Halos kaladkarin siya ni Morris paakyat ng kanyang silid. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamay nito sa palapulsuhan niya. Nahihirapan siyang umagapay sa bilis at laki ng bawat hakbang nito. “Morris, sandali lang, madadapa na ako.” Hindi siya nito pinakinggan, subalit nang magkamali sa paghakbang ang isang paa niya at nawalan siya ng balanse ay alerto naman kaagad siyang nasalo ng mga bisig ni Morris. His eyes were distracted though. Parang may malalim itong iniisip. Iniwas nito ang tingin sa kanya at pinangko siya. “Ibaba mo ako, Morris.” “Shut up.” Pagkapasok ng silid niya ay ibinaba siya ni Morris sa kama. Tapos ay may tinawagan ito. “It’s me. I need you to come over right now.” Sandaling pinakinggan ni Morris ang itinugon dito ng kausap. “I said, right now,” ulit nito. “I will be ex