Chapter 16

1024 Words
“COME IN.” Ani Perry sa kanya habang papasok sila sa photoshop na pag-aari nito. Tumalima siya. Sumunod siya ng pumasok ito sa loob ng photoshop. Doon siya nito dinala pagkagaling nila sa simbahan. Tila iyong malaking studio type room. Hindi iyon isang ordinaryong photoshop na nakikita niya sa paligid lang. Naigala kaagad niya ang paningin sa paligid at naimpress siya sa mga kagamitang naroon. Kahit hindi niya alam kung ano at para saan ang mga iyon ay alam niyang hindi biro ang mga kagamitan na naroon. Marami ring nagkalat at nakasabit sa dingding na iba’t-ibang litrato ng kung sino-sino. Ang iba ay mga artsita. Nakilala niya ang ibang EXECOMS na namukhaan niya sa isang portrait na may kalakihan sa isang bahagi ng shop. May tatlong lalaki sa loob na nadatnan niya at dalawang babae. Lahat ng mga iyon ay bumati sa binata pagkakita ng mga ito dito. Sa paningin niya ay hindi pipitsuging photoshop ang pag-aari ni Perry. Napansin niya ang isang pinto na may mga taong labas-masok doon. Nahinuha niyang iyon marahil ang kwarto kung saan kinukuhanan ang costumers ng mga ito. “Everybody! All your attention please.” Pukaw ni Perry sa lahat ng staff na naroon ng makapasok silang dalawa sa loob. Napatingin dito ang lahat ng staff maging ang mga nagpapakuha ng litrato sa kanina. “Florence is here, beside me. I’m please to inform all of your our new image model for the coming year.” Maluwang ang ngiting pagpapakilala nito sa mga staff sa kanya. Napatingin siya dito. Seryoso nga ito. Magkahalong excitement at kaba ang humalili sa nararamdaman niya pero mas malaki ang porsiyento ng excitement dahil sa dalawang dahilan – una ay magkakaroon na siya ng trabaho kahit part time lang iyon, ikalawa – ano kaya ang pakiramdam ng isang image model? “Wow! Talaga Sir Perry.” Di makapaniwalang wika ng isang babae na malapit sa kanya. Nasa mukha nito ang katuwaan. “U-huh. She will start asap so prepare guys for the pictorial. Tamang-tama para sa launching for the coming year.” Sagot ni Perry. Nagsitanguan ang buong staff nito. Niyaya na siya ni Perry sa private office nito. Bago sila tuluyang makapasok ay dinig pa niya ang usapan ng mga naiwan sa labas. “Ang ganda naman ng bagong model nila. Siguradong lalong makikilala ang Perry’s Caption kapag nagkataon.” Komento ng isang costumer doon. “Guys, excited ako sa bago nating model. Sa tingin ko ay masarap siyang ayusan.” Nakataas ang kilay subalit nakangiting wika ng isang staff na sa tingin niya ay bakla. “Sa tingin ko may something special silang dalawa ni Sir Perry.” Komento naman ng isang babae. “Bagay naman sila diba? Maganda si Florence. Florence ang pangalan niya diba? At gwapo si Sir.” Sagot naman ng isa. Lihim siyang napangiti. Mukhang makakasundo naman niya ang mga ito. “Have a seat.” Anang binata sa kanya. Naupo siya sa silyang nasa tapat ng mesa nito. “Malaki nga talaga iyong photoshop mo.” aniya habang iginagala ang paningin sa paligid. Maraming pictures doon na sa tingin niya ay ito mismo ang kumuha. “Lima ang branch nitong Perry’s Caption sa buong kamaynilaan. Ito ang main at una kong naitayo kaya dito ko napiling mag-office. Nung una, hindi ko naman intensiyong magtayo ng ganitong business. Pero ng makita kong iba ang impact sa mga tao, I decided to make another branch. Hanggang sa sumikat ng sumikat na ito sa industriya.” Pahayag ni Perry sa kanya. Nanlaki ang mga mata niyang tumingin dito. “Ito pala ang Perry’s Caption. I-ikaw pala ang may-ari nito.” di makapaniwalang gagad niya. Ang Perry’s Caption ang isa sa pinakasikat na photoshop sa buong Pilipinas o masasabing isa sa pinakasosyal na photoshop sa bansa. Madalas niyang nakikita ang pangalan ng shop nito sa mg magazine na kumukha sa iba’t-ibang litrato doon. Marami din ang kumukuhang sikat na paaralan sa shop nito lalo na kapag graduation. “Papaano mo napagsasabay ang trabaho dito at ang trabaho mo sa kumpanya niyo?” namamangha siya dahil sa galing ng binata. “Time management. Isa pa, hindi naman ako masyadong nakatutok dito. Kumbaga hobby ko lang ito. May mga tao akong maasahan sa pagpapalago ng business kong ito. Mas madalas akong nasa opisina.” “Parang ang hirap.” Komento niyang muling iginala ang paningin sa paligid. Natawa ang binata. “Sa simula. Pero kung hilig mo talaga ay hindi ka mahihirapan kung gugustuhin mo.” Muli siyang napatingin dito ng sumeryoso ang tinig nito. Natigilan siya ng mapagtantong matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Parang iba yata ang naging pakahulugan niya sa huling pangungusap na sinabi nito. “Ahm… i-iyong sinabi mo kanina sa labas, s-seryoso ka ba talaga doon?” iniba niya ang usapan. “Yes. I’m always sure with what I say.” Sumandal ito sandalan ng swivel chair. “P-paano kung abutin ng malas ang shop mo? Paano kung ---.” Napatingin siya sa kamay nitong humawak sa kamay niya. “Walang malas pagdating sa akin, Florence. Lalong hindi ka malas sa tingin ko. Kung ang mukhang iyan ang naging dahilan kung bakit naghirap ang kalooban mo sa mga nakaraang taon, ngayon ay sisiguraduhin kong ang mukhang iyan din ang magiging dahilan upang maging masaya ka na sa mga susunod na taon ng buhay mo.” Napigil niya ang paghinga. Nangilid ang kanyang luha. “Ops. I told you, I don’t wanna see you crying.” Pinahid ng binata ang nagbabantang luha sa mata niya. Napangiti siya. “Hindi ko lang mapigilan. Masaya ako kahit na hindi pa ako nakakapagsimula sa ibibigay mong trabaho. At umaasa ako na ito na nga ang maging daan sa pagbabago ng buhay ko.” “Believe me. This will be the start of your new life.” Sumunod na nilang pinag-usapan ang magiging kontrata niya at magiging set-up bilang image model ng Perry’s Caption. Nalula siya ng sabihin nito kung magkano ang talent fee niya kada buwan. And depende pa iyon sa kung papaano magfi-feedback ang pagiging image model niya. Tuwang-tuwa siya dahil may maganda na siyang maibabalita sa kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD