Chapter 10

935 Words
MALAKAS na malakas ang tambol ng kanyang dibdib. Nagsimula ang kaba niya ng lapitan siya ni Perry. Hindi niya inaasahang naroon din ang binata. Lalo siyang nalito ng tabihan siya nito. Inihanda niya ang sarili sa pakikipagharap dito kahit pa kanina pa nagkakarera ang mga daga sa dibdib niya. Pinairal niya ang katarayan sa halip na pumayag sa iniaalok nitong pakikipagkaibigan. Pero mukhang hindi siya titigilan nito dahil kahit anong pagtataray ang gawin niya ay hindi ito natitinag. Sa tingin nga niya ay nag-eenjoy pa ito sa pangungulit sa kanya. Ang lakas ng loob! Saka niya naalala ang sinabi ni Juris sa kanya. Totoo kayang ang tinutukoy nitong Sir Perry at Perry’ng kaharap niya ay iisa? Kung iisa nga ang mga ito ay gugustuhin na niyang lumubog sa kinauupuan. Mahihiya siya dito dahil sa paraan ng pagtrato niya sa big boss ng kliyente ng catering services na pinasukan niya. Pero biglang kambiyo ang utak niya. Bakit pa ako mahihiya e hindi naman na ako nagtatrabaho doon. Kahit talakan at sungitan ko pa ang mokong na ito ay magagawa ko dahil hindi ko naman siya amo! Napapitlag pa siya ng matamis siya nitong ngitian. Tila nagpapacute nga ang loko. “Ano? Tinatanggap mo na ba ang pakikipagkaibigan ko?” pangungulit pa rin nito. Naningkit ang kanyang mga mata. Tinitimbang ang mga susunod na salitang pakakawalan niya. “Paano kung sabihin kong hindi?” pananantiya niya. Pero mukhang hindi nito alam ang salitang pagsuko. “Ang malas ko kung ganoon.” Lumungkot ang mukha nito. Dagli ding nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito dahil muli itong ngumiti. “Pero kukulitin pa rin kita na kaibiganin ako.” Hindi niya alam kung napansin ng kaharap ang pagsilay ng ngiti sa sulok ng kanyang labi. Mukhang mapapalaban siya sa isang ito. Alam na niya ang karakas ng mga ganitong uri ng lalaki. Makikipagkaibigan muna pagkatapos ano? Liliwagan siya? Pero bakit parang kinikilig siya kapag kinulit nga siya nito? Bakit parang sa lahat ng nangulit sa kanyang lalaki ay hindi niya maramdamang tanggihan ito. Oo sinusungitan niya ito. Pero ginagawa lang niya iyon upang protektahan ang sarili. Dahil aaminin niyang sa unang beses palang ng pagtatama ng kanilang mga mata ay nagkacrush na kaagad siya dito. Ayaw lang niyang tanggapin dahil nabi-brainwash na siya ng ina na mayaman ang dapat niyang mapangasawa. Pero ngayon… parang nag-iba ang takbo ng hangin. Parang gusto na niyang makipagkaibigan dito – pipitsuging photographer man ito o COO ng isang malaking kumpanya. “Makulit ka talaga ano? Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko kanina kung bakit gusto mong makipagkaibigan.” Unti-unti ay gumagaan ang kanyang pakiramdam at nagiging kampante na siyang katabi ito sa upuan. “Ahm…well…” muling na-offguard ang binata. “O bakit hindi ka makasagot? Hindi mo alam? E bakit nga ba nakikipagkaibigan ang isang tao? Kundi rin lang naman matagal na niya itong kakilala bakit siya makikipagibigan sa hindi pa niya kilala?” “Because he’s interested with the person?” sagot ni Perry. Napatingin siya dito. Huling-huli niya ang pagtitig nito sa kanya. May ganoon? Kinilig siy. “So, interesado ka sa akin?” ewan kung saan niya nakuha ang lakas ng loob upang itanong iyon dito. “Yes.” Walang pakundangang sagot nito. Napipilan siya. Sinamantala iyon ng binata. “So magkaibigan na tayo?” anitong nasa tono ang tila nanalo. “Sa anong paraan ka interesado sa akin?” kung tama ang nasa isip niya ay parang gusto niyang magdiwang. Kung interesado ito sa kanya bilang isang babae ay gusto niyang magpakasiguro. Dahil kapag ganoon nga ay hindi niya alam ang gagawin niya. “Sa pagmomodelo.” Mahinang sagot nito. Nalaglag ang panga niya. Akala pa naman niya ay may gusto na ito sa kanya. “Seryoso?” paniniragudo niya. Marahan itong tumango-tango. “Seryoso.” Humalikipkip siya. “May sarili ka bang photoshop o may pinagtatrabahuhan kang kumpanya?” nagsimula siyang mag-usisa. Pakiramdam niya ay marami siyang gustong malaman tungkol sa binata. “I have my own photoshop and I’m working with a company.” Parang batang sagot sa lahat ng tanong niya. “Malaki ba ang pwesto mo?” Tumango-tango ito. “Malaki-laki din.” Tumango-tango siya. “Magkano naman ang ibabayad mo sa talent fee ko kung sakaling papayag ako?” “Depende iyan sa magiging usapan.” Nag-isip siya. Kung tatanggapin niya ang alok nito ay magkakaroon siya ng pansamantalang pagkakakitaan. Malay niya baka madiscover pa siya. Hindi naman pala masama na nagkaroon siya ng ganitong mukha. Sa isip-isip niya ay mainam na din sigurong pumayga siya. Tutal trabaho naman na ang lumalapit. “Teka, may kilala ka bang Juris?” maya-maya’y tanong niya. Sandali itong nag-isip. “Parang may nakilala na akong ganyan ang pangalan. Bakit?” “Kaibigan ko siya. Kinausap mo ba siya?” muling nagsimula ang kabog ng kanyang dibdib. Kung ito ang Perry na tinutukoy ni Juris sa kanya ay baka himatayin siya. “Yeah. I remember now. Siya iyong pinagtanungan ko doon sa pavilion tungkol sa iyo.” Nagliwanag ang mukha nito. Napanganga siya. “I-ikaw si Sir Perry?” Nakangising tumango-tango ito. “’Y-yung COO?” lalo siyang napanganga at nanlaki ang kanyang mga mata. “Wala ng iba pa.” lalong lumapad ang pagkakangisi nito. “H-hindi ka isa sa mga photographer dito?” gusto pa rin niyang magpakisguro. Unti-unting nanghihina ang kanyang tuhod. “Hindi. Namamasyal lang ako dito ng araw na magkita tayo. I love taking pictures kaya kahit saan ako magpunta ay parati kong dala ang camera ko.” Paliwanag nito. Napa-ow siya pero walang lumabas na tunog. Hihimatayin ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD