Chapter 8

746 Words
“ANO nanaman bang ginawa mo at umalis ka nanaman sa trabaho mo?!” malakas at galit na galit na sigaw ni Aling Irma sa kanya. Tanghaling tapat pero umuwi siya galing sa trabaho dahil sa totoo lang ay wala nanaman siyang trabaho. ‘E kasi Inay ---.” “Siguro lumandi ka nanaman!” bulyaw nitong pinuyol ang gagawin niyang pagpapaliwanag. “Hindi ho!” mariin niyang tanggi. “E bakit pinalayas ka nanaman sa trabaho mo? Kebago-bago mo palang doon eh umalis ka nanaman! Wala ka na bang mapapasukang pwede kang mapermanente? Wala nanaman tayong makakain ngayon. Mabuti sana kung may naipon ka eh wala naman!” Hindi na niya nagawang sumagot dahil mabilis itong lumabas ng kanilang bahay. Pinigilan niyang tumulo ang nagbabantang luha sa kanyang mga mata bago niya tinungo ang maliit na silid. Nang makapasok doon ay parang nauupos na kandilang naupo siya sa kanyang kama. Napatingin pa siya doon dahil naramdaman niyang may katigasan na iyon. Manipis na ang foam na gamit niya noong nabubuhay pa ang itay niya. Humugot siya ng malalim na paghinga saka tumingala. Ni hindi na niya naramdam ang pagod sa katawan. Ang tanging nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay sakit dulot ng mga salita ng kanyang ina. Ang mga kaisipan kung bakit nagkakaganoon ang buhay niya. “Diyos ko. Bakit po nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Ang akala ko ay okay na. Ito na ‘yun eh. Kala ko magtatagal na ako sa trabahong ito ng walang aberya. Pero bakit? Bakit nanaman po ba?” nagsimulang gumaralgal ang kanyang tinig. “Wala naman po akong ginawang masama, hindi po ba? Pero bakit ganoon? Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng ganitong mukha. Pero bakit ito pa ang nagiging dahilan para maging miserable ang buhay ko?” tumingin siya sa maliit na salaaming nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Mapait siyang napangiti ng makita ang sariling repleksiyon. Tama ang lahat ng taong nagsasabing napakaganda niya. Pero hindi niya iyon makita. Sa mga nangyayari sa kanya ay hindi niya iyon maappreciate. Dahil sa tuwing susubukan niyang maging maayos ang kanyang buhay ay palaging nagiging balakid ang mukha niyang iyon. “Ano bang gagawin ko sa iyo? Pwede bang gurlisan nalang kita para hindi ka na maging dahilan para maging miserable ang buhay ko? Bakit marami namang magaganda diyan na hindi mahirap ang buhay? Bakit ako iba? Bakit parang sumpa ang mukhang ito?” Tumalim ang kanyang mukha habang hilam sa luha ang kanyang pisngi. Gusto niyang sugatan ang sariling mukha pero alam niyang masakit iyon. Ayaw na niyang madagdagan ang sakit na nadarama. Hinayaan niyang matumba ang katawan sa kama. Napatitig siya sa kisame habang maraming naglalaro sa kanyang isip. Hindi niya akalaing mawawalan siya ng trabaho sa araw na iyon. Ang akala niya ay maayos na ang lahat. Na sa wakas ay nakatagpo siya ng trabahong pwede magtatagal. Pero hindi pala. Oo at mababait ang mga kasama niya at wala siyang naging problema sa manager ng catering. Pero ang mismong may-ari ang nagpaalis sa kanya. Nagkagusto daw sa kanya ang asawa ng may-ari na sobrang babaero dahilan para mag-away palagi ang dalawa. Walang nagawa si Mrs. Rosas ng sabihin ng babaeng may-ari na tatanggalin siya. Labis ang panlulumo niya maging ng kanyang mga kaibigan. Pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Kaya umuwi siyang lulugo-lugo bitbit ang huling sahod niya. Inaasahan na niyang sasalubungin siya ng kanyang ina ng sermon. Hindi na iyon bago sa kanya simula ng mamatay ang kanyang itay. Pero unti-unti na siyang nagsasawa. Unti-unti ng nabubuhay ang galit sa kanyang dibdib. Hindi porke hindi siya nito tunay na anak ay siya ang itinuturong dahilan ni Aling Irma kaya namatay ang pinakamamahal nitong asawa ay siya na ang palaging sisihin sa kahirapan ng buhay nito. Pero hindi pa rin niya magawang umimik. Iyon ay dahil sa ito pa rin ang nagpalaki sa kanya. Ito pa rin ang kinagisnan at itinuring na ina kasama ng itay niya. Mahal pa rin niya ito. Minsan nga ay parang bumabalik sa dati ang nanay niya. Bigla itong nagiging mabait. Minsan naman ay napakatahimik. Pero madalas ay palagi itong nakabulyaw. O di kaya naman ay nagmumukmok at umiiyak sa isang tabi. Umaasa siyang isang araw ay babalik sa dati ang inay niya. Pumikit siya. Umagos ang luha sa kanyang pisngi. Bumagsak iyon sa kinauunanan niya. Masamang-masama ang kanyang loob. Pero ayaw ng gumana ng utak niya. Hanggang sa unti-unti siyang hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD