Chapter 15

1232 Words
“SIGURADO ka bang gusto mong marinig ang kwento ng buhay ko?” Mataman siyang tiningnan ni Perry bago ito tumango. Nailang siya sa titig nito kaya iniiwas niya ang tingin dito. Kung hindi pa ito nagtatapat sa kanya kanina sa tunay nitong damdamin para sa kanya ay baka hindi pa siya makaramdam ng pagkailang dito. Lalong hindi niya inaasahan na ang isang kagaya nito ay magkakagusto sa isang simpleng babaeng katulad niya. Pagkatapos nilang mananghalian kanina ay dinala siya ng binata sa isang simbahan. Nagtaka pa siya ng dalhin siya doon ni Perry. Ang paliwanag nito ay para daw habang nagkukuwento siya ay may dalawang nilalang ang makakarinig sa kanya. Ito at ang nasa Itaas. Para daw lumuwag ang kanyang dibdib habang naglalabas ng sama ng loob. At para kahit gusto niyang umiyak ay walang makakakita sa kanya o mamumuna dahil halos walang tao sa loob ng simbahang iyon. Ngayon ay nakaupo sila sa ikatlong hanay ng upuan malapit sa altar. Napangiti pa siya dahil sa pagiging thoughtful nito. “Go ahead. Kahit abutin tayo ng magdamag dito sa pagkukwento mo ay makikinig ako.” umayos ito ng upo paharap sa kanya. Itinukod nito ang isang siko sa sandalan ng upuan at isinandal nito ang ulo sa nakatukod na kamay nito. Humarap siya sa altar. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Hay… hindi ko alam kung papaano ako magsisimula. Kung sisimulan ko ba ang pagkukwento ng mamatay si itay o bago pa iyon.” Aniya. Kumunot ang noo ni Perry. “I’m sorry about your father. Hindi ko alam.” Tumuwid ito ng upo. Mapakla siyang napangiti. “Alam mo kasi, hindi sa pagyayabang. Habulin ng mga lalake ang mukhang ito. Hindi sa pagtataas ng bangko pero halos lahat ng sira ulo at walang kwentang lalake na nakatira sa amin e gustong manligaw sa akin.” Panimula niya. “Ilang beses na muntikang napapaaway si tatay dahil sa akin. Maraming gustong manligaw sa akin sa lugar namin. Minsan nga pati tambay sa kanto nagpapapansin sa akin. Sinusungitan ko lang. Naranasan ko na din ang mabastos dahil sa pagsusungit ko. Kaya minsan napapaaway si tatay dahil sa pagtatanggol sa akin.” Huminga siya ng malalim bago muling ipinagpatuloy ang pagkukwento. “Hindi ko alam kung sadyang malas talaga ang pagkakapunta sa akin ng mukhang ito. Dahil sa pagtatanggol sa akin ni tatay ay nasaksak siya ng lalaking bumastos sa akin. Adik pala ang gagong ‘yun.!” Hindi niya napigilang magmura. “Naipahuli niyo ba ang sira ulong ‘yun?” tumiim ang bagang ni Perry. Umiling siya. “Hindi na. Nakatakas eh. Ewan. Parang may koneksiyon sa pulis. Pareho naming hindi natanggap ni nanay ang nangyari kay itay. Pero mas malala ang nangyari kay inay. Hindi ko akalaing sisihin niya ako sa pagkamatay ni itay.” Nagsimulang gumaralgal ang boses niya. Kinabig siya ni Perry. Pero pinigil niya ito. Nanatili siyang nakaupo ng tuwid habang hindi inaalis ang tingin sa harap ng altar. “Masyado siyang nasaktan sa pagkawala ni itay dahil mahal na mahal niya ito. Hindi niya matanggap na ako ang dahilan ng pagkawala ng kanyang asawa.” “Pero anak ka niya. Natural lang na ipagtanggol ka ng ama mo.” komento ng binata. Umiling siya. “Hindi ako tunay na anak ni inay. Anak ako ng itay sa unang nobya nito bago si inay. Mabait naman si nanay eh. Nagbago lang ng mamatay si itay. Siguro nga ay kulang ang pagmamahal kapag hindi mo kadugo.” “Florence…” “Pero mas pinili kong intindihin siya. Kahit na palagi niyang isinusumbat sa akin ang pagkamatay ni itay ay pinapalampas ko ang lahat. Kahit na palagi siyang nagagalit sa akin. Lahat iyon tiniis ko iyon. Tumigil ako sa pag-aaral at nagtrabaho para mabuhay kami. Nawalan na kasi siya ng trabaho dahil hindi na siya pumapasok.” “Pero hanggang sa trabaho ay malas pa rin yata ako. Ni hindi ako nagtatagal. Kung hindi ako palaging pinagtsitsismisan ng mga kasama ko o kinaiinggitan, ang amo ko naman ang nambabastos sa akin.” “What?!” kumuyom ang kamao ni Perry. Tila hindi makapaniwala sa mga ikinukwento niya. “Alam mo kasi, siguro mapalad akong nagkaroon ng ganitong mukha kung sa ibang pagkakataon. Pero parang malas na ang naging tingin ko dito dahil sa tuwing papasok ako sa trabaho ay ito din ang nagiging dahilan kung bakit umaalis kaagad ako.” “Nitong huli. Sa catering. Ang akala ko magtatagal na ako doon. Dahil mababait ang mga kasamahan ko pati si Mrs. Rosas. Ang manager doon. Pero hindi ko akalaing mawawalan pala ulit ako ng trabaho ng paalisin ako ng mismong may-ari. Masyadong babaero ang asawa ng matandang iyon at pati ako ay nakursunadahan. Hayun pinaalis ako ng di oras.” Nangngingitngit na pahayag niya. Kumulimlim ang mukha ni Perry. Nagtagis ang bagang nito dahil sa mga nalaman tungkol sa kanya. “Hindi ka dapat nila itinatrato ng ganoon.” Matigas nitong saad. “Nang magkita tayo sa Luneta sa dalawang beses na pagkakataon ay pareho ang senaryo. Nawalan ako ng trabaho.” Sumulyap siya dito. “Kaya pala masyadong malungkot ang mukha mo.” “At kanina, nang madatnan mo akong nawawala sa sarili ay nagtalo kami ni inay. Ganoon ulit, ipinamukha niya sa akin ang pagkawala ni itay. Hindi ko na natiis. Sinagot ko siya. Tumakbo ako palabas ng bahay bago pa ako umiyak ng umiyak sa harap niya. Iyon ang nadatnan mo.” “Hindi ko inaakalang ganyang ang mga pinagdaanan mo, Florence. They shouldn’t been treating you like that!” “Minsan nga gusto ko ng wasakin ang mukhang ito para wala ng maging problema.” “No! You can’t do that.” Malakas na wika ni Perry. Napangiti siya. “Alam ko, masakit iyon.” Masuyo siyang kinabig ni Perry ay isinandal sa dibdib nito. “Simula ngayon ay ayaw ko ng makikita kang nalulungkot o umiiyak, Florence. Hindi bagay sa napakaganda mong mukha. Dapat sa iyo ay palaging nakangiti.” “Hindi ko alam kung magagawa ko iyan.” Aniya. Ngayong nasa bisig siya ng binata ay tila biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Totoong hindi pa niya ito gaanong kilala pero naging panatag na siyang kasama ito. Nagkaroon siya ng tiwala dito. “Magagawa mo iyan. Tutulungan kita. And I promise..” inilayo siya nito sa katawan upang makaharap lamang sila. “Simula sa araw na ito ay palagi na akong nasa tabi mo. Kung kailangan mo ng maiiyakan nandito lang ako. Kung kailangan mo ng punching bag para ilabas ang sama ng loob mo ay narito lang ako.” Humagikhik siya. “Simula sa araw na ito ay palagi mo akong magiging sandalan. Palagi kitang pangingitiin at pasasayahin. Hindi ka na malulungkot, Florence.” Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “Huwag mo akong paasahin, Perry.” Ayaw niyang umasa pero gustong maniwala ng puso niya. Umiling-iling ito. “Kailanman ay hindi ko gagawin iyan. Maniwala ka sa akin. Sa harap ng Diyos at sa simbahang ito, nangangako ako. Hindi ka na malulungkot pa.” muli siyang kinabig palapit sa bisig nito. Napapikit siya ng maramdaman niya ang pagkakulong sa bisig nito. Safe na safe ang pakiramdam niya at tuluyang gumaan ang kanyang pakiramdam. Ibinubulong ng kanyang puso na maniwala sa mga sinasabi. nito. At susundin niya iyon. Aminado siyang hindi pa niya ito masyadong kilala pero gusto niyang magtiwala dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD