Chapter 9

925 Words
MUNTIK siyang mabangga sa kasunod niya ng biglang siyang mapahinto. Tila napako ang kanyang mga paa sa sementong nilalakaran ng mahagip ng kanyang tingin ang isang bulto. Kasabay niyon ay maluwang siyang napangiti na tila dinaig pa ang nanalo sa loto ng makita si Florence na nakaupo sa bench sa dating kinauupuan din nito ng una silang magtagpo. Kanina pa siya palakad-lakad sa Luneta ng hapong iyon dahil nagbabakasali siyang muling makikita si Florence. Pagkatapos ng gabing iyon ng muli silang magkita ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya sinabi niya sa sariling hahanapin niya ito. Kinabukasan ay kinuha niya ang contact number ng catering services na pinagtatarabahuan nito. Sigurado niyang malalaman niya doon kung saan ito nakatira. Pero nanlumo siya ng hindi ibigay ng nakausap niya ang address ng tirahan ng dalaga. Iyon daw kasi ang SOP ng manager doon. Hindi basta-basta pwedeng ibigay ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ng catering services na iyon lalo at walang importanteng dahilan. Hindi naman niya masabi dito na gusto lang niyang makita ang dalaga. At kung tanungin siya kung bakit? Hindi din naman niya alam ang isasagot. Iyon ang isang bagay na nakapag-paisip sa kanya. Bakit ba siya gumagawa ng paraan para makita itong muli? Bakit nag-aaksaya siya ng oras sa isang babaeng sobra kung sungitan siya samantalang maraming babaeng nagpapapansin sa kanya? Malalim siyang humugot ng paghinga. Napaparanoid na yata siya dahil sa babaeng iyon. Hindi na niya ito dapat iniisip pa dahil sa tingin niya ay hindi naman ito interesado sa kanya. Hinarap niya ang mga papeles na naghihintay sa kanya sa kanyang mesa pero wala pa rin doon ang atensyon niya. Sinubukan niyang magconcentrate sa trabaho pero pulos mukha ni Florence ang nakikita niya sa bawat papel na nasa harap niya. Maya’maya’y kumilos siya upang buksan ang drawer sa kanyang mesa. Kinuha niya ang isang envelope doon at inilabas ang mga laman niyon. Natitigan niya ang magandang mukhang nasa larawan na walang iba kundi si Florence. “Bakit hindi ka mawaglit sa isip ko, Florence. Bakit ginugulo mo ang tahimik kong buhay?” Biglang parang may pumitik na ideya sa kanyang utak. Hindi kaya… Pero papaanong…? Isang simpleng babae lamang si Florence. Ni wala itong kayos ayos sa mukha o maging sa buhok man lang. Consarvative ito at may pagkamanang. Pero aaminin niyang hindi napingasan ang kagandahan nito kahit hindi na ito mag-ayos. Para sa kanya ay mas maganda ang natural beauty. At hindi lang basta pang natural beauty si Florence. Extraordinary. Iyon siguro ang maari niyang gamiting salita para sa kagandahan nito. Naipilig niya ang ulo. Naisip niyang ganoon din kaya ang naramdaman ng iba niyang kaibigan ng mabighani ang mga ito sa mga kasintahan nito? Kagaya ba niya ay ginugulo din ng isip ng mga babaeng iyon ang isip niya kagaya ng panggugulo ni Florence sa isip niya? Hindi kaya nabighani na din siya ng babaeng ito at unti-unti ay kinukuha nito ang isang bagay na hindi niya inaasahang mangyayari sa kanya sa mga panahong iyon? Umiibig nga ba siya dito? Bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan ng marinig ang ingay ng mga bata sa paligid. Muli niyang pinukulan ng tingin si Florence na nag-iisa sa bahaging iyon ng Luneta. Napakunot-noo siya ng makita ang itsura nito. Kagaya ng una ay nakasimangot nanaman ito. Hindi. Mas lungkot ang nababanaag niya sa mga mukha. Pero bakit? Kusang humakbang ang kanyang mga paa upang lapitan ito. At habang napapalapit siya sa dalaga ay lalo siyang naeexcite. Unti-unting lumuwang ang kanina’y pagkakanunot ng kanyang noo. Sa pagkakataong iyon ay sisiguraduhin niyang magiging magkaibigan na sila bago sila muling maghiwalay sa araw na iyon. Tumikhim siya upang ipaalam ang presensiya ng makalapit na dito. Tila hindi pa rin ito aware na naroon siya dahil yumuko pa ito. “Hi Miss.” Gaya ng palaging bati niya dito ay sinamahn niya iyon ng ngiti. Nagtaas ito ng mukha at mabilis na nagsalubong ang dalawa nitong kilay ng makilala siya. “Ikaw nanaman?!” napasimangot ito. “Yes. It’s me again. It’s nice to see you here.” Kahit hindi siya nito iniimbita para tabihan ito ay naupo siya sa tabi nito. Napasiksik ang dalaga sa gilid ng upuan. “Anong ginagawa mo dito?” mataray pa ring tanong nito. “Namamasyal.” Pamimilosopo niya. Hindi niya intensiyon pero iyon ang lumabas sa bibig niya. Humalikipkip ito. “Namamasyal o sinusundan mo ako?” “Well, paano pag sinabi kong oo. Sinusundan kita.” Ngumisi siya dito. Tumaas ang isang kilay nito. “Aalis na ako.” akmang tatayo ito ng pigilan niya ito sa braso. Muli itong napabalik sa pagkakaupo. Maang na nagsalita si Florence. “Pwede ba!” “Pwede bang magkwentuhan muna tayo? Malay mo pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana dito.” “Bitiwan mo ang braso ko!” pinalis nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Lihim siyang napailing. Talagang mailap ang babaeng ito. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” maya-maya’y tanong nitong hindi naman nakatingin sa kanya. Nang tingnan niya ang tinitingnan nito ay nakita niya ang mga batang naghahabulan sa damuhan habang hawak ang lobo. “Gusto ko sanang makipagkaibigan sa iyo.” Diretsong sagot niya. Pinukol siya nito ng tingin. “Bakit ka naman makikipagkaibigan sa akin?” Napalunok siya. Kahit siya ay hindi alam ang isasagot. Hindi kaagad siya nakasagot. “O ano, wala kang maisagot?” nakataas ang dalawang kilay nito saka siya inirapan. “Diyan ka na nga! Lalo mo lang sinisira ang araw ko.” Saka mabilis itong tumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD