malaki ang washer and dryer ni Congressman dito kaya madali lang maglaba. Sinisingit niya ito sa time niya lalo na pag weekends mahal din kasi magpalaba sa baba. "Sistereeteeee." bungad ng kuya niya ng sagutin nito ang voice call nito. "Hello kuya kamusta kayo ni Tatay?" "Eto mala-dyosa pa rin ang ate mo si Tatay wait lang andon sa mga alaga niya." pinadalhan niya kasi ng pera ang tatay niya at nagsuggest siya na bumili ng maalagaan niya para malibang naman ito at may extrang kita pa. Since malaki naman ang likuran ng bahay nila nagpagawa daw ito ng mga kulungan ng mga manok pang benta. "Patingin nga ako." lumabas si Apol ng bahay nila at pumunta sa likod. "Andresa anak ko, tingnan mo oh ang lalaki na ng mga manok malapit na ito mabenta." ang laki ng ngiti ni Andy ng makita ang mga manok na napili alagaan ng tatay niya. Malaki laki rin ang napagawang kulungan ng Tatay niya. "Ang dami na nila Tay, yaan mo po pagiipunan ko po yung lupa diyan na binebenta para mapagawan mo rin ng negosyo mo." "Talaga? Wow ang bait naman ng anak ko sige nagiipon din talaga ako sa pensyon ko nak pagsamahin na lang natin nakakatuwa mag-alaga nak nakakaubos ng oras hindi ako naboboring sa isang araw kahit wala kayo dito ng Kuya mo." "Opo Tay, mag-iingat kayo diyan palagi ah. Medyo madami pa ako labahin tignan niyo?" tinapat ni Andy ang camera sa mga umiikot na damit sa washer. "Wow chuchal ang laki ng washing machine na yan ah kasya ata ako diyan eh." komento ng Kuya Apol niya. "Oo nga eh. Mabilis lang maglaba sa tuyo agad damit ko." "Sige magiingat ka diyan palagi ah miss na miss na kita iloveyou." "Andy." biglang napatay ni Andy ang cellphone niya at nagulat ng biglang sumulpot ang boss niya. "Yes po." "Sensya na nakakaabala ata ako kausap mo ata boyfriend mo." "Ah bakit po?" "Wala pa kasi si Manang pwede ba samahan mo ako kumain sa baba?" "Pwedeng bilhan ko na lang kayo if gusto niyo po?" "Samahan mo na lang ako." "Sige po wait lang po." sinampay muna ni Andy ang tuwalya na nasa ulo niya at hindi na sinuklay ang buhok nito basta na lang niya ito iniikot at nilagyan ng malaking clip. "Halika na po." Sa Subway napili ni Bon kumain walking distance lang sa condo. "Ano gusto mo?" andito na sila sa counter ni Andy. "Hindi pa po ako gutom." "Kaya nga ako nagpasama sayo dahil kakain ka din." tinignan niya si Andy na nakatingala lang sa hanging menu. "Ah sige po ikaw na lang po bahala basta chicken lang po." Si Andy na sana magbubuhat ng tray ng pagkain nila but Bon insisted na siya na lang sinundan na lang niya si Congressman kung saan nito gusto umupo. "Congressman Happy Birthday pala, thank you dito." ani Andy pagkaabot ni Bon ng sandwich sa kanya, seryosong napatingin si Bon sa mukha ni Andy at napangiti. Hindi siya makapagsalita tinitignan niya lang ito habang binubuksan ang sandwich niya. "Bakit po? May dumi ba ako sa mukha po?" "Wala hindi lang ako sanay na nakikita ka na nakacivilian or nakapambahay since lagi tayong nakapormal sa trabaho, halos buong araw na nakauniform ka. Pinagmamasdan lang kita. Saka salamat sa pagbati pala, ikaw ang unang bumati sa akin hindi pa kasi ako nagbubukas ng cellphone ko since kagabi." "Medyo nakakailang po, kumain ka na po gutom ka na diba?" "May nakapansin na ba ng mga mata mo?" "Bakit may muta po ba?" "Hahaha hindi what i mean is hugis candy siya noh? I find it cute." "Ah okay sige po thank you." yumuko na lang si Andy at kumain ng tahimik, ang aga aga tong boss niya umiral na naman ang pagiging bolero. Tahimik na silang kumakain, medyo binabagalan ni Andy kumain ayaw kasi ni Congressman mabilis kumain pag kasabay siya. "Boyfriend mo pala yung kausap mo kanina?" nabilaukan ng slight si Andy ng bigla itong magsalita napainom tuloy siya. Napa-angat siya ng tingin, narinig siguro ni Congressman ang sabi ng Tatay niya kanina. "Hello Congressman sabi ko na ikaw yan eh kahit nakatalikod ka, papicture naman po." biglang may sumingit na mga dalagita, agad na tumayo si Andy parang tignan ng lihim ang mga dalagita para siguradong safe ang mga ito habang nakalapit kay Congressman. "Congressman ang gwapo niyo po talaga sa personal, girlfriend niyo po?" biglang nabaling ang tingin ng mga dalagita kay Andy. Ang daming iling na ginawa ni Andy. "Hindi bodyguard niya ako." pagpapakilala niya. "Papicuture din ate." "Sorry hindi pwede for security purposes, sensya na po." pagtanggi ni Andy, mahirap na mabilis pa naman ang social media kumalat ang mga pictures. "Ay sige po thank you Congressman happy birthday po." "Aba alam niyo birthday ko ah." "Opo kanina pa po nakapost sa f******k sa page niyo po follower niyo po kami." "Ah kaya pala sige salamat." ang sekretarya niya kasi ang admin ng mga social media accounts niya. Biglang dumami na ang lumapit kay Congressman ng marinig ang mga dalagita na andito siya, kaya niyaya na siya ni Andy pabalik sa condo unit nito. "Hello Manang." bati ni Andy dito pagpasok nila. "Congressman ano po gusto niyo lutuin ko." "Kumain na kami ng breakfast ni Andy pang lunch na lang gusto ko may sabaw kapartner ng grilled liempo." sagot ni Congressman. "Sige po." "Sa kwarto lang muna ako mamaya na lang ako lalabas pag tanghalian na." "Manang tulungan kita tapusin ko lang labahan ko." "Sige mag grocery muna ako salamat Andy." Pagdating ng 7pm ready na ang team ni Congressman sa venue sa Quezon city ito gaganapin. Pagdating sa venue ay umalis si Russ at Lucas para sunduin si Cham. Si Jorge at Andy ang natira sa venue madami na ang guest na andito at mahigpit ang seguridad sa entrance pa lang at parking lot. "Kayo na ang bahala dito Jorge mag-aasikaso lang ako ng mga guest." ani Congressman at pumasok na sa loob. Nasa entrance nakatoka si Andy si Jorge sa parking lot, kasama ni Andy ang iba pang security rin ng mga pulitiko na andito. Busy ang lahat ng biglang may bumulagta at dumadaing sa sakit sa lapag. "Aray naman." Si Lander. Ginulat niya kasi si Andy tinakpan nito ng mga palad niya ang mga mata ni Andy kaya agad na nakatikim ng pilipit ng mga braso nito at tinuhod pa ni Andy ito sa tiyan niya saka itinulak. Bumuga ng hangin si Andy bago nagsalita. "Ikaw na naman huh. Diba sinabi ko sayo wag na wag mo akong hahawakan." Agad na nilapitan ng mga bodyguard ni Lander ito at itinayo, nakakakuha sila ng atensyon din sa mga ibang tao sa loob ng tent pati na ni Congressman. "Anong nangyayari dito." si Congressman nakatingin ito sa kakatayo lang na si Lander. "Binibiro ko lang si Andy eh bigla na lang nananakit." explansyon nito. Ang sama ng timpla ng mukha ni Andy ng tignan ito ni Congressman. "Hindi ako nakikipagbiruan dito, ilang beses ko na sinabi sayo na wag na wag mo ako hahawakan kahit dulo pa yan ng daliri mo." mahinang sambit ni Andy pero bakas dito ang inis. "Lander kung ayaw mo masaktan hindi basta basta si Andy katulad ng ibang babae na kaya kaya mo lang, kaya tantanan mo na." mahinahon na sabi ni Congressman. "Nope, that won't make me stop i'm starting to like her being amazona may thrill nga eh." "Psshh." ungot ni Andy. "Babalik na po ako sa post ko." tinalikuran na sila ni Andy. "Please Lander wag mo na kulitin si Andy, you're causing commotion here it's my birthday kaya manahimik ka na lang okay?" "Okay okay sensya na. Hindi ko lang mapigilan siyang lapitan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD