Nanlalamig ang mga palad ni Lyrica habang naghihintay sa dining table. Nakatingin siya sa malapad na likod ni Morris na kalkulado ang bawat kilos kahit nagluluto. Ni minsan ay hindi bumaluktot ang likod nito kahit na naghihiwa ito ng mga sangkap. Tuwid na tuwid pa rin ang pagkakatayo nito. Tikom lang ang mga labi nito at ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng chopping board, at ng mga hinihiwang sangkap. Silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng bahay. Kanina pa nito pinaalis si Gener. Halos isikmat nito kay Gener na bawal itong makipag-usap sa kanya o hawakan siya dahil pag-aari siya nito. Para siyang gamit na binili nito at ayaw nitong ipahawak sa ibang tao. Nahihiya siya kay Gener, at nag-aalala rin siya na baka nga hindi na siya nito kausapin. Mababaliw siya. Ito na lang ang n