Chapter 11

1391 Words
“AT PARA maging formal ang pagiging magkaibigan natin, magpapakilala ulit ako sa iyo.” Inilahad ni Perry ang kamay sa dalaga. “I’m Perry Samaniego. I’m working sa kumpanyang UA Inc. Minsan nagpapart-time photographer kung walang trabaho. Thirty years old. Single.” Sinundan niya ng isang kindat ang mga sinabi. Napanganga si Florence. Tiningnan ang nakalahad niyang kamay. Tila atubili pa rin itong tanggapin ang kamay nito. “Oh wait! Baka hindi ka pa rin naniniwala.” Kinuha niya ang isang calling card sa kanyang wallet. “Here’s my calling card kung may mga gusto ka pang malaman. Pwede ka ding tumawag sa kumpanya para malaman mong nagsasabi ako ng totoo.” Iniabot niya sa dalaga ang calling card. Nanatiling nakamaang ito habang inaabot ang calling card mula sa kanya. “S-seryoso ka talaga?” hindi pa rin makapaniwalang saad nito. Natawa siya. “Perry Samaniego.” Muli niyang inilahad ang kamay dito. Atubili man ay inabot na iyon ni Florence. “Florence ang pangalan ko.” Mahinang usal nito. “Atlast. Sinabi mo din ang pangalan mo. Kahit alam ko na iba pa rin kapag ikaw mismo ang nagpakilala sa sarili mo. I’m so glad to meet you Florence.” Isang gwapong-gwapong ngiti ang iginawad niya dito. Minsan ay natatawa na siya sa sarili dahil hindi niya maiwasang magpagwapo sa harap nito. Hindi niya ugali iyon. Ang kunin ang buong atensiyon ng isang babae. But Florence did her to him. “P-pasensiya ka na kung naisip kong isa kang p-photographer dito. Akala ko kasi…” napapangiwing wika ng dalaga sa kanya. “It’s okay. Humantong pa rin naman tayo sa ganitong eksena kahit na ilang beses na tayong nagkaharap.” Nakangising sagot niya. “H-ha?” tila lalo itong nalito. “Never mind.” Napatingin si Florence sa kamay nilang magkahawak pa rin. “Er… k-kamay ko.” Inginuso nito ang kamay nila. “Ops! Hindi ko napansin.” Pero hindi naman siya bumitaw. Si Florence ang bumitaw. Pinakawalan niya iyon kahit pa ayaw na niyang bitawan. Gusto yata niyang hawak nalang ang kamay nito sa buong maghapon. “Nagugutom ka ba? Napansin ko kasi kanina ka pa dito. Baka gusto mong magmeryenda.” Aniya dito matapos ang ilang sandaling katahimikan. Sumulyap ito sa kanya. “Ililibre mo ba ako?” “Sure! Tara! Kahit anong gusto mong kainin, libre ko.” Naging Ganado siya at mabilis na tumayo. Natawa si Florence. “Sigurado ka ha. Malakas akong kumain lalo na kapag ganitong frustrated ako.” tumayo na din ito. Saglit lang siyang napakunot-noo dahil sa sinabi nito. “Oo, akong bahala. Halika ka na.” NAKARATING sila sa Jollibee na malapit lang sa Luneta park. Hinayaan ni Florence na ang binata ang mag-order ng pagkain nila. Habang hinihintay niya ang binata sa mesa ay nagawa niyang mapagmasdan ito. Napapangiti siya dahil nakikita niya ang cashier na umiista ditong kilig na kilig habang nag-oorder si Perry ng pagkain nila. Sabagay ay napansin niyang halos lahat ng kumakain doon ay napatingin sa kanila pagpasok na pagpasok palang nila sa loob ng kainan. At halos lahat ng babaeng naroon, mapa-estudyante, bata o matanda ay pinukulan ng tingin hindi lang isa kundi tatlong tingin ang binata. Tila ba kilig na kilig ang mga ito lalo na ang mukhang teenagers na naroon. Ang kausapin pa kaya ng binata kagaya nalang ng kaherang sinasabihan nito ng order nila. Muntikan pa itong magkamali dahil nakatitig nalang ito sa binata. Habang umoorder ito ay nabistahan niya itong mabuti. Walang babae ang tatanggi sa isang kagaya nito. Pero siya. Sa simula palang ay sinungitan na niya ito. Hindi naman niya iyon intensiyon. Siguro ay nadala na lamang ng mga problema niya sa buhay idagdag pa ang pangungulit nito kaya nasungitan niya ito. Pero ngayong magkasama sila ay tila ba gumaan na ang pakiramdam niya para dito. Sa totoo lang ay hindi ito kagaya ng ibang lalaking nakilala niya. Hindi niya naramdaman ni minsan na may malisya ang pagpupukol nito ng tingin sa kanya. Ni minsan ay hindi niya naramdaman na may pambabastos sa tono nito kapag kinakausap siya. At kahit kanina lang sila nagkaroon ng matinong pag-uusap ay naramdaman niya ang pag-aalalay nito sa kanya bilang babae. Wala itong pinapakawalang salita para makadama siya ng pagkailang para dito. Sa halip ay nararamdaman niyang ginagawa nito ang lahat maging kampante lang siya sa company nito. Doon siya napapangiti. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, siyempre bukod sa tatay niya, ay ito na yata ang pinaka-gwapo, pinakagentleman, pinakamabait na lalaking nakaharap niya. Hindi pa man niya ito nakikilala ng matagal ay nararamdaman na niyang mabait ito. At sa tingin niya ay magtatagal ang nasimulan nilang pagkakaibigan. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi kahit nakita na niyang palapit sa kanya ang binata. Hawak nito ang isang tray na naglalaman ng kanilang pagkain. Wala sa sariling sinundan niya ang bawat galaw nito habang maingat nitong inilalapag sa ibabaw ng mesa ang mga order nila. Hindi siya aware dahil nakangiti pa rin siya. Ni hindi niya namalayan na nangalumbaba na siya habang nakatitig sa mukha nito habang nakapaskil ang ngiti sa labi. Hanggang sa maupo ito sa tapat niya ay ganoon ang itsura niya. “May dumi ba sa mukha?” nagtatakang tanong ni Perry pero nakataas ang isang sulok ng labi. “Wala. Bakit?” wala sa loob ng sagot niya. Lalo siyang napangiti ng ngitian siya nito. “E bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?” “Ang gwapo mo kasi.” Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Kung nasa normal ang pag-iisip niya ay hindi niya masasabi iyon ng kaharap ang binata. Pero sa mga sandaling iyong ay para siyang ginayuma ng binata. Sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi ni Perry. “Talaga? Gwapo ako?” “Oo.” “Bagay pala tayo. Maganda ka. Gwapo ako. Gusto mo tayo na?” nginisihan siya nito sabay haplos sa pisngi niya. Napapitlag siya dahilan para magising siya sa katotohanan. Mabilis na kumalat ang pamumula sa kanyang mukha. Kaagad siyang umayos na upo. Hindi niya akalain na masasabi niya ang mga iyon sa harap nito. Ano na lang ang iisipin nito? Na pagkatapos niya itong sungit-sungitan ay heto at sinasabihan niyang gwapo ito? Para ka talagang timang Florence! Umayos ka nga! “A-anong sabi mo?” alanganin ang mukhang tanong niya dito. Nagkunwari siyang hindi narinig ang sinabi niya. Kinuha niya ang isang baso ng softdrinks saka sumisipsip doon. Hindi na niya napansin na hindi iyon ang order niya. “Ang sabi mo gwapo ako. E maganda ka naman. Bagay tayo diba?” Kitang-kita niya ang nunuksong labi at mata nito. Nasamid siya. “S-sinabi ko ‘yun?” “Oo! Ngayon lang. Bakit hindi mo natatandaan?” “Hindi eh.” Mahinang sagot niya saka nagyuko. Lalong namula ang kanyang mukha dahil sa kadaldalan ng kanyang dila. Tuloy ay gusto niyang lumubog sa kinauupuan sa sobrang hiya. “Hindi ako naniniwalang hindi mo natatandaan. Ang ganda pa nga ng ngiti mo sa akin eh. And I saw you kanina, nakatitig ka sa akin habang umuorder ako ng pagkain natin.” Panunudyo niya. Nanlaki ang mata niya kasabay niyon ay napanganga siya. “N-nakita mo ako?” hindi makapaniwalang gagad niya. Papaano siyang makikita nito eh abala ito sa pag-oorder ng pagkain nila. Tumango-tango ang binatang tila siguradong-sigurado sa sinabi. “Yes. Nakita kita. Alam kong pinagmamasdan mo ako mula ulo hanggang paa. Kaya naman naniniwala ako sa sinabi mo kaninang gwapo ako. Akala ko hindi mo na maappreciate ang kagwupuhan ko eh.” Nakakalokong ngumisi ito saka kumagat ng burger na hawak nito. Napatanga siya. “H-hindi ah…” pumiyok siya. Kulang sa diin ang pagtanggi niya. Iniiwas niya ang mukha sa paningin nito saka maring pumikit. Nakakahiya ka Florence! Huling-huli ka niyang tinititigan mo siya! Wala sa loob na kinuha niya ang basong hawak kanina at muling sumispsip doon. Lalo siyang natense. “O huwag mong ubusin iyang inumin ko. Heto ang iyo.” Iniabot nito sa kanya ang totoong order niya. Napamaang nalang siya dito. “Akin ‘yan.” Kinuha nito ang basong sinisipsipan niya kanina. Nataranta siya ng ito naman ang sisipsip sa straw na ginamit niya. “T-teka lang ----.” Sinubukan niya itong pigilin pero naunahan na siya ng binata. Nakangising sumisipsip ito habang nakatingin sa kanya. Lihim nalang siyang napangiwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD