“Who are you?”
Nanigas ang likod niya nang marinig ang hindi pamilyar na boses. Mababa iyon at buong-buo. Naalala niya ang Vikings na napapanood niya mula sa mga social media reels. Ma-balbas rin kaya ang may-ari ng boses? Mahaba ang buhok? Malaking tao? Parang bato ang katawan?
Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay na nakatabing sa mga mata niya. Nagyuko siya ng ulo kaya una niyang nasilayan ang itim na sapatos ng lalaki. Umangat ang tingin niya sa suot nitong pormal na pantalon. Tapos ay sa sinturon nitong katad. Isang tingin lang, alam na agad niyang matibay iyon at mamahalin. Tumaas pa ang tingin niya sa damit nito. Itim din ang kulay at plantsado ang tela. Wala ni isang maling lukot.
Nang sa wakas ay dumako sa mukha nito ang mga titig niya ay awtomatiko ang pagkakalaglag ng kanyang mga panga. Parang nabuhay ang mga lalaking sa romantikong kuwento niya lang nababasa.
Tinitigan niyang maigi ang lalaking nakatayo ngayon malapit sa kanya. Hindi mahaba ang balbas nito. The neatly trimmed stubble that graced his jaw and chin was giving the man a charismatic and irresistibly attractive look. His eyeglasses securely perched on his tall nose bridge. Matangos ang ilong nito at manipis. Sa ilong palang ay mababatid nang aristokrato ito. At ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay tila bola ng yelo. Maitim pero walang kasinglamig.
Hindi rin mahaba ang buhok nito. Maikli iyon at malinis ang pagkakagupit. Manipis ang gilid at ang ibabaw ay maayos na sinuklay palikod. Pero tama siya na malaking tao ito. He towered head and shoulders above her. Sa taas niyang 5’2” ay ni hindi siya umabot sa linya ng balikat nito. Siguro ay nasa 6’7” ito. Sa sobrang tangkad nito ay naharang na nito ang sinag ng araw at natabunan siya ng anino nito.
Dumako ang mga mata niya sa mga braso at dibdib nito. Nakasuot ang lalaki ng itim na long-sleeve polo shirt. Kahit na disente ang damit nito ay nagsimula na ang utak niyang pagnasaan ito. The fabric was tight on the chest and around his arms. Kaya nakikita niya ang magandang hulma ng muscles nito. Kayang-kaya siya nitong ibalibag kung gugustuhin nito.
Ibinalik niya ang tingin sa mga mata ng lalaki at muntik na siyang mabilaukan sa sariling laway nang matantong nakatutok din sa mukha niya ang seryoso nitong mga mata. Wala siyang mabanaag na emosyon sa mga iyon. They were black, cold, and rigid.
Ni hindi niya masilip sa mga mata nito ang kahit na katiting na paghanga sa kanya. Kadalasan ay may hagod ng interes ang mga titig sa kanya ng mga kalalakihan, subalit ang lalaking kaharap niya ngayon ay malinaw na walang kainteres-interes sa kanya. Pero siya, interesado rito.
Napaubo siya nang marinig ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Napatingin siya sa lalaki, nangangamba kung naririnig din ba nito ang t***k ng puso niya. Mukha namang siya lang ang nakakarinig n’un.
Tumitibok nang malakas ang puso niya.
Ito na ba iyon?
Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?
Dumating na ba ang taong nakatadhana sa kanya?
“Who are you?” malamig nitong ulit sa tanong kanina na pumutol sa paglalayag ng diwa niya.
Napaigtad siya. Namula ang mukha niya nang nag-sink in sa kanya na nakikita nito ang lantarang paghayon niya rito ng tingin. Para siyang namalengke ng isda kung makasuri siya rito. Iyong masusi niyang sinusuri kung bilasa ba o hindi ang isda. Ganoong-ganoon ang ginawa niyang pagsuyod ng tingin dito mula paa hanggang ulo.
“Hindi ka ba marunong magsalita?” untag nito sa kanya.
“M-marunong,” parang tanga niyang sagot.
“Then, talk.” His tone carried an air of impatience. Parang ayaw nitong kaharap siya.
Gumalaw ang lalamunan niya at sunud-sunod ang ginawa niyang paglunok. Minasdan niya ulit nang mabuti ang lalaki. Sino rin ba kasi ito? Ano ang ginagawa ng kagaya nitong tila kataastaasang diyos ng mga griyego sa lugar na iyon?
Kung pagbabasehan niya ang tikas ng pagkakatayo nito, hindi malayong ito ang head ng security! Kung katawan naman kasi ang pag-uusapan ay taob ang mga mandirigma mula sa sinaunang Roma. Parang kaya nitong pagbuhulin kahit na sampu pang trespasser.
“Sir! Pasensya na po kung pumasok ako rito nang walang pahintulot. Huwag mo sana akong isumbong sa may-ari ng villa! Alam kong trabaho mo iyon bilang head ng security, pero hindi naman ho ako magnanakaw at wala naman din akong masamang balak!”
The corner of his lips twitched. “Head of security?”
Napakurap-kurap siya. “H-hindi ka ba head ng security?”
“No, I’m not.”
Sabi na niya, eh. Baka hindi talaga ito ang head ng security kasi para itong imported na produkto. Mukhang galing sa labas ng bansa. Mukhang may lahing banyaga. Amoy banyaga—umaabot sa ilong niya ang magaan nitong pabango.
“Ay sorry, napagkamalan kitang head ng security. Ang lakas kasi ng dating mo at ang tikas ng tindig mo, eh. Uhh,” Napakamot siya sa batok, “Sino ka ba?” Napatingin siya sa kanang balikat nito. Nagulat siya nang mapunang nakadapo roon ang itim na kuwago. Marahas siyang napalingon sa alagang pusa. Mukhang natakot din ito sa lalaki. Pero natuwa siya nang masigurong hindi nito nahuli ang kuwago. “Ikaw ba ang beterinaryo rito sa villa?” Uso naman din kasing may in-house beterinaryo ang mga villa. Pero may mga hayop pa bang iba roon bukod sa kuwago? “Ano pa ba ang ibang hayop dito? May baka at kalabaw din ba? May kabayo? May mga pato at manok at...” Itinikom niya saglit ang bibig. “Beterinaryo ka ba?” ulit niya na lang sa naunang tanong.
Lalong lumalim ang mga linya sa mukha ng lalaki. “No, I’m not.”
Ha? Eh, sino pala ito? “Sirit na po, Sir,” sabi niya.
His eyebrows furrowed, displeased. “Sirit? We’re not playing games here.” Kahit hindi nito sabihin ay malinaw sa anyo ng mukha nito na hindi ito natutuwa sa kanya.
Ang sungit naman! hiyaw ng utak niya. “Sino ka po ba talaga?”
“I asked you first.” Sinasabi ng tono ng boses nito na wala itong sasabihin sa kanya hanggang hindi nito nakukuha ang impormasyong hinihingi mula sa kanya.
“Tagarito po ako sa Santa Catalina. Dito ako pinanganak at dito na rin lumaki. Alam ko ang lahat ng pasikut-sikot dito kaya puwede mo akong tanungin kung may gusto kang malaman tungkol sa lugar namin. Ayy, hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko.” Ngumisi siya. “Lyrica ang pangalan ko. Lyrica Rio-Cruz. Mabait po talaga ako at—”
“And you are someone who unlawfully enters this property without permission,” he cut her off, there was a frigid edge to his voice. Kung gaano kalamig ang boses nito ay ganoon din ang mga titig nito sa kanya.
Nagsikip ang lalamunan niya. May binaggit itong 'law.' Ano nga uli iyon? Unlawfully? Mukhang maalam ito sa batas. Abogado ba ito?
“Hindi ako abogado,” inunahan na siya nito bago pa niya maisatinig ang katanungan sa loob ng kanyang utak na para bang nababasa nito ang tumatakbo sa isipan niya. His cold eyes glared at her. “Pero kitang-kita ko ang kaswal mong paglalakad sa loob ng propiedad na hindi naman sa iyo at alam kong puwede kang kasuhan ng may-ari.”
Nagulat siya. "Huwag naman, Sir." Tapos ay naalala niya ang pigura sa puwang ng kurtina. “Teka, ikaw din ba iyong nasa likod ng kurtina kanina at nakatingin sa akin?”
Tumaas ang mga kilay ng lalaki, pero hindi nagbago ang tuwid na ekspresyon sa mukha nito.
Hinintay niyang sagutin nito ang tanong niya, pero nanatiling tikom ang mga labi nito.
Bakit ang tipid nitong magsalita? May multa ba ang pagiging madaldal sa loob ng property nito?
Itinuro niya ito. “Ikaw iyong nakatingin sa akin kanina. Iyong nasa ikalawang palapag ng malaking bahay. Ikaw iyon, ’di ba?”
Tumalim ang kislap sa mga mata nito, nakulitan na yata sa kanya o baka nakulili na ang tainga? Gayunman ay nakapinid pa rin ang mga labi nito.
“Bahala ka nga kung ayaw mong ibuka iyang bibig mo, basta alam kong ikaw iyon. Kung hindi ka head ng security at hindi ka rin beterinaryo pero nasa loob ka ng bahay ng may-ari ng villa, ibig sabihin lang n’un, ikaw ay—”
“I don't know if you're really stupid or just playing dumb, pero alam kong malinaw kung sino ako."
Parang doon palang nagsimulang gumana nang maayos ang utak niya. Napatingin siya sa lalaki, bilog na bilog ang kanyang mga mata. Natutop niya ang tapat ng bibig.
"Yes, I am the owner of Villa Serpentis.”