Chapter 14

948 Words
MAGAAN at presko ang pakiramdam kanina ni Perry habang papunta siya kanina sa bahay nila Florence. Pero nang makita niya itong hilam sa luha ang mukha ay labis siyang nag-aalala para dito. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak but he swear to his self, aalamin niya kung bakit ito nagkakaganoon. Isang linggo siyang hindi nagpakita o nagparamdam dito dahil gusto niyang makasiguro sa sarili. Pinakiramdaman niya kung mamimiss niya ang dalaga. Kung maiisip pa rin niya ito ng hindi niya ito nakikita. At sobra-sobra pa sa inaasahan niyang pagkamiss ang naramdaman niya dito. Labis ang naramdaman niyang pananabik dito. Gustong-gusto na niya itong tawagan upang marinig ang boses nito. Gustong-gusto na niyang puntahan ito upang makita ang dalaga. Kaya pagkatapos ng isang linggo ay nagdesisyon siya. Ngayon ay sigurado na siyang inokupa na ni Florence ang puso niya. Mahal na niya ang dalaga at gagawin niya ang lahat mapa sa kanya lang ang dalaga. Palingon-lingon siya sa dalagang patuloy pa rin sa pag-iyak. Pahikbi-hikbi pa rin ito habang nakatingin sa labas ng bintana. Tumiim ang kanyang bagang habang minamasdan ito. Ayaw niyang nakikita itong umiiyak. Ayaw niya itong nakikitang nasasaktan. Kinuha niya ang kamay nito. Ginagap niya iyon. Nilingon siya ni Florence. “Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako.” aniya dito. Malungkot itong ngumiti. “Salamat, Perry.” “Kumain ka na ba?” naitanong niya dito. Pasado alas dose na at hindi niya sigurado kung nakakain na ito. Naabutan niyang umiiyak ito marahil ay hindi pa ito kumakain. Umiling lang ito. Hindi na niya binitiwan ang kamay nito hanggang sa makarating sila sa isang kainan na hindi masyadong matao. GAYA ng dati ay hinayaan ni Florence si Perry na umorder ng pagkain nila. Pero hindi kagaya sa fastfood restaurant ay naroon sila ngayon sa isang floating restaurant na malapit sa Manila Bay. Doon siya dinala ng binata pagkagaling nila sa bahay nila. Nang makita niya ito kanina ay parang nakakita siya ng taong masasandalan. Kaya lalo siyang napaiyak. Hindi niya napigilan na umiyak sa dibdib nito kanina. Masama pa rin ang loob niya pero kahit papaano ay naibsan niyon ang biglaang presensiya ng binata. Sa kabila ng matinding sama ng loob dahil sa pagsasagutan nilang mag-ina kanina ay nakadama siya ng kaunting relief na makita niya si Perry sa harap ng bahay nila kanina. Hindi niya inaasahang pupunta ito sa kanila. At sa ganoong pagkakataon pa. Ang akala niya ay hindi na niya ito makikita pa kahit kailan. Pero heto ito ngayon at nasa harapan niya. Kahit namumugto ang mga mata niya mula sa pag-iyak ay lihim siyang nagpasalamat sa pagdating nito. “Ang dami yata ng inorder mong pagkain, Perry. Baka hindi natin maubos ang lahat ng iyon. Medyo wala pa naman akong ganang kumain ngayon.” Aniya dito ng makaalis ang waitress na kumuha ng order nila. “Kaya nga dinamihan ko ang order para makakain ka ng madami. Sigurado akong nanghina ka dahil sa pag-iyak na ginagawa mo.” Nakagat niya ang labi. “P-pasensiya ka na pala kanina kung medyo naging emotional ako. Pati tuloy damit mo nabasa ng luha ko.” “It’s alright. Basta ipangako mong sasabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit naabutan kitang wala sa sarili.” Sumeryoso ang anyo nito. Hindi niya alam kung tatango o hindi. “You can trust me, Florence. Magkaibigan na tayo diba?” Napatitig siya dito. Kinuha nito ang kamay niya at ginagap iyon. Napatingin siya doon. “Kung anuman ang problema mo, gusto kong malaman iyon. I wanna help you, Florence.” “Bakit gusto mo akong tulungan?” “Dahil magkaibigan tayo.” “Bakit nga ba ipinipilit mong maging magkaibigan tayo? Masyado kang mataas, Perry. Isa lamang akong ordinaryong tao na inakalang pipitsuging photographer ka lang na pakalat-kalat sa Luneta. Bakit gusto mong maging magkaibigan tayo?” hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para itanong iyon dito. Tumitig ito sa mga mata niya. Matagal ito bago sumagot. “Dahil mahal kita.” Diretsong sagot nito. Napaawang ang kanyang labi. “A-anong sinabi mo?” hindi yata niya masyadong naintindihan ang naging sagot nito. “Mahal kita, Florence. Alam kong nakakabigla pero ito ang nararamdaman ko. At kaya hindi ako nagpakita sa iyo ng ilang araw ay dahil gusto kong makasiguro sa nararamdaman ko. Ngayon ay sigurado na ako sa sarili kong mahal kita. Mahal na mahal kita, Florence at gagawin ko ang lahat mapawi ko lang ‘yang kalungkutan sa mga mata mo.” mahabang pahayag nito. Pakiramdam niya ay nanikip ang kanyang dibdib. Kasabay niyon ay nagrambulan ang kanyang pahinga. Para siyang hihimatayin sa mga oras na iyon dahil ang isang kagaya ni Perry Samaniego ay nagtatapat sa kanya ng pag-ibig ngayon! “A-ano bang sinasabi mo Perry? Huwag mo nga akong pagluran ng ganito? Isang linggo kang nawala. Para akong timang na naghihintay ng paramdam mo ---.” “Hinihintay mo ako?” nagliwanag ang mukha nito. “Oo! Dahil hinihintay ko ang trabahong ibibigay mo sa akin.” Tila nanlumo ito. “Ang akala ko pa naman, kaya mo ako hinihintay ay dahil….” Sa kabila ng sama ng loob ay napangiti siya. “Oo. Sayang naman kasi ang trabahong iyon kung pakakawalan ko pa. Ngayon pang wala akong trabaho.” Tila may magnetong napatingin ito sa kanya. “Akala ko ba sa catering ka nagtatrabaho?” Mapait siyang ngumiti. “Matagal na akong umalis doon. Mahabang kwento kagaya ng ibang trabahong napasukan at inalisan ko din kaagad.” “What happened?” “Baka lalo akong mawalan ng gana sa pagkain kapag ikinuwento ko sa iyo.” “Then we’ll talk about that after we eat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD