CHAPTER 4

1655 Words
The basement, ulit ni Morris sa utak niya. He was almost tempted to throw the girl in the basement. Lalo na at mukha itong inosente at wala pang kaalam-alam sa pangit na mukha ng buhay. May ilang segundong kamuntikan na siyang matukso na ipakita ritong may mga taong kagaya niya na hindi puwedeng basta na lang pagkatiwalaan. Sa huli ay nagdesisyon siyang hayaan itong makalabas ng villa. “The amount of time you wasted speaking to a kid broke your own records. Iyon na yata ang pinakamahabang pakikipag-usap mo sa isang estranghera.” Napatingin si Morris sa nagsalita. Kakapasok niya lang sa malapad na sala ng malaking bahay. Ang loob ng bahay ay halos walang laman na katulad din ng emosyon niya. Blangko. Ang mga kasangkapang naroroon ay iyong mga kailangan lang talaga. Kumaway sa kanya si Lukas na nakahiga patagilid sa mahabang sofa, paharap sa dako niya. Nakatukod ang siko nito sa sofa at nakahimlay naman ang gilid ng ulo sa nakatikom nitong palad. He was grinning at him, taunting the hell out of him. Minasdan niya ang mga hikaw nito sa tainga at sa gilid ng labi. “Ano ang ginagawa mo rito, Lukas?” malamig niyang tanong. “Pinapakumusta ka ng Boss.” Ang tinutukoy nito ay ang Mafia Boss ng Kratos, ng grupo nila—si Hades de Crassus. The boss was also his half-brother. Wala na siyang mga magulang nang mahanap siya ng Lolo ni Hades, ang malupit at matandang de Crassus. Nagpresenta ang matandang kupkupin siya at ang magiging kapalit ng pagkupkop nito sa kanya ay ang habambuhay niyang paglilingkod sa lehitimo nitong apong si Hades. Magkasing-edad lang sila ng huli. Hindi naman din sila gaanong nag-uusap, subalit sa kung anong kadahilanan ay nagkakaintindihan sila. He became Hades’ shadow, and the third-in-command in Kratos and the Mafia Boss’ closest adviser—the Consigliere. At si Lukas naman na nasa bahay niya ngayon ay ang Underboss ng Kratos. “I’m still breathing, you can go,” ang maikli niyang tugon. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago. You’re still cold and emotionally detached.” Ngumisi ito. Gusto niyang mapailing kay Lukas. “If I’m emotionally detached, then you are emotionally erratic.” Baliw si Lukas. Ito ang pinakamagulo ang utak sa kanilang tatlo ni Hades. Ito rin ang pinakamalupit. Kapag may gustong pahirapang kalaban ang Mafia Boss ay si Lukas ang gumagawa niyon. Tumawa lang si Lukas. “Alam ng lahat iyan,” anito. “Umalis ka na, Lukas. Gusto kong mapag-isa.” “Hmm.” Umiling ito. “I can’t do that. Tell me something that would interest the Boss first, then I’ll go.” Gumalaw ang pagitan ng maiitim niyang mga kilay. “Kung ano man ang nangyayari sa akin dito, labas na ang Boss d’un. May asawa na siya at mga anak at pareho nating alam na ang gusto lang malaman ni Hades ay kung buhay pa ako.” “You are a killjoy,” yamot na komento ni Lukas. “Iyong kausap mo kanina, sino iyon?” kambyo nito sa paksa ng usapan. “A kid.” “Can I play with her?” Nagniningning ang mga mata ni Lukas. “Wala nang inuutos sa akin ang Boss na interesanteng gawin. That hellcat changed him. Sana talaga ginilitan ko na ang pusang iyon bago pa niya nagawang paibigin ang Boss.” The hellcat, ulit ng utak ni Morris. That hellcat was the only 'cat' he could tolerate. Ang kuting na bumihag sa puso ni Hades. “Forget about the kid. She won’t be coming back here,” aniya. “Did you scare the sh*t out of her?” “I did.” Humagalpak ng tawa si Lukas. “Pero boring ang ginawa mo. Salita lang? You should have made her bleed a little.” Napailing na lang siya. Naglakad siya patungong kusina at nagtimpla ng kape. Sinundan siya ni Lukas. “Bumalik ka na sa Mansiyon de Crassus, Morris.” “Hindi pa ngayon,” payak niyang tugon. “Kailan pa? I’m bored. Gusto kong nand’un ka.” “Stop acting clingy. It isn’t like you.” Bumungisngis lang si Lukas. Itinaas nito ang dalawang kamay at nag-unat. “Bakit nga pala wala ka man lang kasamang miyembro ng Kratos dito? Galing sa lehitimong ahensya ang mga security mo. Ayaw mo bang malaman ng mga tao rito kung sino ka talaga?” Huminga siya nang malalim. Sinadya niyang huwag magsama ng kahit na sinong konektado sa Mafia. Hindi na dapat malaman ng mga tagaroon kung sino talaga siya. Hindi rin naman siya magtatagal sa lugar na iyon. “They don’t have to know my true identity,” sagot niya. “Typical Morris,” palatak ni Lukas. Tumalikod ito at binaybay ang daan patungong pinaka-pinto ng mansiyon. “Saan ka pupunta, Lukas?” Hindi ito lumingon, pero parang nakikinita na niya ang ngisi sa mukha nito. “Uuwi na. Nakakabaliw ang katahimikan dito.” “Matagal ka nang baliw, Lukas.” “Yeah. But I don’t like doing nothing. I feel like I’m being told to just sit, like a dog. Maghahanap ako ng puwede kong pagkatuwaan.” Hinatid-tanaw na lang niya ang papalayong Underboss. Lukas didn't want to just sit like a dog. But, he's a dog. The hellhound of the 'underworld.' The hound of Hades. _____ “LOLA AURELIA,” mahinang pagtawag ni Lyrica sa pangalan ng kanyang lola na ngayon ay nakapikit at nananalangin sa tapat ng altar. Nasa loob sila ng silid ng kanyang lola dahil ganoon ang nakagawian nila sa gabi—umuusal ito ng mahabang panalangin kasama siya bago matulog. Maliit lang naman ang bahay nila at katabi lang ng silid nito ang kuwarto niya. Ang tiyuhin niyang matandang binata ay sa sala natutulog. Isa pa ang tiyuhin niya sa dahilan kung bakit pilit niyang isinisiksik sa utak niya na hindi siya puwedeng papatay-patay kapag dumating na ang taong gusto niyang makasama sa buhay. Nagkagusto rin kasi ito noon sa isang babae. Pero ang tiyuhin niya na nuknukan ng torpe, hindi man lang gumawa ng paraan para mapalapit sa babaeng minamahal nito kahit na halata namang pareho sila ng damdamin ng taong napupusuan nito. Sa malas ay nagkasakit ang babae at maaga itong sumakabilang-buhay. Pumanaw itong hindi man lang naririnig na mahal ito ng lalaking mahal din nito. Hindi na nag-asawa ang Tiyo Abner niya at hanggang ngayon, kahit na tumatawa at mukhang normal naman ang tiyo niya ay ramdam niya ang pait sa likod ng mga mata nito. Angkan siguro talaga sila ng mga pusong sawi. Kung sino pa ang mahal nila, iyon pa ang nawawala at napupunta sa iba. Ang sabi ng Lola Aurelia niya sa kanya ay napilitan lang din ang ina niyang pakasalan ang ama niya dahil sa malaking pagkakautang nila rito noong nagkasakit ang matanda ng Pneumonia. Wala naman sanang balak ang lola na ikuwento sa kanya ang tungkol d’un, pero kasi ay nabasa niya ang diary ng nanay niya. Ang sabi ng lola niya ay parang may sumpa raw ang lahi nila. Wala pang kahit isa sa angkan nila, kahit suyurin pa ang kasaysayan ng mga ninuno nila, ang nakamit ang tunay at wagas na pag-ibig. Palaging sablay. Palaging nauudlot. Palaging nawawala. Ang masama pa ay iisang beses lang daw tumitibok ang puso nila sa musika ng pag-ibig para sa isang tao. Kapag ang taong iyon ay nawala, wala ng kasunod o kapalit iyon. Parang tuksong dumaan sa balintataw niya ang imahe ng supladong may-ari ng villa. Oo, nakakaintimida ito. Nakakatakot siguro para sa ibang tao. Pero mas natatakot siya sa posibilidad na totoo talaga ang sumpa sa lahi nila. “Lola,” tawag niya ulit dito. Nang hindi sumagot ang matanda ay inulit niya ang pagtawag dito. “Lola.” Dumilat ang matanda, matalim ang tingin sa kanya. “Lyrica, hindi mo ba nakikitang nananalangin tayo ngayon?” “Ay, sorry po.” Ayaw nga pala ng lola niya na iniisturbo ito sa oras ng pagdarasal. Mamaya na lang niya ito kakausapin. Pagkatapos ng mahabang pagdarasal ng lola niya ay nahiga na ito sa kama. Lumapit siya rito at naupo sa gilid ng higaan. Kumunot naman agad ang noo ng matanda, alam nitong may sasabihin siya. “Ano iyon, Lyrica?” “Lola, puwede na ba akong mag-boyfriend?” walang ligoy niyang tanong dito. Nagulat ang matanda, tapos ay bumangon ito at mabilis na kinurot siya sa singit. Napatili siya at lumayo rito. “Ang sakit naman po, ’La! Parang nagtatanong lang naman po ako.” “At bakit nagtatanong ka nang ganiyan, aber? Maryosep na bata ka, disiotso ka palang! I-kipot mo muna iyang bulaklak mo! Hindi pa nga lubos na namumukadkad iyan, ipapapitas mo na agad sa lalaki? Gusto mo bang matuyot agad ang mga talulot ng bulaklak mo?” Paanong matutuyot kung madidiligan pa nga? anang utak niya. “Ano iyang tumatakbo sa utak mo, ha?” Lumabas ang mga ugat nito sa leeg. Alam na alam talaga ng lola niya na kapilyahan ang naglalaro sa isipan niya ngayon. Napakamot siya sa ulo. “Itong si lola naman, kung may boyfriend ba, may pitasan ng bulaklak agad na magaganap?” Hinagilap ng lola niya ang baston nito sa gilid ng higaan. Ginagamit nito iyon sa tuwing sumasakit ang mga kasukasuan nito. Tapos ay muntik na nitong ihagis iyon sa kanya. “Lola, teka lang!” Kumaripas na siya ng takbo palabas ng kuwarto ng matanda, pero kahit nasa labas na ay dinig na dinig niya pa rin ang malakas na boses ng lola niya. “Malaman-laman ko lang na sumasama ka na sa lalaki, susulsihin ko talaga iyang hiwa mo sa ibaba bago pa may lalaking pumunit diyan!” Napailing na lang siya, at pinigilan ang mapahagalpak ng tawa. Gan’un talaga ang bibig ng lola niya. Sanay na siya rito. Paano ba iyan, lola, mukhang dumating na kasi ang lalaking magpapatibok sa puso ko? pilyang sabi ng utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD