Chapter 17

658 Words
“MARAMING salamat nga pala sa lahat ng naitulong mo sa akin Perry. Hindi pa ako nakakapagpasamalat sa iyo.” Aniya sa binata ng nasa harap na sila ng pinto ng kanilang bahay. Nang maalala niya ang ina kanina ay bigla siyang nag-aalala para dito. Hindi din naman niya ito matiis kaya minabuti niyang hindi totohanin ang sinabi niya dito kanina. Nadala lamang naman siya ng sama ng loob. Kahit ang binata ay iyon din ang naging payo sa kanya. Mas mainam kung uuwi siya at ibabalita dito ang bago niyang trabaho. Tiyak na matutuwa ito sa tingin niya. “Don’t mention it. Masaya akong tulungan ka. At gaya ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang ang babaeng umokopa sa puso ko.” Tumiim ang titig nito sa kanya. Sandali siyang nagyuko ng ulo at muling nagtaas ng mukha. “Seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo para akin?” Tumango-tango ito. “Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng in love sa una. Pero nang ipadama mo iyon sa akin ay saka ko naipaliwanag sa sarili ko. Walang kasing seryoso ang nararamdaman ko ngayon sa iyo.” Napalunok siya. Gusto niyang magdiwang sa pagpapahayag nito ng damdamin sa kanya. Pero hindi siya easy to get kaya magpapakipot muna siya kahit na batid niyang inookupa na din ng binata ang isang bahagi ng puso niya. “Hindi kaya naaawa ka lang sa akin? O kaya naman masyado ka lang nagagandahan sa mukha ko kaya naaakit ka. Baka naman kapag may dumating na ibang babae ay hindi mo na ako pansinin.” Pumormal ito. Umangat ang kamay ni Perry upang haplusin ang mukha niya. “Aminado akong maraming dumadaan at magpapansin sa akin pero ikaw lang ang pinapansin ng paningin at ng puso ko.” Kinilig siya. “Totoo ba ‘yan?” “Totoong-totoo. Corny but cross my heart, hope to have your heart.” Napabungisngis siya. “Iniba mo naman ang linya eh.” “Para may originality diba?” kumindat ito sa knaya. Ang bungisngis niya ay naging tawa. “Sige na. Naniniwala na ako. Pero huwag mo sana akong mamadaliin. Gusto muna kitang makilala. Isa pa, gusto kong maligawan ng isang katulad ni Perry Samaniego. At hindi porke binigyan mo ako ng trabaho ay sasagutin na kita, ha.” Napahalakhak ang binata. “With all my pleasure, Florence. Susundin ko ang lahat ng sinabi mo.” Iningusan niya ito pero deep inside ay masayang-masaya siya. “Pasok na nga tayo. Ipapakilala kita kay inay.” Binuksan niya ang pinto. Nagtaka siya dahil tahimik ang loob ng bahay. Ugali ng nanay niya ang manood ng TV kapag ganoong oras. Maging ang ilaw sa sala ay nakapatay. “’Nay.” Tawag niya sa ina. Kinapa niya ang switch ng ilaw na malapit sa pinto. Nagliwanag ang maliit nilang sala. Gayon nalang ang panlalaki ng mata niya at pagkabigla ng makitang nakahandusay sa sahig ang kanyang ina. “Inay!” dali-dali niya itong dinaluhan. Naamoy niya ang alak sa katawan nito. “Anong nangyari?” nag-aalala din si Perry na halata pa rin ang pagkagulat sa mukha. Sumunod ito sa kanya. “Hindi ko alam. Inay.” Tinapik niya ang pisngi nito upang gisingin subalit ni hindi ito kumilos. “’Nay, gumising ka! Nandito na ako.” nagsimula siyang kabahan. Patuloy niyang niyugyog ang katawan nito. “Florence…” Napatingin siya sa pulsuhan ng inang hawak ni Perry. Iisa ang reyalisasyong nasa utak nila. Magpapakamatay ito! Pero wala itong sugat sa pulso sa halip ay hawak lang nito ang blade na marahil ay gagawin nito sa pagpapakamatay. “Inay!” nagsimula siyang umiyak. “Anong nangyari sa iyo?” nagsimula ding lumakas ang kanyang boses. “Kailangan na natin siyang dalhin sa ospital. Baka kung anong nangyari sa kanya.” anang binata. Tumango-tango siya. Nagmamadaling binuhat ni Perry si Aling Irma. Magkasunod silang lumabas ng bahay habang hindi nawawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD