CHAPTER 5

1389 Words
Naglalakad si Lyrica sa gilid ng sementadong kalsada. Sa tabi niya ay ang luntiang palayan na pag-aari ng isa sa mayamang pamilya sa Santa Catalina. Masarap iyon sa mata at kitang-kitang maganda ang tubo ng mga palay. Napatingala siya sa kalangitan. Pinaghalong bughaw at puti ang kulay na napakaaliwalas tignan. Papunta siya sa Santa Catalina College (SCC). Doon siya nag-aaral ng unang taon niya sa kolehiyo. Psychology ang kurso niya. Kapag natapos na niya ang pag-aaral ay gusto niyang magtrabaho sa isang napakalaking kompanya at matanggap sa departamento ng Human Resources—sa Employee Relations. Pangarap niya iyon. Habang iniisip ang trabahong gusto niya sa hinaharap ay bigla na lang niyang narinig ang mga ugong ng paparating na sasakyan. Napalingon siya at nakita ang tatlong itim at nagkikintabang sasakyan. Magkakasunod ang mga iyon. Sedan ang dalawa at ang pangatlo na nasa pinakahuli ay itim na SUV. Ang gara naman, naisip niya. Ang yaman siguro ng nakasakay sa loob. Gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang kotse. Pag-iipunan niya iyon. Pagka-graduate niya ay magtatrabaho siya kaagad. Gusto niya ring ibili ng sasakyan ang lola niya. Ang Tiyo Abner niya ang magiging personal driver ng Lola Aurelia niya. Kung kailan nasa gilid na niya ang mga sasakyan ay saka naman p-um-reno ang nasa unahan dahil biglang may tumawid na tatlong kambing sa kalsada. “Pftt.” Natawa siya. Ang cute ng mga kambing. Ang bagal pang maglakad. Parang ayaw padaanin ang tatlong sasakyan. Biglang bumukas ang bintana ng SUV. Iyon ang nakatapat mismo sa kinatatayuan niya. Napatingin siya sa backseat dahil ang bintana sa likuran ang bumaba. Tumaas ang mga kilay niya nang may kamay na lumabas. May nakasipit na stick ng sigarilyo sa pagitan ng dalawa mahahabang daliri. Umuusok pa iyon. Una talagang nahagip ng tingin niya ang mamahaling relo sa palapulsuhan ng taong may hawak ng sigarilyo. Alam niyang mamahalin iyon kahit hindi siya pamilyar sa brand ng relo. Iyong sa kanya kasi ay gawa sa gomang kulay pink ang strap at nabili niya lang sa tiangge ng mga abubot sa merkado. Mura lang iyon. Nasa singkuwenta lang yata, may kasama ng free na singsing na ang pinakasentro ay salagubang imbes na diyamante. Sunod niyang napansin ang cufflink nito. Hugis parisukat at kulay itim na may border na silver. Mamahalin din iyon, natitiyak niya. Itim ang suit jacket nito at puti ang formal shirt sa loob. Dumako sa bandang leeg nito ang mga mata niya. Makinis at ang ganda ng Adam’s apple. Gusto niyang maglaway nang gumalaw iyon. Nang umangat sa mukha ng may-ari ng relo at cufflink ang tingin niya ay kamuntikan pa siyang mawalan ng balanse at matumba, dahil nakatitig din pala ito sa kanya. The man’s eyes behind his clear eyeglasses were so dark and intense and he was looking directly at her. Ang may-ari ng villa! Hoy, bakit ang guwapo nito? tili ng utak niya. Wala itong kangiti-ngiti sa labi at seryoso ang mukha, pero ubod ng guwapo pa rin. Dinala nito sa labi ang stick ng sigarilyo at hinithit iyon. Napatingin tuloy siya sa mga labi nitong natural na mapula ang kulay. Napalunok siya nang bumuka ang bibig nito at walang pagmamadaling ibinuga ang usok mula sa hinithit nitong sigarilyo. His lips moved so erotically slow. Nabatu-balani siya sa mga labi nito at hindi niya namalayang napapanganga na rin siya. “Close your mouth,” sabi nito. Monotonous ang tono ng boses, pero kinilig pa rin siya. Isa pa, kahit anong tono pa ang gamitin nito, okay lang, kasi ang mahalaga ay kinausap siya nito! Siya! Kasi wala namang ibang tao sa paligid. Siya lang. Isinarado na nito ang bintana nang gumalaw na ang dalawang kotse sa unahan ng sinasakyan nito. Marahas siyang napatingin sa tatlong kambing. Parang gusto niyang hilahin ang mga iyon at ibalik sa gitna ng kalsada. Diyos ko, ang guwapo talaga ng may-ari ng villa. Nakakapangatog tuhod ang karisma nito. Kahit pormal at seryoso ang mukha ay ang sarap pa ring titigan. Napabuntong-hininga na lang siya nang lumiit na nang lumiit ang pigura ng papalayong SUV. Habang tinatanaw pa rin ang SUV ay mariin niyang naikuyom ang mga kamay. Aakitin niya ang may-ari ng villa! Kahit na ano pa ang mangyari, hindi puwedeng umabot sa kanya ang sumpa sa lahi nila, kung totoo nga iyon. Hindi puwedeng pati siya ay magka-pusong sawi! Hindi naman sa lubos siyang naniniwala sa sumpa kasi baka hindi nga naman totoo, pero kung hindi man, gusto niyang siya pa rin ang pinakauna sa lahi nila na makakatuluyan ang taong mahal niya. _____ “NATAGPUAN ko na ang lalaking gusto kong makuha ang apelido,” nangangarap na usal ni Lyrica habang nakaupo sa loob ng classroom. Katabi niya ang matalik niyang kaibigang pusong babae, si Moon. Mas mahaba pa ang pilik nito na may synthetic extension. “Sino ang malas na lalaking iyan?” nakangising tanong ni Moon. “Malas talaga? Hoy, ang suwerte niya sa akin. Siya ang makakauna sa bulaklak ko.” Inikot lang nito ang mga mata, iiling-iling. “Sino ba iyan? Ang poging class mayor sa kabilang section?” “Hah? Nge, hindi ah!” “Diring-diri? Ang guwapo kaya ni Manolo.” “Di sa ’yo na. Hindi ako interesado.” “Ay, ang yabang. Ganda mo, ’Te? Kahit naman interesado ka kay Manolo ko, hindi ko pa rin siya ibibigay sa iyo. Akin lang si Manolo ko.” “Oo, walang umaagaw. Iyung-iyo siya,” natatawa niyang sabi. Si Manolo ang pinakaguwapo sa buong batch nila, pero walang dating sa kanya si Manolo. Ang gusto niya, iyong may-ari ng villa. Lalaking-lalaki. Matikas ang katawan. Kaya siyang protektahan. Baka kuwelyuhan lang nito si Manolo ay himatayin na agad ang huli. “Hoy, bruhang ’to, nagde-daydream ka na riyan? Ini-imagine mo na ang lalaking gusto mo?” Hinila ni Moon ang buhok malapit sa tainga niya kaya napaigik siya at pabirong tinampal ang kamay ng kaibigan. “Ituro mo nga sa akin iyan, naku-curious ako. Guwapo ba iyan?” pang-uusisa nito. Nangalumbaba siya. “Sobra.” Nagningning ang mga mata ni Moon. “Maganda ang katawan?” “Titigan mo palang, mabubusog ka na.” Tuluyan nang nabuhay ang kuryosidad nito sa lalaking ikinukuwento niya rito. Tumayo ito at ipinitik ang mga daliri. “Tumayo ka riyan, dalhin mo ako sa tsupapi mo. Gusto kong makita kung totoong guwapo at nakakabusog ang katawan.” “Totoo nga!” Napabungisngis siya. “Pero hindi kita puwedeng dalhin sa kanya.” “Bakit hindi puwede?” “Baka kapag ni-reveal ko na sa iyo ay maudlot bigla.” Sumalampak ito ng upo at umismid. “Ay, ang arte. Bahala ka nga sa buhay mo.” Tatayo sana itong muli, pero hinatak niya ito pabalik sa upuan. “Sandali lang, dito ka muna,” pigil niya kay Moon. Tumikwas ang kilay nitong perpekto ang pagkakahugis. Mas on-fleek pa ang kilay ni Moon kaysa sa kilay niya. “Ano ba iyon? Kung makahila ka naman, sobrang lakas, ah.” “Kailangan ko ang tulong mo,” sabi niya, pinaseryoso ang mukha para mabatid agad nitong hindi siya nagbibiro. “Tulong? Bakit? Hindi naman ikaw ang tipong nanghihingi ng tulong.” Inirapan siya nito. “Ano’ng trip mo ngayon, Lyrica, ha? Naninindig ang balahibo ko sa iyo. Parang hindi ikaw iyan.” Pinitik niya ang ilong ng kaibigan kaya napahiyaw ito. “Ano ba!” asik nito sa kanya. “Makinig ka kasi muna sa sasabihin ko sa iyo.” Ikinuwento niya rito ang tila sumpa sa lahi nila. “Hoy, okay ka lang? Sumpa talaga? Anong taon na, naniniwala ka pa sa mga ganiyan? Hindi ba nag-mature ang utak mo?” “Puwedeng hindi totoo iyon. Pero paano kung totoo pala? Ayokong masawi ang puso ko.” Pinagkrus ni Moon ang mga kamay sa tapat ng dibdib nito at pinukol siya ng tingin. “Sige, sabihin na nating okay sa akin iyang trip mo, ano ngayon ang gusto mong gawin ko? Anong klaseng tulong ang maipagkakaloob ko sa iyo?” Sumilip ang malapad na ngisi sa mga labi niya at sumungaw ang maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. “Gusto kong magpaturo sa iyo,” aniya. “Turuan ka? Ng ano?” Lumingap muna siya sa paligid, sinigurong walang ibang nakakarinig sa pinag-uusapan nila ni Moon. “Turuan mo ako kung paano mang-akit ng lalaki.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD