CHAPTER 3

1454 Words
Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang misteryosong may-ari ng villa? Dalawang imahe ang nasa utak niya ng may-ari ng villa—una ay matandang nakaupo sa silyang de-gulong kaya hindi makalabas ng malaking bahay. Pangalawa ay maputlang lalaki na ubod ng tangkad at mukhang hindi gagawa ng mabuti. Hindi kaagad sumagi sa utak niya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang may-ari ng Villa Serpentis. Pinakatitigan niya itong maigi. Sa unang tingin ay mukha itong disente at tahimik na tao. Ngunit ngayong nakatutok ang mga mata niya rito ay nakikita niyang may kakaibang kislap ang nakapaloob sa mga mata nito. Kislap na naghahatid ng kilabot sa gulugod niya. Sure, he was good-looking but so was Ted Bundy who was a notorious serial killer. Ano ang malay niya kung sa likod ng magandang hulma ng mukha nito ay nagtatago ang isang halimaw? Kaya dapat talaga ay tumatakbo na siya palayo ngayon, ’di ba? Ano pa ang ginagawa niya roon? “Ah, ano, kaya lang naman ako nangahas na pumasok dito kasi ang pusa ko… ang pusa ko…” Hindi niya mabuo nang maayos ang litanya. Nakakaintimida kasi ang presensya ng lalaki. Para siyang kakainin nito nang buo. Paano ba niya ipapaliwanag dito na kaya lang naman siya nag-trespass sa property nito ay para hanapin ang alaga niyang pusang malandi at matigas ang ulo. “You are that cat’s owner?” Sumulyap ito sa pusa niya na parang estatwang hindi gumagalaw sa pagkakaupo. Bakit parang gusto niyang mangaligkig sa lamig ng boses ng lalaki? Ipinapako pa siya nito sa ilalim ng mga titig nitong mas matalas pa sa kuko ng pusa niya kung tumitig. “Ahm, oo, a-ako nga. A-alaga ko si Meowington.” “How did you get in?” Bumukas-sara ang bibig niya, ngunit hindi niya maitulak palabas ang boses. Natatakot siya sa lalaki. Pero hindi rin naman niya mabawi ang mga mata mula sa pagkakatitig niya sa mukha nito. Ito ang pinakamagandang nilalang na nakita niya sa loob ng labing-walong taong nabubuhay siya sa mundong ibabaw. “Ahm, ano, ahh…” “Did you climb the walls to get inside my property?” “P-pumasok kasi rito ang pusa ko. Natakot ako na baka patayin mo si Meowington kapag ikaw ang nakahuli sa kanya kaya… kaya umakyat ako sa pader at—” “So, you did climb the walls.” Para itong abogadong nanalo sa argumento. Napaubo siya, nagsara yatang bigla ang lalamunan niya. “Kasi nga natakot lang ako na baka patayin mo ang pusa ko, pero alam ko naman na ngayon na hindi mo magagawa iyon…” Naudlot ang gusto niyang sabihin nang makita ang pagguhit ng mapanganib na ngiti sa mga labi ng lalaki. “Hindi ko magagawa? Why can’t I?” Lalong tumiim ang pagkakatitig nito sa kanya. “Did you think I wouldn’t hurt your cat if I caught it first?” Napalunok siya. Muli itong nagsalita. “I don’t like cats. There’s only one cat I can tolerate.” Nandilat ang mga mata niya. “Ibig sabihin ay kaya mong saktan ang alaga ko?” Nahindik siya. Sa isang banda’y umahon din ang kanyang kuryosidad at napaisip kung ano kaya iyong nag-iisang pusa na okay dito? Mabait siguro ang pusang iyon at hindi nangangalmot. “Take a guess. Now, get out.” Napasinghap si Lyrica sa talim ng pagkakabigkas ng lalaki sa bawat katagang lumalabas sa bibig nito. Sinabihan siya nitong umalis na ng villa. Pero imbes na kumaripas na ng takbo palayo ay tila lalo pang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Nakatingala siya sa lalaki kahit nangangawit na ang leeg niya. Titig na titig siya sa mga mata nitong nakatitig din pabalik sa kanya. His eyes glittered dangerously but his body didn’t move much. Para itong iskulturang gawa sa malaking kahoy; hindi gaanong gumagalaw. “What are you waiting for? Get out before I call the security.” “Sandali lang. Sinabi ko na sa ’yo ang pangalan ko. Ikaw naman, ano ang pangalan mo?” Gusto niyang tapikin ang sarili at sabihing ang tapang niya para itanong pa rito ang pangalan nito gayung kasingtalim ng tingin ng kuwago ang tingin din nito sa kanya. Gumalaw ang pagitan ng magkabilang kilay ng lalaki. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig nito mula sa kanya. Ang sumunod na gumalaw ay ang linya ng panga nito. Umigting iyon. Imbes na sumagot ay kinuha lang nito ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon nito at may tinawagan. “Security, I caught an intruder in my property. Get her out or you are all fired.” Namilog ang mga mata niya nang matantong balak siya nitong ipadampot sa security. “Teka lang naman, lalabas na ako!” pigil niya rito, wala sa loob na tinalon ang distansyang nakapagitan sa kanila at hinawakan ang kamay nitong nakakuyom sa cellphone. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya. Parang napasong binitiwan niya ito. “P-pasensya na,” aniya. “Some people hate being touched,” he said grimly. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito. “I am one of those.” Dali-dali niyang nilingon si Meowington at kinarga. Mabuti na lang at maysa-chismosa ito at hindi talaga umalis sa kinapupuwestuhan nito kanina. Pero ang mga mata nitong dilaw ay nakatingin pa rin sa kuwago. “Hoy, Meowington, lagot ka talaga sa akin mamaya pag-uwi natin sa bahay,” mahina niyang asik sa pusa, halos pabulong lang iyon. Binalingan niya ulit ang may-ari ng villa. “Lalabas na po ako—ehh!” Napatili siya nang bigla na lamang tumalon ang alagang pusa papunta sa kuwago. Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hinabol ng mga kamay niya ang pusa hanggang sa nawalan siya ng balanse. Nakalipad naman ang kuwago. Pero siya ang lumanding sa dibdib ng lalaki. Malinaw ang tunog ng mga butones na nakalas at tumilapon dahil nangunyapit siya sa damit nito. Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib niya. Nakakuyom pa man din ang mga kamay niya sa tela ng damit nitong nasa bandang dibdib at ramdam niyang matigas at malapad ang muscles nito sa bahaging iyon. Kakasabi lang ng lalaki na ayaw nitong nahahawakan ng ibang tao, tapos heto siya at nakadikit na rito. Samantalang ang mga kamay nito ay ni hindi man lang umalalay o humawak sa kanya. Nasa magkabilang gilid lang ng katawan nito ang mga iyon. Sinubukan niyang huwag tingnan ang balat nitong sumilip sa bandang dibdib dahil sa nakalas na mga butones pero mahina siya sa tukso at pinagbigyan niya ang sarili. Namilog ang mga mata ni Lyrica nang makitang may tattoo ito. Hindi niya lang naaninag nang mabuti, sapagkat mariin na nitong hinawakan ang mga balikat niya at inilayo siya sa katawan nito. “Lumayo ka sa akin,” nagtatagis ang bagang nitong sikmat sa kanya. Pulang-pula ang magkabila niyang pisngi. “Hindi ko sinadya iyon! Kasalanan ng pusa!” “Pusa mo,” diin nito. Napangiwi siya. Pusa nga niya. Tama naman ito. “Pusa ko nga,” sambit niya. “Mabait naman ang pusa ko. Medyo rebelde lang at malandi paminsan-minsan, at...” Sumulyap siya sa kuwagong bumalik na naman sa balikat ng lalaki, “...at mahilig sa... uhh... ibon.” The man growled. “Take your cat with you and get out. Ang mga batang katulad mo, hindi dapat pagala-gala kung saan-saan.” Namula ang mga tainga niya nang marinig na tinawag siya nitong bata. Kasi hindi na siya bata! Matagal na siyang nireregla at may hulma na nga ang dibdib niya. Hindi lang pang-bomba star, pero sapat naman na ang laki niyon. “Hindi na ako bata,” pagtutuwid niya sa sinabi nito. Gumalaw ang maiitim nitong kilay. “What do you call a ten-year old? Adult?” Napamulagat siya. Seryoso ba ito? Sampung taong gulang ang tingin nito sa kanya? Hindi lang siya kasingtangkad nito na parang tore, pero lagpas naman ng limang talampakan ang taas niya. At may hugis na nga ang katawan niya! Wala sa loob na niyuko niya ang sarili? Nakasuot kasi pala siya ng maluwag na T-shirt at shorts na umabot hanggang tuhod niya ang haba. Nakagomang tsinelas lang din siya. Pero kahit na! Kumuyom ang mga kamay niya. “Eighteen na ako!” “I don’t care, I just want you out. Now.” Tinalikuran siya nito. “Sandali lang!” Natampal niya ang bibig. Bakit niya ito tinawag? Parang may sariling buhay ang mga labi niya at kusang nagsalita. Huminto naman ito, pero hindi ito lumingon sa kanya. “If you don’t leave at this very second, I’ll file a case against you for trespassing.” He took a brief pause before resuming, his tone now laced with a more threatening hint. “That or I’ll throw you in the basement.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD